NAKAUPO si Andrea sa kitchen counter at nakapangalumbaba habang pinapanood si Misael na nakatalikod sa kanya at nagluluto. Napakasuwerte na yata niya. Sino'ng mag-aakala na ang isang guwapong kagaya ni Misael ay mahilig magluto? At siya pa lang yata ang nag-iisang babae na nakakita sa binata na may suot na apron.
Hindi niya napigilang mapahagikgik. Kahit mukha itong Japanese maid gaya ng napapanood niya sa animé ay hindi nabawasan ang kaguwapuhan nito.
"Bakit ka tumatawa? Pinagtatawanan mo ako, 'no?" sabi ni Misael na humarap sa kanya dala ang bowl na may lamang ulam.
"Ang cute mo kasi. Bagay sa 'yo 'yong apron ko," sabi ni Andrea. Sinamyo niya ang usok na nagmumula sa ulam. "Mmm, 'bango!"
"Alam ko, mukha akong bakla rito. Kung bakit naman kasi ito ang ipinasuot mong apron sa akin," reklamo ni Misael. Nagsimula na itong maghain.
"Hindi naman, ah. Lalo ka ngang gumuwapo, eh." Pinigilan niya ang sariling tutupin ang bibig dahil sa sinabi. Sinabi ba talaga niyang guwapo si Misael? Nandidilat na napatingin siya sa binata para tingnan ang reaksiyon nito. Gulat din si Misael, parang hindi inaasahan ang sinabi niya pero mayamaya ay ngumiti ito.
"Gutom ka na nga. Ikain mo na nga lang 'yan." Inabutan siya ni Misael ng mga kubyertos. Naglagay rin ito ng kanin sa plato niya. Pagkatapos ay hinubad ang suot na apron saka hinainan ang sarili.
Kumutsara si Misael ng sabaw mula sa sinigang. "Yum! 'Sarap nga. Kainan na!" bulalas nito saka sinimulang kumain.
"EGG..."
"Scrambled."
"Sunny-side up. Day or night?"
"Night."
"Day. Moon or sun?"
"Moon."
"Sun. Color."
"Pink."
"As expected. Why do girls drool over pink color?" komento ni Misael.
Inirapan ni Andrea ang binata. "Wala kang pakialam. So, what's yours?"
Tumawa ito. "Black and white. Season?"
"Autumn."
"Summer. Maganda ang view sa beach, maraming chicks na naka-two piece," wika ni Misael, saka tumawa nang malakas.
"Sira!" komento ni Andrea. Kumutsara uli siya sa ice cream na magkasalo nilang kinakain. Tapos na silang maghapunan. Pinagtulungan nilang hugasan ang pinagkainan at pagkatapos ay bumili ng ice cream sa malapit na convenience store. Naglalaro sila ng "mine game" na pauso ni Misael. Nagsasabi ang isa ng mga bagay na gusto niya na tatapatan naman ng bagay na gusto ng isa, same category bawat sagot. Iyon daw ang paraan para mas makilala nila ang isa't isa.
"Darkest secret..." sabi ni Misael.
Mula sa kinakaing ice cream ay nag-angat ng tingin si Andrea sa binata at isang nagtatakang tingin ang ibinigay niya. Nabitin pa sa bibig niya ang kutsarang gamit.
"Tell me something I don't know about you. A dark secret maybe. 'Yong wala pang nakakaalam, and then I'll tell you mine." Kumutsara si Misael ng ice cream at isinubo nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
He must be imposing something. Alam na ba nito ang tungkol sa lihim niya? Alam na ba nitong nagsisinungaling lang siya?
Pero kung alam na ni Misael, bakit tinatanong pa nito iyon sa kanya? Bakit hindi na lang nito sabihin sa kanya? Siguro ay binibigyan siya ng pagkakataon para sa kanya mismo manggaling iyon, at strategy ang "mine game."
BINABASA MO ANG
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)
Romance"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa c...