SUMAGAP ng hangin si Misael saka ibinuga. "Now, this is what you call 'a breath of fresh air,'" patango-tango at nakapamaywang pang komento niya habang inililibot ang paningin sa paligid.
Kalalabas lang niya ng arrival gate ng NAIA. Iyon ang unang pagkakataong nakatuntong uli siya sa kanyang sintang bayan mula nang pumunta siya sa France para magtrabaho.
Iniayos niya ang pagkakasukbit ng backpack sa kanyang likod saka sumakay sa taxi.
"Sa Market! Market! tayo, Boss," aniya sa driver.
Isang backpack lang ang dala niya. Hindi na niya kailangang magdala ng maraming gamit dahil may bahay siyang uuwian. For sure, walang naghihintay sa kanya roon kahit naroon ang mga magulang niya. Hindi alam ng mga ito na uuwi siya. Maski siya, hindi niya inasahang mapapabalik siya sa Pilipinas nang wala sa oras. Pero hindi naman siya umuwi para magbakasyon. He was there for business. Sinundan niya ang isang mayamang kliyente na maaaring maging susi sa muling pagbangon ng kompanya ng tito niya.
Nang malaman niyang umuwi ito sa Pilipinas ay nagpasya siyang sundan ang babae.
Well, sinabi ng babae na pag-iisipan nito ang desisyong mag-invest sa kompanya nila pero may mahalaga lang daw muna itong aasikasuhin; tatawagan na lang daw siya kapag nakapagdesisyon na.
Pero isang buwan na sa Pilipinas ang babae at naiinip na siya. Kaya naisipan ni Misael na sundan na lang ito. Mas maganda rin kasi na habang nag-iisip ang babae ay naroon siya sa tabi nito para matulungan niyang magdesisyon.
Misael was not into business. Isa siyang architect. Pero ang tito niya ang nagbigay ng compass at naging tour guide niya nang minsan na siyang muntik nang maligaw ng landas dahil sa isang personal na problema. Ito rin ang tumulong sa kanya na marating kung anuman ang katayuan niya ngayon. At bilang ganti, gusto niyang pagsilbihan ang tiyuhin sa abot ng kanyang makakaya. Kaya nang sabihin nitong gusto nitong kausapin at kumbinsihin niya ang isang mayamang negosyante—na minsan na pala niyang naging kliyente noong nagsisimula siya sa larangan ng arkitektura—ay hindi na siya nagdalawang-isip pa at tinanggap agad ang misyong ibinigay sa kanya.
Masuwerte si Misael dahil naaalala pa siya ng mayamang negosyanteng iyon at masasabi niyang may pag-asa siyang makuha ang loob nito kung pagtitiyagaan lang niya.
Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tinawagan ang kliyente.
"Bon jour," sagot ng babae sa ikalawang ring.
"Bon jour, Madame D'Vaughn."
"Who's this?"
"Architect Misael Ramirez, tout a vous."
"Oh! My Misael!" bulalas nito na bakas ang kasiyahan sa tinig.
"Comment êtes-vous, Madame?" pangungumusta niya.
"Je vais bien, merci. How about you? I'm glad you called up. I've been meaning to reach you since I've heard you'll be flying here in the Philippines. I really want to see you to discuss something but I wasn't able to do so. You know, I'm kinda busy with some important matters here."
Ikinatuwa ni Misael ang sinabi ng ginang. Tiyak niyang pag-uusapan na nila ang tungkol sa pag-i-invest nito sa kompanya. At mukhang magugustuhan niya ang isasagot ng babae, iyon ay kung pagbabasehan ang aura nito ngayon.
"Oui. Actually, I just arrived an hour ago. I'm sorry, I must be interrupting your important appointments—"
"Oh, it's nothing. I was just having a quick rest. Anyway, is there a place where you're going to stay for the evening?"
"Actually, I haven't decided where to but I've been thinking of staying at my parents' house in Makati."
"Great, great! That's good. If you have time, please let me know. I need your help on something, if you won't mind."
"Not at all. Aside from today, I think I'll be free until the end of the month," imporma ni Misael.
"Okay, that's good. I'll just call you up for an appointment, okay?"
"Copy that, Madame. Merci. Au revoir." Lalong lumuwang ang pagkakangisi niya.
"Nandito na po tayo," hayag ng driver.
"Keep the change," sabi ni Misael pagkaabot ng bayad saka bumaba ng taxi.
Humahangang inilibot niya ang tingin sa paligid. Wala pa ring ipinagbago ang lugar sa nakalipas na limang taon maliban sa mas malinis at organisado na iyon. Sa susunod na kanto pa ang Aster House na destinasyon niya, isang maliit na pastry shop na pag-aari ng kanyang ina na isang patissier.
Naglakad siya palapit sa fountain. Ilang hakbang na lang ang layo niya mula roon nang may mapansing isang babaeng nakaupo sa gilid ng fountain at tila may isinusulat.
Pakiramdam ni Misael ay tumigil ang pag-ikot ng mundo at may tumugtog na love song sa background kasabay ng pag-ihip ng hangin sa kanyang mukha.
Naipaling na lang niya ang ulo at hindi namamalayang nakanganga na pala siya habang nagbubuntong-hininga.
Parang bumubulong pa ang isip niya. "Nasa langit na ba ako? Kung wala pa, puwede na akong mamatay ngayon."
Anghel sa lupa.
Pero tila sinampal nang malakas si Misael at basta na lang sinipa mula sa langit nang biglang tumayo at tumalikod ang babae. May napansin pa siyang isang kumikinang na bagay na nahulog mula rito.
Napakurap siya. Sa isang iglap ay wala na ang anghel. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanina'y kinapupuwestuhan ng babae. Pinulot niya ang isang white gold bracelet.
Ayos! May dahilan na siyang makausap ang anghel. Pero nasaan na ito? Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nakita niya ang hinahanap, patawid na ito ng kalsada. Walang pagdadalawang-isip na hinabol niya ito.
"Miss! Miss!" sigaw niya. Kaya lang ay masyado siyang malayo. Hindi rin siya maririnig ng babae.
Nang makarating siya sa tawiran ay nakatawid na ang babae at naabutan na siya ng go signal ng mga sasakyan. Balak sana niyang sumugod sa pagtawid pero pumito na ang traffic enforcer.
Wala na siyang nagawa kundi ang pagmasdan ang palayong pigura ng anghel. Niyuko niya ang bracelet na hawak niya, determinadong ginagap iyon, kasabay ng malakas ng pagtugtog ng isang kanta mula sa speaker sa kung saan.
Thinking maybe you'll come back here to the place where we'd met... And you'd see me waiting for you on the corner of the street... So I'm not moving... I'm not moving... yeah...
BINABASA MO ANG
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)
Romance"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa c...