NARAMDAMAN ni Andrea ang magaang pagpisil ni Misael sa kamay niya habang magkatabi silang nakaupo sa isang restaurant. Ipina-reserve nila ang isang parte ng restaurant na iyon para sa isang okasyon. "Kinakabahan ako."
"Hindi ba dapat, ako ang mas kabahan?" sabi ni Misael saka tumawa. "Huwag kang kabahan, magiging maayos din ang lahat. Saka ilang linggo nating pinaghandaan ito. Ang importante, magkasama tayo. Hindi ko bibitawan ang kamay mo kahit ano'ng mangyari," dagdag nito at hinagkan ang kamay niya.
Napangiti na rin siya. "Thanks."
Mayamaya ay dumating na ang mga magulang ni Misael. Bumati sila sa mga ito at nagmano pa siya.
"So, ano ba 'yong announcement n'yo?" tanong ng papa ni Misael sa kanila.
"'Pa, mamaya na po namin sasabihin. May hinihintay pa po kasi tayo," pigil ni Misael. "Siguro mas maganda kung ipapa-serve na natin 'yong appetizer," bulong nito sa kanya saka tinawag ang isang waitress at ipina-serve ang appetizer.
Mayamaya ay natanaw na ni Andrea ang mommy niya na pumapasok sa restaurant. Tumayo siya at kumaway rito. "Mom, over here!"
Masayang kinawayan din siya ng kanyang ina saka poised na lumapit sa kanila. Mayamaya ay huminto ito nang lumingon ang mga magulang ni Misael.
"Charityyyyy!" malakas na tili ng mommy ni Andrea saka halos patakbong lumapit sa kanila.
Tumayo ang ina ni Misael. "Heraaaaaaaa!"
Nang mag-abot ang dalawa, tila ang tagal na hindi nagkita. Nagyakapan, nagbeso-beso, naghaguran ng tingin, nagyakapan uli, nagkumustahan, at nagpurihan sa isa't isa.
Nagkatinginan sila ni Misael at pareho sila ng tanong sa isip.
Mayamaya ay bumaling ang mommy ni Andrea sa papa ni Misael. Tiningnan nito nang masama ang lalaki at sa nagtatagis ang mga bagang ay sinabi nito ang pangalan, "Erik!"
"Hi, Hera," nagkakamot sa ulo at parang pinagpapawisang bati ng papa ni Misael.
Hindi ipinagtataka ni Andrea na kilala ng mommy niya ang dating professor niya. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit kilala ng professor niya ang mommy niya.
Tumikhim si Misael na binalingan ng mommy niya.
"Oh, Misael, hi!" bati ng kanyang ina na tila bale-wala na rito ang binata. Saka muling pinukol ng masamang tingin ang ama ni Misael. "Misael, if you're going to marry my daughter, huwag kang tutulad dito sa ama mo."
"Mom!" sita ni Andrea.
"Uhm, if you won't mind my asking, magkakakilala po ba kayo?" nag-aalinlangang tanong ni Misael.
Ikinumpas ng mommy ni Andrea ang kamay nito. "Oh, your mother and I were best friends. We attended the same school in college. Kaya lang dumating ang pesteng Erik na 'to at inagaw sa akin ang best friend ko." Niyakap pa nito si Tita Charity na parang batang ipinagdadamot ang manika. "They got married at an early age because Charity got pregnant. And that's all because of this bastard." Pinukol nito ng matalim na tignin si Erik. Pagkatapos ay bumaling sa kanila, at bumakas ang guilt sa mukha kahit alam ni Andrea na hinid sincere iyon. "Hindi ko ba nasabi sa inyo? Oh, I'm sorry, o-ho-ho-ho!"
Nagdududang tiningnan ni Andrea ang mommy niya. "Ang sabihin mo, sinadya mong huwag sabihin."
"Just the same, darling." Saka ikinumpas ang kamay na animo bale-wala lang iyon.
"Wait lang. So you mean, alam mong mag-ama sina Er—Tito Erik at Misael?"
Tumango ang mommy niya.
"How about you?" Bumaling siya sa ama ni Misael. "Do you know I'm my mom's daughter?"
Umiling ito.
BINABASA MO ANG
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)
Romance"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa c...