CHAPTER THREE

8.7K 120 1
                                    

"YOU KNOW I won't do that. You're just wasting your time, Mother," ani Andrea, saka tumayo na siya. "You should go back to Paris. Hindi ako nagpunta dito sa Pilipinas para sundin ka lang din sa huli," matigas na dugtong niya.

"Why?"

Nilingon niya ang ina. "You perfectly know why. I want to stay out of your shadow—"

Tumayo ito. "Why that professor? Marami namang iba riyan."

"I love him—"

"Really? Well, then, define love."

Naitirik niya ang mga mata. "Pati ba naman ikaw, Mommy?"

Inosenteng tumingin ito sa kanya. "What? I was just asking you what love is." Nilapitan siya nito. Hinawakan ang isang kamay niya. "Baka kasi hindi romantic love 'yang nararamdaman mo. Baka kasi—"

Pinalis niya ang kamay ng ina. "No, Mom! I love him. Mahal ko siya at alam kong pagmamahal talaga 'tong nararamdaman ko!" bulalas niya.

Nakita niya ang lungkot na dumaan sa mga mata nito—at ang tila sakit na nakaagapay roon. Then it felt like something tugged her heart. Iyon ang unang pagkakataong nakita niyang ganoon kaemosyonal ang mga mata ng ina.

Mayamaya ay bumuntong-hininga ito. "You know, minsan, gusto kong sisihin ang daddy mo dahil sa mga mala-fairy tale na ikinukuwento niya sa 'yo about love."

"Which is true," sambot niya.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Pero ipinagpapasalamat ko rin na pinunan niya ang pagkukulang ko sa 'yo."

"That... is also true."

"Tayo na lang dalawa ang nandito sa mundo. Your dad left us a long time ago. At siguro, mas mabuti kung tayo ang magdamayan, ang magkasama..."

Napakunot-noo si Andrea. Bigla siyang nakaramdam ng pagdududa. Gusto niyang isiping may pinaplano na naman ang ina. Pero gusto din niyang magduda sa paghihinala dahil hindi biro ang mga emosyong nakita niya sa mga mata nito.

Muli, hinawakan ng mommy niya ang kanyang mga kamay. "Okay, I give up. If you want to pursue your love for that professor, hindi na kita pakikialaman diyan. But, please, puwede mo ba akong pagbigyan sa kahilingan kong ito?"

"And what is that?"

"I want you to take over the compa—"

"No! Mom! Alam mong ayokong hawakan ang kompanya. Alam mong—"

"Darling..."

Sinasabi na nga ba niya. She let out an exasperated sigh. "Mom, alam mong kaya nagpunta ako rito sa Pilipinas ay dahil sawa na akong sumunod sa 'yo, 'tapos, pupuntahan mo ako rito para lang pasunurin pa rin sa 'yo? I'm already twenty-five. Can't I have a life of my own?"

"You're twenty-five and I'm still your mother," matigas na wika nito.

"Mom, please..."

"Darling, please? If you will not take over the company, who will? Ikaw ang nag-iisang anak ko."

"Si Timothy ang—"

"Timothy knows his place. You should know yours."

Hindi siya nakaimik.

"Alam kong masama ang loob mo sa akin dahil sa hindi ko pagsagot sa mga tawag mo at kawalan ko ng oras sa 'yo. I was busy in opening my new branch in Amiens. But now, I have time to check on you. I've been staying here for a month to keep an eye on you. At mas napatunayan ko sa sarili kong mas magiging maganda ang buhay mo kung ikaw ang susunod na mamamahala ng kompanya ko."

A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon