Hala-hala!
Saan ba ako mag tatago? naman oh.
Pakshet na malupit,Isip-isip!Urrghhh!ang shekip!amp*ta ang init,Jusko hindi na ako magtataka kung pag labas ko dito amoy dugyot na ako.
Naman kasi,bakit dito ko pa na isipang magtago?
*dahil walang makaka kita sayo dito.?duh...*.
Manang-mana ka talaga kay dragona ano?
*mahadera your face.!sinasagot ko lang naman yung tanong mo...stupid.!*.
Taena.napaka-talaga
*what.?ako ba minumura mo.?*
Wala-wala.ang sabi ko shut up nalang ako dito.Okey?
Salamat naman at natahimik din itong pesteng tinig na kanina pa nasagot saakin.
Pero,pakshyet talaga.
Ang init dito sa loob,ang baho pa amoy puta at kung tatanungin nyo ako kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito ay dahil sinunod ko lang naman po ang aking instinct.
Nung naglalakbay po kasi ako papuntang cafeteria ay nag krus po ang landas ko at nang dyosang dragona at syempre nakatingin nanaman saakin nang masama, sa hindi ko malamang dahilan.
Lagi nalang syang ganyan,titingin nang napaka sama tapos syempre pag kalapit nito saakin.
Lamnadis.
Tata-tad tarin naman nya ako ng bunga-nga nya na parang armalite.
Para tuloy akong nag
kukumpisal,tapos sya yung pari,hindi maubusan ng sasabihin.pshAng saya-saya lang.*note the sarcasm*
Kaya bago payun mangyari ay inunahan ko na.
Pero sa totoo lang hindi ko alam kung bakit laging galit yun saakin.
Sobrang pangit ko na ba?kung ganoon nga grabeh sya,porket maganda sya gaganunin na nya ako?
Malupit din,ang maldita talaga nya kung hindi lang dahil kay sir raf,hindi ko sya titiisin o aasamin pa na makasama sya sa iisang bubong.
Nakiusap kasi saakn si sir.
Samahan ko nalang daw yung anak nya,walang iba kundi sino pa ba?BETRICE LAZARO THE ONE AND ONLY.period!Wala naman ako karapatan na umangal pa dahil may utang naloob ako kay sir.
Kung hindi ako tinulungan ni sir,wala ako ngayon dito sa napaka garang paaralan na ito.
Tinulungan nya kasi akong makapag aral dito at dahil may ibubuga naman ako sa academics,Naka kuha naman ako mag i-insponsor saakin.
Kabilang kasi ako sa Iskolar ng bayan,Kahit dati pa naman din nung nabubuhay pa sila nanay at tatay.
Kundi lan--,haist.nevermind na nga lang.
So ayun nga,muntik na nga akong hindi makapagtapos nang high school,dahil biglang ligwak ng grades ko.
Sobra kasi akong na despress,lalo na't walang wala din ako nun,lahat kasi nang na ipon ko din pera ay na gastos ko pang libing kila nanay.
Kahit manlang sa paglalagyan nila magkaroon sila ng kaginhawaan,kaya kahit maubos lahat ng naipon ko basta maipalibing sila ng maayos,okay na ako dun.
Balik tayo sa pag aaral ko,ayun nga't muntik pa akong hindi makatapos ng high school,pero dahil narin sa tulong ng mga kaibigan ko dun pati narin kay tata lino at nana'ng kande na tumayong pangalawa ko nang magulang at sa awa naman ng dyos nairaos ko rin.
Plano ko na sanang magtrabaho nalang pagtapos ko ng high school dahil sobrang hirap nga ng buhay.
Kaya lang nung naisipan kong paalam kila tata lino at nanang kande,ayhindi sila pumayag na tumigil ako sa pag aaral ko lalo't na at college na din ako sa pasukan.
Sabi nila mas makakahanap daw ako nang matinong trabaho kung nakapagtapos ako ng college.
May punto naman sila tata at nanang kaya hindi na ako umangal pa.
buti nalang talaga at nakilala ko si sir raf nung time na nag hahanap ako nang mag susuporta saakin,para sa pag aaral ko.
Maaga palang umalis na ako sa bahay nun,mga alasyete palang siguro.
Syempre kailangan maaga para makarami.
Naka ilang paaralan narin ang napuntahan ko,pero sa kamalas malasan nga naman diba?wala parin kumukuha saakin.#sadlife.
Pauwi na akong luhaan that time nang may napansin ako'ng magarang sasakyan sa gilid ng kalsada,wala pa naman masyadong nadaan dito sa kalye krus.
Chismiss-chissmiss din kasi na may nag paparamdam daw..
May aksidente kasi nangyari dito mga limang taon narin ang lumipas.
May isang pamilya kasi na napadaan dito sa kalye krus at ang bali-balita pa naman maraming nan tri-trip sa mismong nasabing lugar at ayun nga sinunog nga mismo yung kotse ng mag pamilya at walang nakaligtas pa.
Marami agad ang umasikaso ng nasabing insedente dahil ma- impluwensya din kasi yung angkan ng pamilya yun.Pero kahit anong hanap at pag iimbestiga ng mga pulis at NBI ay wala talaga,kaya ayun hanggang ngayon palaisipan parin saamin lahat ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Ang Dragona Kong Housemate (On-going)
Teen FictionHindi lahat ng sugatan TAMA ang pinaglaban. -Naya.