"BAKIT tayo nandito?" tanong ni Andrea nang ihinto ni Misael ang sasakyan sa tapat ng isang shoe store na nadaanan nila.
"May bibilhin lang ako. Is it fine with you if you're going stay here? Hindi ako magtatagal."
Isang matipid na tango ang isinagot niya, pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan si Misael.
Napakunot-noo si Andrea nang mapansing tila namutla ang binata. Nasagot ang pagtataka niya nang sundan ng tingin si Misael nang papasok na ito sa shoe store at mapansing iika-ikang maglakad ang binata. Mukhang nasasaktan pa rin ito sa sugat sa talampakan.
Napaisip siya kung ano ang maaari niyang gawin para sa binata nang mapatingin siya sa kabilang kalsada at nagkaroon siya ng ideya.
Tiningnan niya si Misael na nasa loob ng shoe store at sinigurong hindi siya mapapansin nito bago siya bumaba at tumawid ng kalsada, hindi alintana kahit wala siyang sapin sa paa.
NILINGON ni Andrea si Misael nang buksan nito ang pinto sa tabi niya. Lumuhod si Misael sa harap niya at kinuha ang paa niya.
"Try this on," sabi ni Misael.
"Ako na," aniya na sinubukang bawiin ang paa pero lalo nitong hinigpitan ang hawak doon.
"Ako na," determinadong wika nito saka isinuot sa kanya ang sapatos.
Pakiramdam ni Andrea ay parang may pinong kuryenteng nanunulay sa kanyang mga ugat habang hawak ni Misael ang paa niya.
"Kasya ba sa 'yo?" tanong ni Misael na tiningala siya.
Nag-init ang mga pisngi niya sa posisyon nila. Pakiramdam niya ay para siyang si Cinderella at natagpuan na siya ng kanyang Prince Charming.
Tumango lang siya.
Kontentong ngumiti si Misael. "Good." Saka isinuot sa kanya ang isa pang sapatos. "Hindi 'yan kasingmahal ng mga sapatos na binibili mo. Pansamantala lang 'yan para may maisuot ka hanggang maihatid kita sa bahay mo. Puwede mo nang itapon 'yan pagkatapos gamitin," sabi nito saka sumakay na sa driver's seat.
Itapon? Nagbibiro ba si Misael? Paano niya itatapon ang pinakamagandang sapatos na mayroon siya? Walang-wala ang mga sapatos na binili niya sa Paris kompara sa sapatos na ibinigay sa kanya ng Prince Charming niya. Kung puwede nga lang ay huwag na niyang huhubarin pa iyon.
"WOULD you like to have some coffee?" alok ni Andrea nang ihinto ni Misael ang sasakyan sa tapat ng bahay niya.
"Coffee is nice," sabi nito na ikinangiti niya.
Sabay silang pumasok sa bahay. Umupo si Misael sa sofa habang siya ay dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape.
"Misael, 'eto na 'yong—" Natigilan siya nang maabutan ang binata na prenteng nakaupo sa sofa at nakapikit.
Natutulog kaya siya?
Nilapitan niya si Misael. Napansin niyang pantay ang paghinga nito kaya nasiguro niyang natutulog ito.
Hindi niya napigilang pagmasdan ang binata. His eyes were always mesmerizing. His nose was commading and screaming of authority. And his lips...
Nag-init ang mga pisngi ni Andrea nang mapadako ang tingin niya sa mga labi ni Misael. They always looked soft and enticing.
It wasn't the first time she looked at his lips. Ilang beses niyang pinagmasdan ang mga iyon noon, maski noong nasa Pilipinas pa ang mommy niya. Pero ngayon, habang nakatingin siya sa mga labi nito, parang may kakaiba pwersa na nag-uudyok sa kanyang halikan ang mga iyon.
Hmm, ano nga kaya ang pakiramdam na mahalikan ni Misael? Nakagat niya ang ibabang labi. Unti-unting kumurba sa isang ngiti ang mga labi nito.
