Special Chapter

91 6 2
                                    

Nagising ako dahil sa uhaw. Tumingin ako sa paligid. Pinailaw ko ang lamp sa gilid ng bed ko bago umupo.

"Anong oras na ba?"

Tiningnan ko ang wall clock ko. 4 am na sigurado akong gising ngayon ang kapatid ko. Tumayo ako at naglakad palabas ng room.

"Check ko rin siya."

Sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko. Akala ko talaga may sakit si Hobi. Maiyak iyak pa ako habang sinamahan siyang magpacheck. Natawa ako.

"Mukhang siya yung nabuntis."

Bulong ko. Yung symptoms ng pagbubuntis ni Ran nasa kanya ata. Sabi ni Joe normal lang daw yung kay Hobi. Sabi niya isa itong sympathetic pregnancy o tinatawag na Couvade syndrome. Yung mga lalaki ay makakaexperience ng mga symptoms sa isang buntis.

"Hob-"

Hindi ko natuloy ang pagtawag kay Hobi ng makita ko itong nakatayo malapit sa mesa kung saan natutulog si Ran.

"Ba't siya diyan natulog? Malamig diyan. Magkakasakit siya."

Bulong ko. Agad akong nagtago ng tumingin ang kapatid ko sa pwesto ko. Pinigilan ko pang huminga baka kasi marinig niya. Sumilip ulit ako sa pwesto nila.

"Anong ang gagawin mo hah Hoseok-ah~"

Lumapit ito kay Ran at tiningnan ito. Napabuga ng hangin ang kapatid at humawak ito sa likod ng leeg niya.

"Aish~"

Rinig ko itong nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng maingat nitong kinarga si Ran. WALANGHIYANG KAPATID KA! May ganyan ka rin pala! Parang bride nitong kinarga si Ran.

"Asan na ang phone ko?"

Hinahanap ko ang phone ko sa katawan ko. Naiwan ko sa gilid ng kama ko! Tumingin ulit ako sa dalawa. Ibang klase talaga pagbuntis hindi nagigising. Napangiti ako ng nanatiling nakatayo si Hobi habang nakatingin kay Ran na karga niya.

"Nasa kanya ang anak mo Hobi~"

Bulong ko. Napatawa ako ng magsimulang maglakad si Hobi ay napunta ang paa niya sa upuan. Pinipigilan nitong maglikha ng ingay kahit masakit yung tuhod niya. Tiningnan nito si Ran. Napahinga ito ng malalim ng makitang hindi ito nagising.

"Maganda rin naman si Ran ah~"

Nakangiti kong sabi habang tiningnan ang palayong likod ni Hobi.

The Bulletproof Fan (HOPE) Series IVWhere stories live. Discover now