Kabanata 6

11 2 0
                                    

Pamagat: Visit

((Queen Merylla))

Habang nasa byahe papunta kay ate ( Ms. Cadalin) ay tahimik lang kami ng hari tila ba may iniisip siyang napakalalim.

Nakarating kami ng ligtas sa bahay ni ate, miss ko na siya.

"Magandang hapon po your highness, nasa loob po si Lady Cadalin."

Nginitian ko ang mga gwardya at pumasok kami sa loob, pagpasok makikita ang fountain sa harap ng main door ng kaniyang bahay. At ang garden sa magkabilang gilid. Napakasimple pero nakakamiss ren.

Bumaba kami ni kotse at saktong bumukas ang main door.

"Your highness! What a surprise!"

Masayang bati ni ate Lin samin ng asawa kong hari.

"Ate, no need, narito kami ng hari para dalawin ka, musta na? Miss na kita."

Naluluha akong lumapit sa kanya at yumakap.

"Mahal ko, tara at pumasok tayo sa loob."

Tumango siya sakin at pumasok kaming lahat, dumeretso kami sa living room ng bahay, ako naman ay naupo sa tabi ng hari at kaharap ang ate ko sa kabilang couch. All in maganda ang bahay, nakakagaan ng loob sakin ang puting dingding at wooden furnitures.

"Kamahalan, napadalaw kayo? May gusto ba kayo? Juice? Coffee?"

Lumingon ako kay ate, at tumikhim ang hari.

"Water would be fine lady Cadalin."

Humarap ako kay Steffan (hari) at bahagyang siniko siya kaya napukaw ko ang atensyon niya.

"Cut the formality My king, wala namang nakakakita liban sa mga tagasilbi."

Saway ko dito, ngumiti siya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Hay naku, panggigigilan na naman niya ang mukha ko.

"Sige mahal ko."

Napangiti nalang ako at inalis ang kamay niya sa pisngi ko, kukurutin niya na naman ito eh. Rinig kong tumikhim si ate kaya humarap kami sa kanya, prenteng sumandal si Steffan sa couch at umakbay sakin.

"May sasabihin ako sayo Merylla. Nakangiti niyang sabi."

"Ano yun ate?" Tanong ko sa kanya, ngumiti siya sakin bago ako sagutin.

"May napili kase akong representative sa eskwelahan ko. At nakakatuwa siyang estudyante." Hmm, nakakainteresado naman ang sinabi niya, anu bang meron sa estudyante niya?

"Bakit? May espesyal ba sa kanya kaya mo siya napili?" Tanong ni Steffan sa kanya pero umiling lang si ate at di maalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Hindi mahal na hari, in fact, I think she was destined for it, dahil bunutan ang naisip kong gawin na pagpili." Teka, sa dami ng mag-aaral doon sa eskwelahan niya, parang napakaswerte.

"Ano bang nangyari?" Napangiti na rin ako sa mga tumatakbo sa isip ko, mukhang maganda ang patutunguhan ng kwentuhan na ito.

"Ang totoo nyan ay sinagot niya ako ng pabalang at wag sana kayong mabigla, ayaw niya kase sa inyo." Sabi nito samin ng hari at tumawa. Teka? Ayaw niya sa hari at reyna? Bakit?

"What do you mean Lady Cadalin? She is against the Oxford clan? And whats so funny about that thing? She should be excecuted!" Nakakaewan naman itong asawa ko, galit na agad, parang naalala ko tuloy ang dating ako.

"Haha Steffan, its funny because she is likely my sister Merylla, once she hates your clan but look at the two of you now. A happy couple." Ngumiti ako, di pa nga pala alam ni Steffan na kinamuhian ko sila noon.

"Huh? Do you mean My wife hates my clan before? Haha how funny!"

Hinampas ko siya ng mahina, noon lang naman yun kase yung ate niya nakakairita, ang bait masyado sa tao, kaya naiinggit tuloy ako sa kapatid nito dati.

"Wag niyo na ako asarin! Ate kase, teka kung ganun, ang tumatakbo sa isip mo baka our history repeat itself para sa susunod na hari at reyna?" Tanong ko kay ate, at tumango siya ng bahagya. Ramdam kong hinawakan ni Steffan ang kamay ko kaya napatingin ako dito, at sunod sa mukha niya, he looks so tense, what is happening to him?

"Pero mukhang malabo ng mangyari yan Lady Cadalin." Wait! Sasabihin niya ba ang plano niya kay ate! Pero hindi talaga ako sang-ayon doon.

"Steffan, di talaga ako payag doon sa gusto mo, maaaring mali ang hula ng seer bago siya mawala." Napatingin ang lahat sa amin, sakin to be exact.

"Leave us three for a while." Dinig kong utos ng hari kaya, kaming tatlo lang ang naiwan sa living room.

"Anong ibig mong sabihin kapatid ko?" Alam kong nagtataka na si ate dahil kaming dalawa lang ang hari ang kasama ng seer bago ito mawala.

"Ang huling hula ng seer ay di ko pinapaniwalaan ate." Paliwanag ko dito na kinagulat niya.

"Bakit naman?" Tanong nito, di ko ren naman alam kung bakit, napayuko ako.

"Mahal ko, minsan lamang siyang nagkamali. Paano ka nakakasiguro na mali siya sa huli? Sa huling hula niya bago siya lumisan?" Yan din ang tanong ko sa sarili ko ng makilala ko si Miranda, ang nagustuhan ni Sky na bunso sa apat na prinsipe, dahil maldita iyon.

"Alam ko yan hari, pero paano kung mali siya huling pagkakataon na binigay sa kanya? Di tayo nakakasiguro at isa pa, hindi pa pinakikilala sa mundo ang mga anak natin." He sigh in defeat, I should convince him, or else baka mangyari ang kinatatakutan ko.

"King Steffan, anu ba ang plano mo? Pwede ko bang malaman, dont worry, I wont spill the cat." Sinabi naman ni ate, alam kong kating-kati na siya na malaman yun.

"Naisip ko na, hayaan ang mga prinsipe na magpakasal sa kahit na sino, pero ang mauuna sa kanila ang susunod na hari." Tignan niyo na! Ayoko, paano kung mapangasawa ni Heat Sky ang Miranda na iyon! Di ako makapapayag.

"On second thought you highness I agreed to you, Merylla, I think its a good idea. Alam mo naman na first time in history na apat ang prinsipe sa isang kaharian na tulad nito. But King Steffan, your idea also means to say na, paunahan ang magaganap? At alam mo ba, sa tingin ko." Pinutol ni ate ang sinabi niya, oh no! This is not good pati ba naman siya!

"I also think na its a good opportunity para masabak sa pagsubok ang mga prinsipe. As well as the maidens that they'll choose." Tama ba ang dinig ko? Kung totoo malamang di na papasa pa ang Miranda na iyon.

"You mean ate, pagsubok para sa kanilang lahat?" Kabadong tanong ko, tumango siya at nagsalita muli.

"Ang boring na ren kase dito sa Welderia, to tell you frankly, 2 percent of your population have migrated, di kase nila matake, at feeling ko nga makaahon lang sa hirap ang representative ko ay baka gawin din niya iyon." Nakakaboring ba yun? Ganun na ba ang epekto nun?

"Alam niyo kase, kabisado na talaga ng mga tao ang plucking of the maidens, pipili ng sampung dilag, magkakaroon ng pagsubok, lima ang matitira tapos may pagsubok muli at dalawa ang matitira at doon sa dalawa hihirangin ang bagong crown princess, tapos laging panganay na lalaki ang mauuna, at magiging hari, pero minsan nga, tanungin niyo ang anak niyo kung anung gusto nila, malay niyo ayaw nila maging hari."

Mahabang lintanya ni ate, tama ba? Nagsasawa na sila? Mali ba ang pagpapalakad namin!? Kaya naman gumawa na ako ng desisyon. Na alam kong sooner or later baka pagsisihan ko, pero bilang ina ng bayan na ito alam kong ito ang dapat kaya.

"Sige mahal kong hari, gawin natin ang naisip mo, pumapayag na ako." Wika ko at ngumiti silang dalawa sakin. Alam ko ngayon palang, magiging exciting ang lahat. Tama naman sila, nakakasawa nga ang nakasanayan na.

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon