Chapter 6

3.4K 110 5
                                    

Naya P.O.V

Trenta...
Trenta minuto na ako nag dudusa at nag luluksa sa loob ng court.

Kung bakit ba kasi nauso yung p.e class at kung bakit din ba ang hina ng katawan ko.

Halos 30minutes na ang lumipas nang dumating si prof.wencislao,na syang nag pagulo at nag pahirap ng buhay estudyante ko.

Sya ang prof namin sa p.e class at eto nga't pinapahirapan na kami'ng mga hindi pinag pala nang super power sa katawan.

Currently nag lalaro kami ngayon ng basketball,kung matatawag nga bang basketball yun.

Parang agawan buko nga lang ang nagaganap,hindi nga ako nakaka shoot.
Sabagay,di din naman nila napasa saakin yung bola kaya ganun.

Yung feeling na ayaw ipasa sayo,dahil tiyak na walang patutunguhan yung bolang hawak mo.

Napupunta lang naman saakin yung bola pag nabibitawan nila o kaya naman sadyang wala silang choice.

Awang-awa tuloy ako sa sarili ko,hindi dahil di ako naka shoot o ano,na-aawa ako dahil mukha na akong basang sisiw.

Sobrang pawis na ako.
Feeling ko nga bagong ligo ako.lol

"Okey class,good job!pwede na kayong mag break."

"See you when i see you."

Salamat naman at natapos din ang kalbaryo ko sa class na ito.

Hate ko talaga yung subject na ito kahit dati pa.

Muntik na nga din lumigwak yung iskolar ship ko at dahil nga sa p.e yun.

Pag mas bumaba kasi ng 1.75 yung grade mo every subject ay automaticaly matatanggal ka sa listahan ng mga iskolar.

Buti nalang kamo at 1.75 sakto yung sa p.e ko.

Kaya kahit hate na hate ko yung subject na iyun ay pinag tyagaan ko nalang din.

Mag sho-shower muna ako.
Feeling ko ang lagkit lagkit ko na,hindi pala feeling lang, kundi ang lagkit ko na talaga.haist

Hinubad ko na agad yung damit ko pag kapasok ko sa pinakadulong stall ng resroom.

Tinanggal ko narin si pareng eye glasses ko at saka sinabit ito sa may bulsa ng damit ko na basang-basa na nang pawis ko sa pag lalaro kanina.

Hindi ko rin namanlayan kung gaano na ako katagal sa loob ng shower.

Ang sarap lang kasi sa pakiramdam,naa rerelax yung mga muscle ko sa katawan,kung meron nga lol.

Kuma-kanta muna ako.
May gig kasi kami mamaya sa owen's bar na pagmamay ari ni kuya jhay.

Si kuya jhay,nakilala namin sya ni bakla nung isang beses sa may kape di arko.

Nag kakape lang kami nila bakla doon dahil hindi nga kami nakapag breakfast sa kakamadali dahil malelate na nga kami sa first class namin.

Nag kataon pa na si prof.isabel yung teacher sa subject na yun.

bali-balita pa naman na sobrang istrikta at sobrang kuripot kung mag bigay ng grades.

kaya todo madali kami ni bakla at ayun nga sa kasamaang palad ay nalate kami ng halos trenta minuto kaya hindi nadin kami pumasok,baka mapahiya lang kami ni prof.

Dahil nga kasalanan lang naman ni bakla kung bakit kami tinanghali nang gising.

May bago nananaman syang kinababaliwan na boylet kaya ayun mag damag na kwenentuhan nya ako tungkol nga DAW sa love story nila na sa umpisa palang ay sya lang ang character.

Syempre nag palibre ako sakanya ng breakfast sa kape de arko at habang nakain kami may mga nag tutug-tog na banda duon sa may parang maliit na stage sa may bandang gitna.

Hinintay namin na mag simula na sila pero mukhang nagkaproblema yung isang kasamahan nila dahil bigla nalang itong umalis.

Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi na nakabalik yung kasama nila.

Hanggang sa nag pa volunteer sila kung sino yung willing na maki-jamming sa kanila,dahil need nila ngayon ng vocalist.

5mins.

7minutes.

10minutes...

Sampong minuto na ang lumipas ng wala paring nag volunteer.

Nang nawawalan na sila ng pagasa na matutuloy itong gig nila saka ako nag taas nang kamay.

Agad naman silang pumayag,nagulat pa nga si bakla nung nag prisinta ako dahil hindi din nya alam na marunong akong kumanta at mag guitara.

SAY SOMETHING.
Yan yung kinanta ko at tinugtog namin.

Say something i giving up to you~
Iam sorry that i could you get to me too~

And i~
Feeling so small~
still learning to love~
but nothing at all~

Say something i giving up to you~
I get it if you want it too~

And i~
Will swallow my pride~

Pagkatapos ng jamming ng banda ay nagpalak pakan naman yung mga tao.

Nagpasalamat na din saakin si summer na leader ng banda.

Syempre pati narin ang ibang member,na sila jamie or maskilalang jam sya ang bass guitar ng groupo.

Peach or si pink na palayaw sakanya ng mga kabanda nya,sya naman ang sa piano..

Milo a.k.a e.g kaya tinawag syang e.g dahil sa pangalan nya,E means energy and G means gap.

Wews.natawa talaga ako sa palayaw sa kanya,energy gap nga kasi milo sya,ito naman ang humahawak sa electric guitar.

Lastly ang leader nilang si summer or mas kilala sa bansag na plus as in yung plus na ginagamit sa math.

Si pink daw yung nakaisip ng nickname ni SUMmer.

Kinuha nya yung sum na ang ibig sabihin ay masmataas or positive sign.

Kaya simula nun plus na ang tawag sakanya ibis na summer.

Si plus..
Si plus ang leader ng banda at ang drummer din.

Bata palang daw sya nun nahiligan nya ang musika kaya hanngang ngayun love parin nya ang music,hanggang sa tapos na yung chikahan moment namin,bumalik narin ako sa pwesto ni bakla na kilig na kilig habang nakahawak sa cellphone nya.

Tsk-tsk.siguradong yun yung  bagong nyang kinakabaliwan kagabi.

Kinalabit ko nalang ito at sumennyas na labas na kami.

Pero hindi pa namin na rarating ang budok.l,este ang pinto ng kape de arko ay may tumawag saamin at inalok kami kung gusto ko nga daw na sumadline sa bar na pagmamayari nya mismo.

Pwede naman daw na tumugtog ako.

Okaya naman ay banda kaming tutug-tog dun,ngayon nga ang unang beses na sasabak kami sa owen's bar.

Sinabi ko kasi kila plus yung offer na inalok saakin ni kuya jhay,pumayag naman agad sila in the end instant member na ako ng groupo.

Kaya kailangan ko natalagang mag madali dahil mag 4-four na ng hapon,may usapan kasi kami nila e.g na magkikita-kita nalang sa mall nang 5pm.

Ang Dragona Kong Housemate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon