"Gusto ko nang umuwi sa Korea!"
Tumingin ako sa paligid. Masyadong magulo. Yung mga tao parang hindi ako nakikita. Oo! Maliit ako pero tao ako grabe masakit na balikat ko kakabangga niyo!
"Nasaan ba ang ospital?!"
Sino ba tatanungin ko?! Hindi ako marunong ng linggwahe nila! Napakaingay pa kasi may babaeng umiiyak dito.
"I don't know what to do?!"
Nagulat ako ng magsalita ang babaeng umiiyak na nakaupo. Madaming tao na rin ang nakatingin sa kanya. AYOKO NA DITO!
"Asan na ba si Jiwoo?"
Napatingin ako ng may lalaki sa harapan ko. Nakahawak ito sa phone niya at may isang papel na dala. Sa wakas may koreano!
"Yah!"
Biglang umihip ang hangin. Yung scarf ko napunta sa mukha. Nakita ko pang lumipad ang papel na hawak niya. Lalapit na sana ako sa lalaki ng tumakbo ito.
"Jiwoo saan kaba galing?!"
Sigaw nito habang tumatakbo sa kasamahan niyang babae. Tumawa ang babae. Tatakbo na sana ako ng napatingin ako sa babaeng umiiyak.
"Tumahan na siya?"
Bulong ko. Nakahawak siya ng maliit na papel. Naging galit ang mukha nito bago pinunit ang papel ulit at umiyak ulit pero kinuha niya ulit ito at nilagay sa bulsa. Tumingin ako sa harapan.
"Walangya! Nawala tuloy!"
Sabi ko at napasapo. Nag aral ako nurse sa korea bat dito ako inaasign! Ibalik niya ako!
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan (HOPE) Series IV
FanfictionThey become our Light in darkness Our Smile in happiness Our Strength in restlessness Our Hope for everything But what if- What if I hope too much.....