Kabanata 21

12 2 0
                                    

Pamagat: That Lady

((Mei Randa))

Araw ng linggo ngayon, ika-pito ng Maya. Iisa lang ang ibig sabihin, ngayon ang kaarawan ng unang Prinsipe kung saan ipapakilala daw silang apat ng sabay sabay. Like I care?

"Ano?! Miss, teka lang bakit biglang nabago? What?! May ibang kumuha nung gown? I mean, bakit naman nangyari iyon? Hindi ba nakareserve na iyon sa pangalan ni Lady Cadalin?" Dinig ko ang galit na boses ni Jane mula sa terrace.

Anu kayang problema niya?

Maya maya ay pumasok na siya muli dito sa loob at sumalampak sa kama niya.

"Anung problema mo? Bakit parang galit ka ata?" Tanong ko sa kanya, minsan lang mangyari ang ganito kay Jane noh, madalas kase kapag galit ito nagtitimpi. Pwede ring hindi pala.

"Paano yung damit mo, iba na daw ang itsura nakakaasar ang ganda pa naman ng pina-sketch ko sa designer. Tapos aagawin lang ng kung sino. I swear kung sino man ang babaeng iyon lagot sakin mamayang gabi." Akala ko naman kung anu nang problema niya. Yun lang pala.

"Matulog nalang muna tayo pwede ba? Alas tres palang naman ng hapon." Sabi ko sa kanya, pinanlakihan niya ako ng mata mukhang lalo lang siyang magagalit sakin.

"Anu ka ba Mei, alas sais ang umpisa ng party kailangan na natin mag ayos. Papunta na ang mga tao ni Lady Cadalin. Teka naligo ka na ba?" Tanong niya sakin, hindi pa ba kami ayos nito? Halos maghapon na kaming nasa kwarto at nagpapahinga may pumunta pa rito kanina para bigyan kami ng masahe at manicure pati na pedicure.

"Tinatamad ako, chaka nagbabad naman tayo kanina." Sabi ko sa kanya, nakakagulat nga at may parang sauna si Lady Cadalin dito sa bahay niya, nakakarelax.

"Hay naku, ewan ko sayo." Bigla namang bumukas angbpinto ng kwarto at pumasok si Lady Cadalin, kasama niya ang di lalagpas sa sampung katao.

"Sorry kung hindi na ako kumatok, were running out of time. By the way, these people will be your make up artists and stylist." Nakangiti si Lady Cadalin samin, pumalakpak siya ng tatlong beses at may pinasok na mga gamit ang ilan sa mga tao. Teka, anu yan?!

Parang mistulang salon ang nangyari sa kwarto namin, nag set up sila ng mga gamit sa pag me-make up at kung anu-ano na wala akong ideya kung ano. Hindi naman ako pala ayos.

"Maiwan ko na kayo." Nagpasalamat kami bago tuluyan lumabas si Lady Cadalin kasama ang tatlong tao, habang naiwan ang iba sa loob kasama namin.

I swear kung anu mang magiging itsura ko mamaya ayoko nang malaman pa.

((Ethan George))


"Kabado ka?" Tanong ni Seb sa akin, nasa sasakyan na kami papunta sa palasyo, si Kai ay kasama namin pero hindi siya pwedeng magpakilala bilang prinsesa.

"Hindi, alam ko naman kasing kasama ko kayo." Ngiti ko, nawala ang masasayang ngiti sa mukha nila ni Evo.

"Napakadaya naman kase, bakit nasali kami?! Ikaw muna dapat tapos bago kami." Nakasimangot na sabi ni Evo.

"I think this is okay, were quadruplets after all." Sabat ni Sky, he's right I'm just a few minutes older than them.

"That's rational and a good thing cause I get the chance to choose my wife." Ngiting sabi ni Seb. Sa totoo lang it never crossed my mind.

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon