Chapter 11

2.8K 102 5
                                    

Nahihilo na napaupo ako sa may sofa at napahilot nalang sa sintido.

Hindi kona kasi alam ang gagawin ko sa nag iisang dragona ng buhay ko ei.


Pag kauwi kasi namin kanina galing kila cap ay tinanong ko kung bakit umuwi kami agad eh,samantalang maaga pa naman mga hapon palang kasi yun.

Wala din naman kaming gagawin dito sa bahay nakaka buryo kaya pag tutunganga kalang mag hapon.

Tapos sinigawan ba naman ako.
Bakit daw ba gustong gusto ko dun e,ang bi-bitch naman daw ng mga kaibigan nya.

Nahiya naman ako sa ugali nya diba?
E mas mukhang mababait pa sila cap kesa sa kanya at syempre sinagot ko naman sya



Mababait naman sila alex ah.
sinamaan lang nya ako ng tingin sabay walk out papuntang kwarto nya at na hanggang ngayon nga ay hindi parin lumalabas nang lungga nya.



Nag dadalawang isip nga ako kung susuyuin ko ba ito o hindi.

Dahil una tyak akong malalagot ako neto kay sir raf dahil saakin nya binilin yung anak nya pero heto nga ang nangyari nag kukulong sa kwarto


Pangalawa nag aalala ako...
Opo tama po kayo nang nabasa,
concern po ang lola nyu este ako pala kahit papaano naman kasi may pinag samahan din namin kami kahit sabihin pang ayaw nya akong maging kaibigan dahil ilang beses lang naman nyang tinanggihan yung offer ko.

Ewan ko ba sa luka lukang yun may sapak ata sa ulo kaya todo tanggi ang dragona.



Sa huli hindi din ako naka tiis kaya nag simula na akong humakbang sa hagdan bawat pag step ng paa ko ay halo halong idea ang pumapasok sa utak ko.



Madaming senaryo ang pwedeng mangyari pag pumasok na ako sa kwarto nya.



A.ipag tatabuyan ako na parang aso palabas nang magara nyang kwarto.

B.papapasukin nya ako at kakausapin.

C.pag babantaan na hindi makakalabas ng buhay sa napaka laking mansyon na ito.

D.none of the above.


Ilan lang yan sa mga choices na pwedeng mangyari saakin pag pumasok ako sa teritoryo nya ni minsan kasi ay hindi pa ako naka punta sa kwarto nya na kahit kailan ay hindi ko hiniling.




Dahil alam kong katakot takot ang pwede nyang gawin saakin heto ngalang nasa bahay nya ako ay kung tratuhin para bang pag mamayari nya ako.

E in the first place hindi naman nya ako binabayaran para mag trabaho sakanya sadyang nahihiya lang ako sa daddy nya kaya hindi nalang ako nag rereklamo.



"*tok-tok-tok*".mabagal ang kamay ko sa bawat bitaw nang ingay na nang gagaling sa kulay red nyang pintuan.

Kinakabahan..

Isang word para madiscuss ako.

Huminga ako ng malalim nang ni isa ay wala akong nakakuhang sagot.

Nanginginig na inulit ko ang pag katok nang tatlong beses ng medyo malakas.



After 120 seconds ay may narinig akong tugon at hindi na mga ako nag dalawang isip na hawakan ang doorknob kasabay nang pag pihit ko ay ang malamig na atmosphere na tumatama sa payat kong katawan.


Nilibot ko nang tingin ang buong paligid pero wala akong nadatnan na beatrice mayamaya lang ay nakarinig ako ng umaagos na tubig and thats the clue.


Ang Dragona Kong Housemate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon