CHAPTER EIGHTEEN

6.6K 141 5
                                    

HINDI alam ni Andrea kung paano siya nakauwi. Basta nakadapa na siya sa kama at nakasubsob ang mukha sa unan habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha.

Bumangon siya at kinuha ang cell phone, saka tinawagan ang ina pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ilang ulit siyang tumawag pero tanging answering machine ang sumasagot sa kanya. Nanlulumong napahiga uli siya sa kama at tumitig sa kisame.

Siguro, kung sinunod niya ang ina noon, hindi sana siya masasaktan nang ganoon. Kung hindi siya nagmatigas at hindi na siya umalis ng Paris, masaya pa rin sana siya.

Pumikit si Andrea. Imahen pa rin ni Misael ang nakikita niya. Agad siyang dumilat. Hindi na ang nakangiting binata ang nakikita niya kundi ang Misael na galit sa ama nito noong nag-usap sila sa Antipolo.

Tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya iyon ay si Misael ang tumatawag. Ayaw niyang kausapin ang binata pero hindi niya matiis na hindi marinig ang boses nito.

"Hay! At last you answered the phone. I'm so dire worried about you. Nakauwi ka na ba? Ang sabi ko sa 'yo hintayin mo ako. Paglabas ko wala ka na. Akala ko kung ano na'ng nangyari sa 'yo..."

Masaganang umagos na naman ang mga luha ni Andrea.

"Hello? Mon miel? Are you all right? Nandito kasi ako sa labas ng bahay mo..."

Agad siyang napatayo at pasimpleng tumingin sa labas ng bintana. Naroon nga sa tapat ng bahay niya ang binata at nakatingala sa kwarto niya.

"Okay lang ako," sabi niya.

"You don't sound fine. Nandiyan ka ba sa bahay? Will you let me in? Gusto kitang makausap nang personal. Nagi-guilty kasi ako. Alam kong ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan. I shouldn't have asked you to meet my parents. Sorry, mon miel..."

Tinutop ni Andrea ang bibig para pigilang gumawa ng ingay ang pag-iyak niya. Lumunok siya para klaruhin ang tinig.

"H-hindi mo kasalanan, Misael. D-don't apologize..." Mariin siyang pumikit at kinagat ang mga labi upang hindi lalong umingay ang pag-iyak niya. Every word he said made her heart break into pieces. "I-I have to g-go. I'll call y-you when I-I'm ready. J-just... don't worry a-about me. Go home, please."

Mabilis na pinutol niya ang tawag at nanghihinang napadausdos ng upo sa pader sa tabi ng bintana habang yakap pa rin sa dibdib ang cell phone. Hanggang sa tuluyan na siyang napahiga. Niyakap niya ang mga tuhod habang malayang umaagos ang mga luha.

"Misael... Misael... I love you so much. I love you that my guilt is killing me... slowly and endlessly. I'm sorry. Sorry."


"WHY ARE you crying, my belle?"

"Dad, my doll broke..." wika ng pitong taong gulang na batang babae sa ama na umupo sa tabi niya sa wooden garden chair sa verandah.

Ipinakita niya na putol na ang isang braso ng manyika.

Kinuha ng kanyang ama ang manyika at iniayos. "Here, it's fixed now."

Tuwang-tuwang kinuha ng bata ang manyika. "Thank you so much, Daddy!"

Ginulo-gulo ng ama ang buhok ng bata. "You must be so happy."

Nakangiting nag-angat ng tingin ang bata sa ama. "Yes, Daddy."

"Andrea..."

Natagpuan niya ang sariling nakaupo sa tabi ng ama at siya na ang may hawak ng manyika. Pero hindi na pala babaeng manyika ang hawak niya kundi isang angel doll. Nag-angat siya ng tingin sa ama.

A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon