CHAPTER NINETEEN

8.4K 165 4
                                    

"SON, LET me explain."

"No need. I've seen enough," sabi ni Misael at umalis agad. Hindi niya pinansin ang pagtawag ng ama.

"Sael! Sael!" habol ni Andrea.

Hindi niya pinansin ang dalaga. Binilisan niya ang paglalakad. Nang makarating sa sasakyan ay agad niyang binuksan ang pinto sa driver's side pero napigilan siya ni Andrea na sumakay.

"Sael."

Naiinis na hinarap niya ang dalaga. "What?"

"Please, hayaan mo akong magpaliwanag," pakiusap nito.

"Ano pa ang dapat mong ipaliwanag?"

"Kung anuman 'yong inaakala mo, mali 'yon. Hindi ako mistress ng papa mo. Hindi siya nagkaroon ng mistress. Ikaw na mismo ang nakapagpatunay n'on, 'di ba?"

"Pero magkakilala kayo ni Papa? Ikaw 'yong estudyanteng nagbibigay ng mamahaling regalo sa kanya? Ikaw 'yong panay ang tawag dati kahit dis-oras na ng gabi?"

Hindi sumagot si Andrea.

Naikuyom ni Misael ang kamay. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? All this time kilala mo pala si Papa."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "H-hindi ko alam, Sael. Hindi ko talaga alam. We never talked about our family backgrounds. No'ng nagkuwento ka sa akin ng tungkol sa papa mo, hindi ko alam na si Erik pala ang tinutukoy mo."

"Erik?" Tumawa siya nang pagak. "The way you address my father is not like you look at him as your professor."

Hindi ito umimik at yumuko lang.

"Tell me one thing, Andrea."

Nag-angat ng tingin sa kanya ang dalaga.

"Did you really love me? O minahal mo lang ako dahil alam mong hindi ka kayang mahalin ni Papa?"

Yumuko si Andrea at nanatiling tahimik.

Parang piniga ang puso niya at minaso at dinikdik nang pinong-pino; hindi pa nakontento, ipinakain pa sa aso.

"Isa lang ang sasabihin ko sa 'yo, Andrea." Kinabig niya ang leeg ng dalaga at hinagkan sa noo. "I still love you no matter what."

Noon nag-angat ng tingin sa kanya si Andrea, tumutulo ang mga luha. "S-Sael..."

Pinahid niya ang mga luha nito. "But I'm hurting right now." Pagkatapos ay sumakay na siya sa sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon.

Tulad ng patuloy ng pag-andar ng sasakyan ay siya ring patuloy na pag-agos ng mga luha ni Misael.

Tatlong araw nang hindi nagpapakita si Andrea sa kanya mula nang dalhin niya ito sa bahay nila. Labis na siyang nag-aalala sa dalaga. Hindi ito lumalabas ng bahay at hindi rin pumapasok sa trabaho. Hindi rin sinasagot ang mga tawag at text messages niya. Sinisisi ni Misael ang sarili dahil kung hindi siguro siya nagpumilit na dalhin si Andrea sa bahay nila, hindi ito magkakaganoon. Siguro ay hindi pa ito handang harapin ang mga magulang niya.

Mababaliw na si Misael sa labis na pag-aalala. Kaya nagpunta siya sa ama, umaasang makakahingi ng payo tungkol sa kanyang nararamdaman. Naisip niyang iyon na siguro ang tamang panahon para alisin niya ang galit sa puso para sa ama at simulan uling makipaglapit ang loob dito. Pero ano ang naabutan niya?

Magkayakap ang papa niya at ang girlfriend niya.

Ano ba ang maaaring isipin ng kahit sinong makakita?

A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon