🌺Chapter 5.1: Ang Dahilan

36 0 0
                                    

Yannah's POV

"Beshie, sorry na!" Paghahabol na sabi ni Julica sa 'kin.

"Eh bakit ba kasi? Yun lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapasok ng maaga, Beshie?" Sagot ko.

"Oh sige na nga aamin na ako, di ba Friday ngayon?" Sabi nya.

"Oh tapos?" Tanong ko naman.

"Kasi narinig ko sina Ma'am Cas at Sir Ziek, yung kuya mo na nag-uusap tungkol sa performance task natin mamaya," sabi nya.

"So yun lang, eh ano naman yun?" Tanong ko. Tapos binulong nya sakin.

"Ang hirap naman non, pipili ka ng bagay tapos sasabihin mo yung sa tingin mo nirerepresent nung bagay na yun," sabi ko naman.

"Di ba, kaya take your time, Beshie," sabi nya.

"Okay," sagot ko naman.

After 1 and a half hour, nagring na yung bell.

Art class, first subject... walang PE class ngayon kasi first week pa lang ng school year... Yehey walang teacher na epal (pertaining to my kuya).

"Okay class, magkakaron kayo ng performance task ngayon, pipili kayo ng bagay at sasabihin nyo kung ano yung nirerepresent nito para sa inyo plus idodrawing nyo ito at ipapakita sa buong klase. So, yun lang magsimula na kayo," sabi ni Ma'am Cas.

"OMG totoo nga #Thanks2Me," sabi ni Julica.

"Psst, Julica may naisip ka na ba?" Tanong ni Jerico.

"Wala pa eh, di kasi ako magaling magdrawing," sagot nya.

After a few minutes.

"Okay, Dominguez, ikaw na magsimula tutal ikaw ang G-1, pang-unang babae sa listahan," sabi ni Ma'am Cas.

"Okay po, Ma'am," sagot ko. Tapos pumunta na ako sa harapan.

"Wow, si Weirdo ang galing pala magdrawing, pero bakit basag na baso at lamesa?" Tanong ni Lilly, kaibigan ni Jessica.

"So, eto po yung napili ko, tama basag na baso at lamesang mataas," sabi ko.

"Pabibo," bulong ni Jessica.

"Basong basag, nirerepresent kasi ng basong nasa lamesa ang friendship mo at ng friend mo, di ba karamihan sa mga magfriends nagkakaroon ng secret feelings, sometimes one sided, sometimes hindi. So, bakit baso? Kasi once na umamin yung isa sa magkaibigan ng feelings nya para sa isa, mauurong yung baso sa bingit ng lamesa at may posibilidad na mahulog at mabasag, it also depends to the power of friendship. Pag nabasag ito sira ang friendship at mahirap nang buoin, kapag naman di ito nabasag still friends pa rin kayo but there will be some boundaries, so ito po yung drawing ko," salaysay ko. Ito rin ang nangyari samin ni Xian.

"Okay, Yannah, great job," sabi ni Ma'am. At pumalakpak ang lahat.

"Next please volunteer, anyone?" Tanong ni Ma'am.

"Magaling sya at matalino kaso outdated na yung style nya pero di naman pala sya ganon ka weird," sabi ni Lilly.

"So ano gusto mo na sya maging friend ganon?" Tanong ni Jessica.

"Sana nga kaso lagi ko rin syang nabubully di nya ako mapapatawad," bulong nya.

"Okay, Jessica your next," sabi ni Ma'am.

"What?!" Sagot ni Jessica.

"Wag mo akong sinisigawan Jessica P. Henerasion, teacher ako di yaya mo!" Galit na sabi ni Ma'am.

"Okay po," sabi nya. #Pahiya

********************************************************

Wawang Jessica Pahiya😂😂😜😝

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now