🌺 Chapter 19: Sana lumaban ka...

16 0 0
                                    

Xian's POV
Sa nangyaring yun kay Yannah, maraming kaklase namin ang gulat na gulat. Nagpapasalamat ako na nadala sya sa ospital ng agaran. Sabi ng doctor sa amin na may sakit si Yannah  na dengue at nasa stage 2 ngunit maaari pa itong lumala hanggang stage 3 na maaari nyang ikamatay. Hindi daw ito nahalata dahil sa maaaring itinago ito ni Yannah para makadalo sa Christmas party nila. Nung narinig ko iyon sa doctor, parang nawala ako sa sarili ko. Mas pinili pa nyang itago yung sakit nya kaysa nagsabi. bakit? bakit mo ginawa yun Yannah?

"Xian, umuwi ka na muna sa mama mo. Magiging maayos si Yannah, pangako ko yan", sabi sa'kin ng Mama ni Yannah.

"Opo, sabihan nyo po ako kapag nagising na sya",pakiusap ko.

Yannah's POV

Ang tahimik nasaan ba ako?
Ospital! Anong nangyari?
Bakit ako nandito?

"Oh Yannah buti naman at nagising ka na beshie pinagalala mo kami", Sabi ni Julica.

"Sorry kung ganon, ano bang nangyari?",tanong ko.

"Kung masama na yung pakiramdam mo nito mga nakaraang araw dapat nagsabi ka, bes may dengue ka stage 2 buti na nga lamang at nadala ka agad dito kung hindi baka di na kita makita ng tulyan", naiiyak nyang sermon.

"Sina Mommy at Daddy andito ba sila? Eh si Xian ano yung sasabihin nya?", tanong ko.

"Bes magpahinga ka na lang muna ngayon at magapalakas",sabi ni Beshie.

"Okay sige", sagot ko.

Lumipas ang 4 na araw ko sa ospital at pagkatapos noon malaki ang naging improvement ko kaya nakalabas ako bago mag pasko.

Lumipas din ang mga araw na parang nagkaroon ulit ng pag-asa ang puso ko para kay....kay alam nyo na pero ayokong masaktan muli kaya patuloy akong lalayo. Ewan ko ba kung bakit ayaw nyang mawala. Hay! Ewan!
💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠

Susunod na Chapter: Ang nalalapit na pagtatapos (last 2 chapters ng Stop Loving me

Aamin na kaya si Xian?
Matatakot pa rin ba si Yannah na mahulog muli?
Titigil na ba ang pagmamahalan nila?
Kamusta na kaya ang mga kaibigan ni Yannah at Xian?
Pa'no na si Mark?
























-Abangan...

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now