Special Chapter

79 5 7
                                    

"Saang room nga yun?"

Tiningnan ko ang listahan ko ng pasyente. Ah eto! Eto! Papasok na sana ako ng nakarinig ako ng kalabog. Gulat akong napatingin sa dulo ng hallway.

"Ottokae?! Tatawag na ba ako ng pulis?"

Taranta kong sabi at sabay kapa ng cellphone ko sa loob ng hospital gown. Nasaan na ba yun? Tawagin ko mga kasamahan ko para humingi ng tulong. May nag aaway kasi.

"Yah!"

Nahulog ko yung listahan ko dahil sa gulat ng pagsigaw ng isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha nila dahil nakasuot silang dalawa ng cap.

"Jim-"

"Hyung ano ba ang nangyayari sayo?"

Hindi sumagot yung isang lalaki. Nakaupo ito sa sahig. Nakita ko nga siyang sinuntok ito kanina. Yumuko ako para kunin ang listahan.

"Si Ran nandoon sa loob. Alam mong buntis yung babae Hyung. Ni hindi kita makilala kanina basta-basta ka nalang lumabas ng bahay."

"Nawala sa isip-"

"Baliw ka ba? Anak mo yung dala niya!"

Napaupo sa waiting area yung isang lalaki at inihilamos yung kamay niya sa kanyang mukha. Tumayo yung lalaking nakaupo sa sahig.

"Hyung ang swerte mo kasi makikita mo agad siya. Ni ako Hyung huli ko nang nakita ang kambal Hyung~"

Halata sa kanya ang bahid ng sakit sa mga sinasabi niya.

"Ayaw kong makita sayo ang nangyari sa akin noon. Alam kong kasalanan ko ang nangyayari sayo ngayon pero hyung..."

"Jimin hin-"

"Hindi ko mabibigay ang gusto mo Hyung. Alam mo yan..."

Isang katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Nakikinig na ako sa usapan nila pero walangya gusto kong maiyak.

"Hindi ko maibibigay sayo Hyung patawad pero kahit wala na si Ava Hyung akin pa rin siya. Mawala na sa akin ang lahat wag lang ang kambal at si Ava."

Kahit hindi ko siya kilala naiiyak ako para sa kanya. Nanginginig rin yung boses niya.

"Alam ko Jimin. Alam ko."

Sabi ng lalaking nakatayo. Tumayo ang lalaki galing sa pagkakaupo at nilagpasan ang yung isang lalaki.

"Umayos ka Hyung. Ayokong nakikita ang sarili ko sayo."

Sabi nito bago pumasok sa loob ng room. Napatingin ako sa naiwang lalaki. Umupo ito sa upuan. Tumingin ito sa taas at huminga ng malalim. Agad kong nakita ang tumakas na luha sa mata niya. Pumasok ako sa room ng pasyente ko at umiling.

The Bulletproof Fan (HOPE) Series IVWhere stories live. Discover now