Inilipat ni Andrea ang tingin sa mga mata nito. Nangingislap na ang mga mata ni Misael habang nakatitig sa kanya.
"Fantasizing about my lips, are we not, mon miel?" sabi ni Misael na may nanunudyong ngiti sa mga labi.
Kanina pa ba ito gising?
Mabilis siyang lumayo sa binata. At muntik pa siyang matumba nang tumama siya sa center table.
"Hey, watch out!" To the rescue naman si Misael. Mabilis siyang nahapit sa baywang. "'Careful, young princess," he said in a husky voice.
And then she felt like a fire was burning inside her. Mabilis siyang lumayo. "H-here's your coffee," sabi niyang nakaiwas ang tingin.
"Thanks." Umayos ng upo si Misael at kinuha ang kape na nasa center table. Itinapak nito ang paa at bahagyang ngumiwi.
Umupo siya sa sahig sa harap ng binata, saka kinuha ang paa nitong may sugat.
"M-masakit pa rin ba ito?" tanong ni Andrea habang ipinapatong ang paa ni Misael sa hita niya. Naramdaman niya ang pilit na pagbawi nito sa paa pero hindi niya hinayaan.
"A-ayos lang ako," sabi ni Misael.
Alam niyang nagsisinungaling lang ang binata pero lalo niyang napanindigan ang paniniwala nang hubarin niya ang sapatos nito. Ang puting panyo nito ay namula na dahil sa dugo. Dahan-dahan niyang inalis ang panyo.
Mahinang umungol si Misael.
Nanggilalas siya nang makita ang sugat—nangingitim at nagtutubig na.
"S-sa bahay ko na lang gagamutin 'yan," sabi ni Misael, mabilis na binawi ang paa.
Kinuha uli niya iyon at ipinatong sa hita niya. "You got this because of me," nakokonsiyensiyang sabi niya.
"Wala 'yan."
Nag-angat siya ng tingin sa binata. Nakaiwas ito ng tingin habang umiinom ng kape. Halatang nasasaktan pero ayaw lang ipahalata sa kanya.
Ibinalik ni Andrea ang tingin sa paa ni Misael at sinimulang gamutin iyon. "Bumili ako ng Betadine at Band-aid sa botika kanina habang nasa shoe store ka. Wala kasi akong Betadine dito. Alcohol at bulak lang."
"B-bumili ka? Para sa akin?"
Nag-init ang mga pisngi niya. Bakit ba nasabi niya iyon? Baka kung ano pa ang isipin nito.
"Oo. Wala kasing lampa rito kaya hindi ko kailangan n'on," sabi na lang niya.
Ang lakas ng tawa ni Misael. "But of course. Hindi ka lampa. Kaya ka nga natapilok kanina, eh."
Diniinan niya ang pagdampi ng bulak sa sugat nito.
"Ouch!" reklamo nito, mabilis na binawi ang paa.
"Mas masakit pa riyan ang mapapala mo kapag hindi ka tumigil diyan!" ganti niya, saka muling kinuha ang paa nito.
"Sadista!" mahinang anas ni Misael.
"Ano?"
"Wala!" sagot nito, saka muling humigop sa kape.
Napangiti si Andrea. Tinapos na niya ang paggamot sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng Band-aid ay dahan-dahan niyang inilapag ang paa ng binata sa sahig. "'Ayan, maayos na," aniya, saka umupo sa tabi nito.
Tumayo si Misael at naglakad-lakad sa sala. "Hmm... Much better." Lumuhod ito sa harap niya at kinuha ang mga kamay niya. "Salamat."
Ngumiti siya. "Ako nga ang dapat magpasalamat sa 'yo... You've done a lot of things for me."
"You know I'd do anything just for you."
Napangiti siya.
"At bilang pasasalamat ko sa 'yo, ipagluluto kita ng dinner," biglang sabi ni Misael.
Bago pa man siya makapag-react ay nawala na ito sa harap niya at nasa kusina na at nagbubutingting sa cupboard at fridge. Napapailing at natatawang sinundan na lang niya ang binata.
BINABASA MO ANG
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)
Romance"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa c...