KANINA pa naiilang si Andrea sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Misael mula nang bumaba sila ng burol. Napakaseryoso kasi ng mukha ng binata at tila malalim ang iniisip. Kanina pa niya gustong tanungin kung ano ang iniisip nito pero natatakot siyang baka hindi magsabi ito. She hated rejection. Ilang beses na siyang nare-reject ni Erik. Dati ay natatanggap niya iyon, but Misael was a different story.
Hindi yata niya kakayanin kung isang beses ay tatanggihan siya ni Misael.
"So, tell me, Misael..."
Bahagya siyang nilingon ni Misael.
"Tell me something about your family. Ang dami mo na kasing alam tungkol sa akin, pero ikaw, wala ka pang naikukuwento sa akin tungkol sa sarili mo."
"My mom is a very dedicated wife and mother. She owns a pastry shop in Market! Market! I also have a younger sister who's already residing in New York and has her own family there. And my dad?"
May bumakas na kung anong emosyon sa mukha ni Misael nang banggitin nito ang ama. Was it hatred?
"Hindi ko na alam. Mataas ang respeto ko sa papa ko noon. Aside from his academic achievements, marami siyang ginawang bagay na labis kong hinahangaan. Naging inspirasyon ko pa siya noon para mag-aral nang mabuti. At nakikita ko kung gaano siya ka-dedicated na tao sa trabaho, sa asawa, at sa amin ng kapatid ko. Pero nagbago ang lahat nang malaman kong may mistress siya." Nagtatagis na ang mga bagang nito.
Natutop ni Andrea ang bibig. "M-may mistress ang papa mo? Nahuli mo sila?"
Umiling si Misael. "No. Minsan ko nang kinompronta si Papa pero sinabi niyang wala siyang ibang babae. Ipinakita ko sa kanya 'yong mga mamahaling regalo na nakita ko sa study noong minsang naghahanap ako ng mga libro na magagamit ko para sa trabaho ko sa France. Sinabi niyang bigay lang daw iyon ng estudyante niya—my father is a professor, by the way. Hindi ako naniwala sa kanya. Sino ba namang estudyante ang magbibigay ng mga mamahalin at imported na gamit sa teacher niya?"
"Sinabi mo ba sa mama mo ang tungkol do'n?"
"Hindi. Wala kasi akong ebidensiya. Besides, hindi ko kayang makitang nasasaktan ang mama ko. Mahal na mahal kasi niya si Papa. Ilang beses kong inobserbahan si Papa. Hindi siya tumabang kay Mama. Inisip ko, nagkamali nga yata ako ng akala. Pagkatapos, pumunta na ako sa France. Mula noon, nagkaro'n na kami ng gap ni Papa. Although I've noticed he's trying his best to win back my affection. Kaya lang mahirap nang ibalik 'yong tiwala. Tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko 'yong natuklasan ko. Hindi ko na maialis 'yon sa isip ko."
Napatigil si Andrea sa paglalakad. Pakiramdam niya ay tinatamaan siya sa mga sinasabi ni Misael. Paano nga kaya kung nangyari iyon kay Erik? Parang gusto niyang ipagpasalamat na hindi siya pinatulan ni Erik. Magiging homewrecker din pala siya kapag nagkataon. At sisisihin lang niya ang sarili kapag nawala ang respeto ng anak ni Erik dito dahil sa kagagawan niya.
Habang pinagmamasdan niya ang likod ni Misael ngayon, parang gusto niyang sugurin ito ng yakap at sabihing magiging maayos ang lahat. Na kahit pagtaksilan na ito ng buong mundo, mananatili siyang tapat dito.
Tapat? Eh, nagsisinungaling ka nga sa kanya ngayon, kastigo ng isang bahagi ng isip niya.
Sinalakay na naman ng konsiyensiya si Andrea.
Dati, hindi siya karapat-dapat kay Erik dahil may asawa na ito. Ngayon ba, hindi pa rin siya karapat-dapat kay Misael dahil nagsisinungaling siya?
