Nagmamadali akong pumunta sa Emergency Room.
"Papagalitan na naman ako ni Doc."
Sabi ko habang tumatakbo. Alam kong late na ako ihanda ko nalang ang sarili ko mamaya. Napalakad ako bigla ng makakita ng madaming tao sa labas ng emergency room.
"Pamilya ba ito?"
Napakunot ang noo ko ng makita ang isang lalaking nakaupo sa sahig. Nakatingin lamang ito sa sahig. Yung ibang kasamahan niya ay nakatayo habang nakatingin sa kanya.
"Hyung~ walang may kasalanan nito. Hindi mo ito kasalanan."
"Hobi yah~ hindi natin alam na ganun ang mangyayari ni Ran."
Napatingin ako sa dalawang kambal na bata. Nakaupo silang dalawa at tulog. Napatingin ako sa pintuan ng isa sa kanila ang tumingin sa akin. Nagmadali akong pumasok. Napatingin ako sa loob ng surgery room.
"Bakit ngayon ka lang?"
Bulong ng isang kasamahan ko. Sumenyas ako na tumahimik siya. Walanghiya ibubuking ba naman ako. Napakunot ang noo ko ng makakita ng isang babae na kasama ni Doc.
"Sino siya?"
Bulong ko sa kasamahan ko. Napatingin ito sa tinuro ko.
"Si Dr. Joe yan~"
Sabi nito bago inayos ang mga ginamit na kagamitan. Tumulong ako sa kanya.
"Ano nangyari sa pasyente?"
"Nabali yung kaliwang kamay at mukhang nanganganib rin ata yung bata siya tiyan niya."
"Buntis?"
"May bata nga sa tiyan diba."
Napatango ako at tumingin sa kay Doc. Napakunot ang noo ko ng makita si Doc at Dr. Joe na umiling sa isa't isa. Tumingin ako sa kasamahan ko.
"Mukha may nangyari."
Sabi nito. Nakita ko ang ibang nurse at doktor na nagtinginan. Tumingin rin sila sa amin. Tumango ang kasamahan ko. Teka wala akong naintindihan. Di ako na orient dahil late ako! Nakita kong may sinabi si Dr. Joe sa doktor namin na agad rin naman sinulat.
"Tapos na."
Sabi ng kasamahan ko. Anong nangyayari? Bakit ganito ang atmosphere sa surgery room ngayon? Sino ba yang babaeng yan?
"Pwede na kayong umalis. Ako na bahala dito."
Sabi ni Dr. Joe. Lahat ng doktor at nurses ay tahimik na lumabas. Napatingin si Dr. Joe sa akin. Nakita niya sigurong hindi pa ako lumalabas.
"Sabihin mo sa labas na..."
Umiwas ito ng tingin sa akin. Tinanggal nito ang mga gloves niya at mask. Foreigner?
"Na... Hindi nakasurvive ang bata."
Pumikit ito na tela ba ayaw niya itong sabihin. Bakit ako? Napatingin ako sa paligid. Ako nalang pala ang natira.
"Pero diba dapat Doc ikaw po-"
"Sabihin mo na sa kanila."
Napatingin ako sa babaeng nakahiga. Nakasuot ito ng oxygen sa bibig. Tumango ako at lumabas.
"Bakit hindi kayo sumasagot? Doktor ba talaga kayo?!"
Napakunot ang noo ko ng makita ang mga kasamahan ko at ibang Doktor na hindi nagsalita. Kahit si Doc hindi nagsalita. Nagpatuloy ito sa paglalakad.
"Hobi hyung!"
"Huminahon ka!"
"Tangna paano ako hihinahon! Nasaan na ba si Joe?!!"
Halos magwala na ang lalaki na nasa harapan ko. Pinipigilan ito ng mga kasamahan niya. Tumakbo ang ibang nurses at Doktor palayo sa amin. Lumapit ako na kaunti aa kanila. Tahimik silang lahat na tumingin sa akin.
"Nasaan si Dr. Joe?!"
Napapikit ako ng sumigaw ito. Naging pain yata ako ngayon. Kaya pala hindi lumabas si Dr. Joe dahil tingnan mo naman kasi ang pamilya ng pasyente halos mag wala na.
"Pi-pinapasabi ni Dr. Joe na..."
Hindi ko masabi kasi natatakot ako sa reaksyon nila.
"na hindi nakasurvive ang bata."
Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nilang lahat. Umiling ang lalaking nasa harapan ko.
"Hindi yan totoo!"
"Hyung-"
"Tumahimik kayo! Tangna hindi ako maniniwala hanggang hindi ito nanggaling kay Joe! Joe lumabas ka diyan!"
"Si-sir huminahon kayo. Hindi pa po pwedeng lumabas si Doc kasi tinitingnan niya pa yung pasyente."
Napatigil ito at tumingin sa akin. Nakakatakot! Dapat increase talaga sweldo ko nito!
"Ano nangyari kay Ran?!"
"Nasa hindi mabuting lagay siya Sir. Kailangan po nating gawin ngayon ay huminahon at maghintay."
Tumahimik ang lahat. Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Iniwan na nila ako lahat. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung paano nito sinuntok ang dingding.
"Hobi! Hobi itigil mo yan!"
"Hobi hyung!"
Nangnapigilan nila ito ay napaupo ito sa sahig bago sumigaw. Nakita ko kong paano siya umiyak. Napatingin ako sa emergency room bago tiningnan ulit ang mga lalaki. Sanay na ako sa ganito. Buhay sa ospital may nawawala pero meron namang babalik.
"Nagising na si Jungkook."
Napatingin sila sa lalaking nagsalita. Kasamahan ito nila. Tumahimik silang lahat. Tahimik akong naglakad paalis. Pagalitan talaga ako ni Doc mamaya.
ESTÁS LEYENDO
The Bulletproof Fan (HOPE) Series IV
FanficThey become our Light in darkness Our Smile in happiness Our Strength in restlessness Our Hope for everything But what if- What if I hope too much.....