PUMASOK si Andrea at ang kanyang ina sa isang fancy restaurant. Kinausap ng kanyang ina ang isang usher. Iginiya sila sa isang mesa. Sa malayo pa lang ay kita na niya ang isang lalaking nakasuot ng kulay-baby-blue polo at umiinom ng wine sa kopita. Nang mapatingin ito sa gawi nila ay agad itong tumayo. Pinlantsa pa gamit ang palad ang suot na polo.
Nang lingunin ni Andrea ang ina ay masuyo itong nakangiti, tila giliw na giliw sa lalaki. No doubt, iyon ang architect na sinasabi ng mommy niya na imi-meet nila.
Pinigilan niya ang pagtirik ng mga mata. Gusto niyang isipin na may plano talaga ang kanyang ina kung bakit isinama siya sa dinner appointment nito sa architect na iyon. Hindi kasi niya inaasahang bata pa pala ang naturang architect... at, err, guwapo!
"Bon soir," bati ng lalaki sa kanila na bahagya pang yumukod at hinagkan ang likod ng palad ng kanyang ina.
"Bon soir, Monsieur," ganting-bati ng mommy niya na nakataas ang noo. "This is my daughter, Andrea. Andrea, he is Architect Misael Ramirez."
Nang bumaling sa kanya ang lalaki ay bahagya itong nagulat; tumingin sa kanya na parang kilala siya. Tinitigan siya ng lalaki na parang naghihintay ng reaksiyon niya. Pagkatapos ay nangislap ang mga mata saka ngumiti.
Tumikhim ang kanyang ina.
Para namang noon lang nagising ang lalaki. "Forgive my rudeness, milady." Yumukod ito at kinuha ang kamay niya. "C'est agréable de rencontrer une belle dame ce soir (It's nice to meet a beautiful young lady tonight)," anito, saka hinagkan ang likod ng palad niya.
Marahil ay inakala ni Misael na hindi siya marunong magsalita ng English, o ng Tagalog, kaya nag-French ito. Her father was pure French while her mother was of Filipino descent. Pero dahil mahigit dalawang dekada nang nakatira sa France ang mommy niya ay mas madalas nitong gamitin ang French, lalo na sa pakikipag-usap sa mga business associates at ilang mga taong may kinalaman sa negosyo.
Napakurap si Andrea—hindi dahil sa sinabi ni Misael o sa gesture nito bilang isang gentleman kundi dahil sa kakaibang ritmo ng kanyang puso, at tila mabilis na daloy ng kanyang dugo. Pakiramdam niya ay isa siyang makina na sinindihan. Pero tila naman nanigas siya sa kinatatayuan.
"Kakain ka ba nang nakatayo?" tanong ng mommy niya.
Nakaupo na ito habang si Misael ay nasa likod ng isang upuan sa tabi ng kanyang ina. Mukhang si Misael pa ang naghila ng upuan para sa kanya.
Lutang pa rin ang utak na umupo si Andrea. "Thank you," sabi niya na bahagyang yumukod.
"My pleasure." Umupo si Misael sa katapat niyang upuan.
May dumating na waiter at binigyan sila ng menu. Hindi niya maintindihan ang nakasulat doon. Pero paano nga naman niya maiintindihan kung ang mga mata niya ay nakapagkit sa lalaking nakaupo sa tapat niya at nakayuko habang binabasa ang menu?
Nang umangat ang ulo ni Misael ay mabilis na ibinaling niya ang tingin sa menu.
"Love struck, aren't we, eh, belle dame?" panunudyo ng kanyang ina saka humagikgik. Diniinan pa nito ang "belle dame."
"Mom!" mahina pero nagbababalang sita ni Andrea.
"You're just too good to be true, can't take my eyes off of you..." pagkanta pa ng ina.
Umismid siya. "I was just assessing him. And I found out, my professor is way too better than you architect, Mother," pagsisinungaling niya.
"Then why are you blushing?"
BINABASA MO ANG
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)
Romance"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa c...