Maybe not...
Huminto sa paglalakad si Misael at nilingon siya. "May problema ba?"
Nakangiting umiling si Andrea. Nagsimula na siyang maglakad pero nakakatatlong hakbang pa lang siya ay napatili siya nang malakas nang matapilok siya. Napaupo pa siya.
Agad na dumulog sa kanya si Misael. "Mon miel, okay ka lang?"
Tumango siya at nag-thumbs-up lang. Inalalayan siya nitong tumayo pero nainis siya nang mapansing nabali na ang takong ng sandals niya.
"Oo, kaya lang..." Niyuko niya ang high-heeled stilettos niyang hindi niya maitapak nang maayos. Nasira ang takong n'on.
Kinuha ni Misael ang sandals at sinuri. "Hindi na ito magagawa ngayon. Tsk!" Mayamaya ay hinubad nito ang suot na sapatos ay inilagay malapit sa paa niya. "Wear this."
"Ha? I-I can't wear that, Misael."
"Okay, kung ayaw mo..." Tumalungko ito patalikod sa kanya. "Hop on."
"Ha?"
Bahagya siyang nilingon ni Misael. "Kung ayaw mong isuot ang sapatos ko, pumasan ka na lang sa akin. You have to choose. I'm not a fool to let you walk barefoot." Tumingala ito. "Palubog na ang araw. Mahihirapan na tayong bumaba kapag dumilim na."
Napabuga siya ng hangin. "I-isusuot ko na lang 'yong sapatos mo."
Tila nakahinga ito nang maluwag, napangiti.
Kinuha ni Misael ang sandals niya at ito na ang nagbitbit. Nauuna si Misael sa kanya para alalayan siya sa mga parteng delikadong tapakan. Umulan kasi nang hapon iyon kaya medyo maputik ang daan.
Medyo patag na ang nilalakaran nila nang biglang si Misael naman ang sumigaw.
"Misael!"
Hawak nito ang kaliwang paa nang lumingon sa kanya. Ganoon na lang ang pagkahindik ni Andrea nang makitang may tumutulong dugo mula sa talampakan nito. May kung anong hinugot ito mula sa talampakan at lalong dumugo iyon.
"S-Sael..." Nakaramdam siya ng kurot sa puso nang makita ang sakit sa mukha ng binata. Pero itinago nito iyon sa ngiti.
"A-ayos lang ako. Tara na." Humugot si Misael ng panyo mula sa bulsa saka ibinuhol sa talampakan. Pagkatapos ay nagpatiuna nang naglakad.
Naaawa siya kay Misael habang pinagmamasdan itong paika-ikang lumakad.
Hinubad niya ang sapatos at hinabol ang binata. "Sael!"
Huminto si Misael at nilingon siya.
Iniabot niya ang sapatos nito. "Wear this..."
Nagtatakang tiningnan siya ng binata. Nang hindi kumilos si Misael ay nakatalikod na lumuhod siya sa harap nito.
"Kung ayaw mong isuot ang sapatos mo, ipapasan na lang kita. You have to—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tumawa ito nang malakas. Amued na napatulala lang siya sa binata.
Mayamaya ay hinaplos ni Misael ang buhok niya. "So full of humor, my little Andrea."
Isinuot ni Misael ang sapatos saka patalikod na lumuhod sa harap niya. "Tara na..." yaya nito.
At buong puso siyang sumakay sa likod nito.
"You can have all the shoes you want. But it is hard to find a guy who will not buy you shoes or lend you his shoes when you break yours, and instead will insist on carrying you on his back no matter what gets in his way, or how rough the road is. And when you find that guy, never let him go. Because he's the guy who is willing to suffer just to make sure you won't get hurt," naalala niyang wika ng daddy niya.
Napangiti si Andrea at isinandig niya ang ulo sa likod ng binata.
I found him at last, Dad...
A/N:
This is one of my favorite scenes. 😍
BINABASA MO ANG
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)
Romance"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa c...