🌺 Chapter 3: New and Old friends

47 0 0
                                    

Julica's POV

Nung nag break time na humanap kami ni Beshie Yan-yan ng upuan sa canteen. Grabe ang daming pagkain sa canteen at eto pa may iba't ibang klase ng pagkain dito na pang ibang bansa.

"Yannah! Julica!" Sigaw ni Mark habang kumakaway.

"Oh dito ka na sa tabi namin," aya ni Yan-yan. At umupo na si Mark.

"Hmm, Mark, sabi mo matagal na kayong friends ni Yannah, pero bakit ka lumipat ng school? At kelan ka lumipat ng school?" Tanong ko.

"Ah, kasi noong grade 5 kami nabubully ako kasi crush ko si Miya," sabi ni Mark.

"Sino si Miya?" Tanong ko.

"Si Miya Diaz yung dating best friend ko. Famous sya, maganda kaso play girl, naging crush din sya ni Xian," sagot ni Yannah.

"Oo nga ang daming may crush dun, pero si Yannah yung pinakamatalino sa klase, hanggang ngayon ba?" Tanong ni Mark.

"Hmm, oo," sagot naman ni Beshie.

"Hoy, wag mong sabihing crush mo si Yannah, uupakan kita," pagtatanggol ko.

"N-nako h-hindi ah!" Sabi nya nang mapansin ko syang nagbublush.

"Eh bakit nagbublush ka?" Pambibisto ko naman.

"Nako! Hindi ah!" Defensive nyang sagot.

"Ah, guys pwede makiupo?" Tanong ng isang bago pa naming kaklase.

Yannah's POV

"Hmm, okay lang," sagot ko. Medyo kinakabahan pa rin ako pero alam ko naman na ngayon na may friends na ako ulit. No one will ever hurt me again, bukod sa mga dating classmates.

"T-thank you, anong name mo? Di ba ikaw yung nabully kanina?" Tanong nya.

"I'm Yannah, I'm pleased to meet you," pagpapakilala ko.

"I'm Jerico, can I join your group of friends?" Tanong nya.

"Of course! Wait wait wait, tanong ko lang nabully ka na rin ba?" Tanong ni Julica.

"Hmm, oo sa dating school ko pero di kasing lala nung kay Yannah, halos lahat sa room ayaw sa kanya," sabi ni Jerico.

"Oh pare-pareho pala tayo kung ganon edi tawagin natin itong grupo na'to na 'No bullies allowed' NBA," sabi ni Julica ng nakangiti.

"Nabully ka rin pala?" Tanong ko.

"Pero ng tiyahin ko, noong nag-abroad sina Mama at Papa," sagot nya.

"Ah okay," sabi naman ni Mark.

"Nga pala, Yannah, sino pa yung mga dati mong friends bukod kay Mark na epal, kay Xian na masama ugali at Miya the play girl?" Tanong ni Julica. Wow may bansag na agad ang bilis.

"Ah si Jessica, si Delia, si Kuya Gerald (kuya ni Xian), si Caroline (bunsong kapatid ni Mark), si Dylan at si Kuya Ced," sabi ko.

"Eh nasaan na sila? si Jessica yung kaninang umepal, si Delia nasan na? Si Kuya Gerald? Si Caroline? Si Dylan at Kuya Ced mo?" Curious na tanong ni Julica.

"Nasa ibang grade si Caroline, grade 9, si Kuya Gerald nasa college na sya, samantalang sina Dylan, Kuya Ced at Delia na magkakapatid nasa kalaban nating school na ngayon nag-aaral," kwento ko naman. Pero di ako tsismosa na miss ko lang yung may kausap.

"Ah," sabi ni Jerico at Julica ng sabay.

"Hello, Yannah," salita ng lalaking nasa likod ko. Lumingon ako at nagulat.

"Kuya?" Tanong ko.

********************************************************

Eto na nga nabanggit na ang mga dating friends ni Yannah.

Pero sino kaya yung lalaking tumawag sa kanya na nasa likod nya at anong klase ng tao sya sa buhay ni Yannah?

Abangan...
Next chapter spoiler: Past and Present.

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now