CHAPTER SIXTEEN

5.8K 132 3
                                    

KUMUNOT ang noo ni Andrea. Tumagal pa nang ilang sandali bago nag-sink in sa kanya ang sinabi ni Misael.

Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. "You see, the day I went to your office and brought you lunch was the day my uncle called up from France. He told me your mom already signed to invest in his company. Nag-usap kami ng mommy mo sa botanical garden, sinabi niya sa akin na babalik na siya sa France and I should expect good news from her. Hindi ko inasahang aalis siya nang araw ding 'yon. She even called me up that night. Ako pa ang pinabili niya ng ticket at hinintay ko pa siya sa airport."

Pinalis ni Andrea ang kamay ni Misael at napatayo siya. "Teka, you mean, from the start, alam mo nang nagsisinungaling lang ako sa 'yo?"

Parang siya pa yata ang magagalit sa pagkakataong iyon. Kung alam lang niya, hindi na sana siya nakonsiyensiya.

"Wait, calm down. Huwag kang magalit. Hintayin mo munang matapos ang paliwanag ko," pigil ni Misael sa napipintong paghuhuramentado niya.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili saka umupo uli.

"No'ng araw na pumunta ako sa office n'yo, ibabalita ko dapat sa 'yo na nag-invest na nga ang mommy mo... kaya lang naunahan mo akong magsalita. Ang tagal nga bago ko pinroseso 'yong sinabi mo. Inisip ko pa kung panaginip lang na hinintay ko sa airport ang mommy mo at ang tawag ng tito ko. Pero nakita kong mukhang hindi ka sigurado sa sinasabi mo. You're a bad liar, mon miel, just so you know.

"Anyway, hindi ko sinabi sa 'yo agad dahil gusto kong magkaroon ng pagkakataong makasama ka. You see, I've always been attracted to you the first time I laid my eyes on you. Sinubukan kong mapalapit sa 'yo, kaya lang, napakailap mo. Iniisip mong lalapitan lang kita dahil sa mommy mo. Kaya no'ng sinabi mo sa akin na huwag na akong magpapakita sa 'yo, hindi ako nagpakita, dahil ayokong patuloy kang magduda sa akin. Sinikap ko munang ayusin ang sitwasyon tungkol sa kompanya ng tito ko. Nang umalis ang mommy mo, inisip kong 'yon na ang pagkakataon kong makipaglapit sa 'yo at makita mo ang tunay na intensiyon ko.

"I love you, Andrea. Wala akong intensiyong masama sa 'yo. Hindi ko intensiyong lokohin ka. I just took advantage of your white lies to get close to you. Ginawa ko lang naman 'yon dahil mahal kita, mon miel."

Parang gusto nang sumabog ng puso ni Andrea dahil sa mga sinabi ni Misael. Parang may nagpuputukang fireworks sa loob niya. Parang gustong mag-tumbling ang puso niya. Parang tinubuan ng spring ang talampakan niya at gusto niyang magtatatalon. Parang pinasakan ng takuri ang lalamunan niya at gusto niyang magtititili hanggang sa mapaos siya.

"Hey, mon miel, please speak up," pukaw ni Misael sa kanya.

Muling natuon ang tingin niya sa binata. "H-ha? I don't know what to say."

"Tell me you feel the same way, too. You love me, too, right? Kakasabi mo lang kanina."

Ngumiti siya. "Of course I do. I love you."

Tumingin lang si Misael sa kanya, pagkatapos ay tumawa nang malakas. Hinila pa siya nito patayo at binuhat at ipinaikot-ikot. Hindi na rin niya napigilang mahawa sa tawa nito.

Mayamaya ay ibinaba siya ni Misael. Hinapit siya nito sa baywang. Iniangat nito ang baba niya at tinitigan sa mga mata. Saka ibinigay ang kanyang first kiss.

Pumikit si Andrea at ninamnam ang bawat sandali.

It was the happiest day of their lives... And maybe it was the start of a beautiful beginning.

Or not?

A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon