🌺 Chapter 7: Meeting the Fontanoza Family

26 0 0
                                    

Yannah's POV

Pagkatapos ng school pauwi na ako. Bukas ay Sabado kaya walang pasok. Pag uwi ko sa bahay nagulat akong nandoon ang mga kapatid ko na nag-iintay.

"Oh, Yannah ang aga mo naman nakauwi, bakit?" Tanong ni Kuya.

"Ah, pinauwi na kasi kami, pagkatapos mo kasi magturo sa amin, wala na kaming mga teacher na pumasok may sakit daw kasi sila. Si Ma'am Jen na lang yung nagsabi na uwian na," paliwanag ko.

"Ah, ang swerte mo naman ngayon, pero mukhang mamalasin ka na kasi hinahanap ka ni Daddy," sabi ni kuya.

"Yannah, kakausapin ka daw ni Daddy at Mommy sa loob," Sabi ni Ate Kylie.

Kinakabahan akong pumasok sa loob.

"Yannah, lumapit ka dito," sabi ni Daddy.

"Bakit po? Ano pong problema?" Kabado kong tanong.

"Naaalala mo pa ba si Tita Isabelle?

"No dad, who's Tita Isabelle?" Tanong ko.

Nako po, wala akong kakilala na may pangalan na ganon, nako, patay ang ate mo nito. #RipYan-yan😵.

"Si Tita Isabelle, sya yung mother ng dati mong mga best friends, si Xian, Kuya Gerald mo at si Caroline. At sya rin yung business partner natin dati, naaalala mo na ba anak?" Tanong ni Daddy.

So, yun pala si Tita Isabelle. Medyo okay na pero ano naman kayang problem ni Dad about her.

"Yannah, gusto ka daw kasing kausapin ni Tita Isabelle mo, kasi ikaw na lang ang tanging pag-asa nya at ng family nya para maisalba ang business nila. So I hope na kapag nakapag-usap na kayo, you would've probably cooperated," sabi ni Daddy.

"I hope so Daddy," sagot ko.

Nako parang mapapasubo ako nito ah. Mukhang mahirap ito, lalo na't parte ng pamilya nya si Xian.

Hoping to see you all again Fontanoza family.

Xian's POV

"Anak, pwede ka bang makausap?" Tanong ni Mama Isay.

"Opo, Mama. Bakit po ba?" Tanong ko.

"Kailangan ko kasi ng isa pang tao na makakatulong sa business natin, pwede bang ikaw na lang?" Tanong ni Mama.

"Of course, Mama! Ano bang gagawin?" Tanong ko.

"Di ba real estate ang business natin? Richard Paul M. Dominguez, yung business partner natin ay magsesend ng isang tao nya na magdedesign ng mga bagong style ng bahay na maaaring makatulong sa ating mabayaran yung utang ng papa mo. Okay lang ba na ikaw ang isend kong magtotour sa kanya around to gather some inspirations for the designs?" Tanong ni Mama.

"It's okay, Mama, itong business na lang na 'to yung naiwan ni Papa sa atin dito sa Pinas," sagot ko.

"Thank you, Xian, Anak," Sabi ni Mama.

_______________________________________________________________

Nako po, Xian humanda ka at si Yannah yung ipapadala ng kabilang panig na itutour mo. Sya rin ang isinugo na makakapagligtas sa business nyo. What a coincidence?😣😊😄

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now