🌺 Chapter 12: Tinatago o Natatagong kakayahan...

28 0 0
                                    

Yannah's POV

"Ano ba bitawan nyo nga ako, okay stop na, tigil na. Kung wala ka ngang masamang intensyon magpapatuloy tayo, Mark wag ka na ng mag alala kaya ko na'to, I can handle it", Sabi ko sa dalawa.

"Sorry, Yannah", Sabi sa'kin ni Xian.

"Aba marunong ka pala mag sorry. Demons have mercy, never heard about that before", sabi naman ni Mark.

"Ano ba Mark sobra na yan tigil na, alamin mo yung limit mo as a friend okay. Tamang tumulong sa kaibigan, pero para kana ring bully nyan eh, natatakot ako sa inyo", sabay walk out ko.

Lumayo ako sa kanila, bumalik ako sa punong tinambayan ko kanina. Nanood ako ng movie......nang hindi ko namamalayang tumutulo na pala yung luha ko......namatay kasi yung main character sa movie, nang hindi nasasabi yung nararamdaman nya sa taong mahal nya................Ang tragic. Pero sa huli, nalaman din nung babae na mahal sya nung lalaki. Pero kakasabi ko nga lang din, huli na, huli na ang lahat. Wala nang pag-asa, dulo na, hanggang dun na lang.
(note po: Para mafeel ang nararamdaman ni Yannah basahin yung nakaitalic habang nakikinig ng kantang "ikaw" by Yeng Constantino😢)

Nakalipas ang dalawa't kalahating oras.... bumalik na ako sa kanila. Pero asan na nga ba sila??? nagugutom na ako, hahanapin ko pa sila.

Ilang minuto din ako naghahanap nang nakita ko si Xian sa may bilihan ng ticket para sa Ferris wheel. Hay(buntong hininga ko), ayoko sumakay may fear of heights ako eh.

Dahan akong lumalapit sa kanya ng hindi nya napapansin...

Nang nakita kong gumuguhit sya......
Nagdedesign ng loob ng bahay sa drawing nya. Bigla kong naisip kung may anak palang ganito si Tita Isabelle, bakit pa nya ako kinailangan? Naririnig ko ring kumakanta si Xian, pero coincidence lang ba na yung kinakanta nya, ay yung kinakanta ko rin nung nakatambay ako sa may puno kanina. Tingin ko coincidence lang....... coincidence...........yun lang yun.

Napansin nya ako at tinanong...

"Kanina ka pa ba dyan?", tanong nya sa'kin na parang ang lalim ng iniisip nya.

"Ah, medyo, tapos na nga pala ako sa mga designs ginawa ko pagkatapos manood ng movie", sagot ko naman.

"Movie?, sinong kasama mo?", usisa nya.

"Sa cellphone ko lang, wala akong kasama...ay hindi pala kasama ko si Mr. Puno(puno na sinasadalan ko kanina)", sagot ko.

"Patingin ako ng designs!", biglang pasok ni Tita Isabelle.

"Ay nanay ko!, ginulat nyo naman po ako Tita", Sabi ko.

"Ah ganoon ba, sorry Yannah", paumanhin naman ni Tita Isabelle.

"Tita can I ask you something?", tanong ko.

"Yannah, hindi ba nagtatanong ka na?", sagot nya.

" Oo nga po pala", sagot ko.
"Tita bakit po ba ninyo ako kailangan para sa mga interior designs thingy eh andyan naman po si Xian ang ganda naman po ng gawa nya, ng mga designs nya", tanong ko.

"........", wala syang sinabi pero ngumiti sya.

Tita Isabelle's POV

Kung pwede ko lang sana sabihin sayo na hindi ikaw ang may kailangan ng inspiration sa pagdedesign mo, kung hindi ay ikaw ang inspiration ng anak ko para gumawa ulit sya ng designs. Ikaw lang naman talaga ang kailangan nya.......

"Oh Xian nagdedesign ka pala anak di mo naman sinabi na magaling ka rin pala dyan edi sana hindi na ako humingi pa ng tulong kay Yannah", Sabi ko sa dalawa. Wala naman sa kanila ang umimik.

"Oh nagugutom na ba kayo halika na kumain na muna tayo", aya ko sa dalawa.

"Nga pala asan si Mark?", tanong ni Yannah sa anak ko.

"Kanina pa sya umalis", sagot naman ni anak.

Kumain kami at natapos.....nagpaalam naman si Yannah para umuwi na...... pero pinigilan ko sya ng saglit.

"Anak, magpasalamat ka", Sabi ko kay Xian.

Nagpasalamat naman si Xian at umalis na si Yannah.
vvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvv

End of Chapter mga beshie.
So guys tingin nyo mag-iba na kaya ang trato ni Xian kay Yannah sa school pagkatapos nito o back to normal nanaman sila?

Abangan......

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now