"At saan kayo pupunta?"
Gulat na napatingin ang anak kong si Hoseok sa akin. Akala niya tulog pa kaming lahat hah. Nagising ako dahil sa ingay maleta ni Hoseok habang naglalagay siya ng damit.
"Ahhhhahahaha Ma!? Pupuntahan lang namin si Joe. May schedule kasi si Ran ngayon sa ospital."
Tumaas ang kilay ko dahil sa pagsisinungaling niya. Napailing ako sa kanya.
"Saan kayo pupunta?"
"Sa ospital nga Ma~"
"Hoseok walang nagpapacheck na nagdadala ng madaming damit. Ngayon sabihin mo kung saan talaga kayo pupunta ni Ran."
Napakamot ito sa kanyang leeg bago ngumiti ng pilit.
"Sa Jeju....."
Tumango ako sa sinabi niya. Naalala ko ang sinabi ko kahapon kay Ran. Nag usap kami ng Papa ni Hobi.
"Nasaan si Ran?"
Ngumiti ang anak ko bago tinuro ang labas ng bahay.
"Nasa sasakyan na~"
Tumango ako. Dapat hindi ko nalang sinabi yun sa kanya. Sana hindi nalang ako nakialam. Kahit ako na nagsabi nasaktan ako. Lumapit ako kay Hobi at hinawakan ang pisngi nito.
"Ma~ alis na kami. Pupunta pa kami kay Joe."
"Si Hyejin."
Nilagay ni Hobi ang hintuturo niya sa kanyang bibig bago ngumiti.
"Alis na kami~"
Mabilisan ako nitong niyakap at nakangiting kumaway sa akin habang palayo. Napa buga ako ng hangin bago ngumiti.
"Kung saan ka masaya~"
Napahawak ako sa leeg. Sigurado akong mag iingay si Hyejin.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bulletproof Fan (HOPE) Series IV
Fiksi PenggemarThey become our Light in darkness Our Smile in happiness Our Strength in restlessness Our Hope for everything But what if- What if I hope too much.....