49

116 2 10
                                    

Naunang nagising si Hoshi. Unti-unti niyang minulat ang mata niya, at sumalubong agad sa kanya ang natutulog na Woozi sa tabi niya. Napangiti siya sa nakikita niya. Ang cute kasi ni Woozi habang natutulog. Ang amo ng mukha niya, para siyang anghel.

Napangiti nalang si Hoshi tsaka linapit niya ang mukha niya kay Woozi at akmang hahalikan siya nito sa pisngi nang bigla nalang nagising si Woozi at ninanlakihan ng mata si Hoshi. "Anong ginagawa mo?" umiling si Hoshi. "Wala, wala." sabi niya at napahawak sa batok niya.

Hindi na kumibo si Woozi at bumalik sa pagtulog. "Woozi! Hoshi! Gising na kayo! Breakfast na tayo!" Sigaw ni Seungcheol mula sa labas. Niyugyog agad ni Hoshi si Woozi para magising ito. "Uji my loves, gising na. Kakain na daw tayo sabi ni Coups Hyung." mahinang sabi ni Hoshi.

"Ayoko, mamaya na. Gusto ko pang matulog." sabi ni Woozi.

"Uji naman eh, gumising ka na. Kakain na daw tayo." muling sambit ni Hoshi pero hindi kumibo si Woozi.

"Uji, tatayo ka diyan o hahalikan kita?" sabi ni Hoshi at napangisi ito. Agad naman napamulat si Woozi at tinignan ng masama si Hoshi tsaka agad lumabas sa tent. Natawa nalang si Hoshi tsaka sinundan na si Uji.

Pumunta sila sa kanilang kaibigan na kumakain. Sinandukan ni Hoshi si Woozi ng ulam at kanin. Pero itong si Uji ay walang ganang kumain. Kaya tinignan siya ni Hoshi.

"Jiji, kain kana, kanina pa yan" striktong saad niya kay Uji.

"Ayaw ko" bulong niya.

"Kain na! alam kong gutom ka" sabi ni Hoshi at tinignan si Uji ng seryoso.

"Ayaw ko ngaa! kulit mo" saad ni Uji.

"Sige na love" pilit na utos niya kay Uji

"Sabi na ngang---"

"Kakain ka or ikaw yung kakainin ko" napahinto naman si Uji at napamulat siya sa sinabi niya.

"Oo na nga! kakain na! bwesit" sabi ni Uji kaya napatawa naman si Hoshi ng mahina.

Pagkalipas ng ilang minuto...

"Oh ayan, tapos na akong kumain" sabi ni Uji kaya agad siya pumunta sa tent.

"Anong problema ni Ji hyung? ang aga2 beastmode agad" sabi ni Seungkwan at kumain ulit.

"Alam mo naman boo na ayaw niya na gisingin siya ng maaga eh at baka nagalit siya sa akin dahil ginising ko siya ng maaga" saad ni Hoshi ksya napatango si boo.

"Alam niya naman kasi na nag cacamping tayo eh" ngusong sabi ni Han sa mga kaibigan niya.

"Oo nga eh! hayaan na natin siya" sabi ni mingyu at wonwoo.

Pagkatapos kumain si Hoshi, ay agad siya lumapit sa tent nila ni Woozi at kinausap ito.

"Love, galit ka ba?" sabi ni hoshi at nagpapacute.

"Ba't ka nandito? alis ka nga!" taboy na sagot niya kay hosh.

"Bakit mo ako paalisin eh tent ko rin to?" sabi ni Hoshi kaya nagtaray si Uji.

"Ah basta, tulog muna ako" sabi ni Uji pero hindi lumabas si Hoshi.

pagkalipas ng ilang segundo ay nakita ni Uji na nasa tabi niya si Hoshi kaya tinignan niya ito na parang leon.

"Ano sabi ko Hoshi? diba sabi ko lumabas ka dito?"

"Love? galit ka ba?" ramdam ni Uji yung boses ni Hoshi na parang nagtatampo.

"Hindi sa galit ako sayo, naiinis lang kasi ako dahil alam ko naman diba na ayaw kong gumising ng maaga pa? at ayaw akong ginugulo?" sabi naman ni Uji.

Accidentally Yours ∞ SOONHOONWhere stories live. Discover now