Special Chapter

103 6 4
                                    

Pamilyar talaga yung lalaking yun. Saan ko nga ba siya nakita. Napailing ako habang inaalala kung may kakilala ba akong kamag anak na kamukha niya.

"Yah! Yah! Dito ka nga sabi~"

Paulit ulit niya itong sinasabi sa babae habang pinapatabi ito sa kanya. Nasa harapan kasi ng cart ang babae.

"Manong?"

"Aywalang-Eun Ae! Ba't kaba nanggugulat?"

Tumawa ito habang nilalagay ang mga binili niya sa counter. Batang to talaga. Tumingin ako sa paligid. Himala!

"Nasaan boyfriend mo?"

"Si Tim? Umuwi muna sa kanila. Dadalhin niya kasi mga magulang niya dito sa Seoul."

"Meet the parents?"

Tumawa ito ng sinabi ko. Kinuha ko ang mga binili niya.

"Bakasyon lang. Manong talaga."

Sabi nito habang nakangiti. Ang laki talaga ng pinagbago niya pagkatapos ng nabalitaan ko tungkol sa kanya. Ilang taon rin siyang nawala. Ano kaya ang nangyari sa kanya?

"Pagsinabi kong ako ang magluluto! Ako ang magluluto."

Napatingin kaming dalawa ni Eun Ae sa dalawang customer.

"Ang cute nila."

"Iba talaga mga taste ng mga kabataan ngayon. Kita na ngang nagtatalo ang dalawa tinatawag pang cute."

Tumawa ulit Eun Ae habang nakatingin sa dalawang costumer. Kanina pa silang dalawa diyan ah!

"Pamilyar talaga sa akin yung lalaki."

Napailing ako at pinagpatuloy sa pag lagay ng mga binili ni Eun Ae sa supot.

"Imposible namang pumunta dito ang Bangtan."

Kamukha niya talaga yung isa sa BTS pero imposible namang makapunta sila dito. Yung agency nila nasa Gangnam tapos mas madaming nabibilhan doon.

"Bangtan?"

Napatingin ako kay Eun Ae. Tulala itong nakatingin sa malayo.

"Yah~"

"Hah?"

Gulat itong napatingin sa akin. Ayos lang siya?

"Ayos ka lang ba?"

"Hah? Ah oo."

Napakamot ako sa leeg ko. Parang bigla itong nawala sa sarili. Baka isa itong fan. Matagal tagal na ring hindi bumalik ang grupong yun sa spotlight.

"Kilala mo ba ang Bangtan?"

Inosenti itong umiling. Nakakapagtaka. Kahit nga mga matatanda kilala ang mga batang grupong yun.

"Sabagay umalis ka nga pala noon."

Tumawa ito. Pagkatapos kung ilagay ang mga binili niya ay kinuha na niya ito.

"Alis na ako."

Nakangiti itong kumaway. Nagulat ako ng may naglagay ng mga pinabili.

"I better cook for tonight."

Hindi sumagot ang lalaki at patuloy niyang nilagay ang mga pinabili nila sa counter. Isang foreigner na babae ang asawa niya. Napatingin ako sa tatlong malalaking icecream na binili nila.

"Bahala ka na nga."

Napapakamot nalang ako ng ulo habang nakatingin sa kanila. Pero kung titingnan mukhang nageenjoy naman sila dalawa.

The Bulletproof Fan (HOPE) Series IVWhere stories live. Discover now