CHAPTER SEVEN

6.2K 130 0
                                    

ILANG minuto na si Misael sa sasakyan niya kasama si Andrea pero wala pa ring umiimik ni isa sa kanila. Doon niya dinala ang dalaga pagkatapos niyang iligtas sa kahihiyang kinasangkutan. Hindi niya alam kung ano ang pinagmulan ng gulo pero hindi niya naiwasang i-involve ang sarili nang makitang binuhusan ng iced tea ng babae si Andrea.

Parang may malakas na puwersang sumipa sa protective instinct niya at natagpuan na lang niya ang sariling ipinagtatanggol ang dalaga. Gusto niyang isipin na dahil may kailangan siya kay Andrea kaya pilit niya itong nilalapitan.

Nararamdaman niya ang pasimpleng pagrereto ni Mrs. D'Vaughn kay Andrea sa kanya. Nasa France pa lang sila ay panay na ang banggit ng ginang sa anak nito at sinasabing gusto nitong makilala niya ang anak nito. But he was not interested, not in any woman in particular. He had just no time for women. Sa ngayon ay nakatutok ang atensiyon niya sa muling pagpapalago ng negosyo ng kanyang tito.

Pero pumayag si Misael sa kagustuhan ni Mrs. D'Vaughn dahil umaasa siyang ang bawat panahon na makikita niya ito ay pagkakataon para sa kanya na ireto ang kompanya para sa investment nito.

Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Andrea at malamang ito ang dalagang nakita niya sa tabi ng fountain.

Nagpupunta si Misael sa bahay at opisina ni Andrea hindi dahil anak ito ni Mrs. D'Vaughn at may kailangan siya sa dalaga, kundi dahil ito ang babaeng nakita niya sa fountain. Nasa kanya ang bracelet nito at gusto niyang isauli iyon—iyon ang pilit na sinasabi niyang dahilan sa sarili.

Pero taliwas pala sa maamong mukha ni Andrea ang ugali nito. Tila isang rosas ang dalaga, napakaganda ngunit maraming tinik.

He was mesmerized by her beauty, yet stung by her thorns.

Binalingan ni Misael si Andrea na nasa passenger seat at hindi pa rin kumikilos. Tulala at parang malalim ang iniisip.

"Ayos ka lang ba, mon miel?" nag-aalalang tanong ni Misael.

Hindi sumagot ang dalaga. Ni hindi siya tiningnan. Isang nakabibinging katamihikan na naman ang namagitan sa kanila.

"May alam akong mall na malapit dito. Bumili na lang tayo ng damit para makapagbihis ka."

"Huwag na. Hindi mo na kailangang mag-abala pa."

"Pero—" Natigilan si Misael nang biglang tumingin si Andrea sa kanya at ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

"Alam ko kung bakit nandito ka," walang emosyong sabi ni Andrea. Bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy ito. "Pinapunta ka rito ni Mommy para kulitin ako sa kalokohang blind date na 'yan. Huwag ka nang magsayang ng pagod mo, wala kang mapapala sa akin."

"I-I don't know what you're talking about," pagsisinungaling niya.

"Makikipag-date ka sa akin dahil sinabi ng mommy ko. In exchange, she will invest in your uncle's company, right?"

Nagulat siya. Kung ganoon, alam ni Andrea ang sitwasyon niya.

"My mom told me everything. At kaya nandito ka ay para sakyan ang kalokohan ng mommy. Mom's using me to get you, and now you're using me to get her. Ganyan na ba talaga ang ugali ng mga businessmen ngayon? Using other people to get what they want? Without taking consideration of other people's feelings?"

Nakita niya ang tila sakit na dumaan sa mga mata nito pero mabilis din iyong nawala.

"You don't need to pretend you're interested in me, I know you're not. And I'm not either. So let's just get this straight and done with. Hindi kami in good terms ng mommy ko. Nagpunta siya rito para guluhin ang nananahimik kong buhay. Kung anuman ang plano mo sa akin, itigil mo na. Nagsasayang ka lang ng oras mo dahil wala kang mapapala sa akin. I don't give a damn about my mother's business whatsoever. Kaya kung ako sa 'yo, mag-iisip na lang ako ng ibang strategy."

Isinuksok ni Misael ang kamay sa bulsa at kinapa ang bracelet. "Milady, let me make these clear. Hindi ako nagpunta rito para—"

"Wala akong balak na i-involve ang sarili ko sa negosyo ng mommy ko. So, please, just leave me alone. Ito na sana ang huling beses na makita kita." Pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan si Andrea.

Tulalang nasundan na lang niya ng tingin ang dalaga. Kinuha niya ang bracelet sa bulsa na palagi niyang dala. Sa ikalawang pagkakataon, tinakbuhan na naman siya ng dalaga. Habang nagpupumilit siyang mapalapit dito ay pilit naman itong lumalayo sa kanya.

Ginagap niya ang bracelet saka tiningnan ang coat niya na iniwan ni Andrea sa passenger seat.

Sa susunod, hindi na niya ito hahayaang matakasan siya.

A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon