1. Kennedy

132 16 26
                                    


Malamig, yun ang pakiramdam ko ngayon. Tila nasa isang bansa na puno ng yelo. Iminulat ko ang aking mga mata, madilim,  dilim ang kaagad na sumalubong sa akin, puno ng mga bituin. Tumingin ako sa kabilang gilid ko at nangapa. Basa ang paligid at saka ko napagtantong ito ay tubig na nagmumula sa ilog.

'Nasaan ako?!'


"H-Hello?" tanong ko. Nag-iintay na may sumagot sa akin, "M-May tao ba dyan?" tanong kong muli.



Wala akong ibang marinig kundi ang ingay ng mga kuliglig. Tanging ang alitaptap din ang syang nagbibigay ng ilaw sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako, nasan ba ako?



Nakarinig ako ng kaluskos, gusto kong tumayo pero parang nawala ang lahat ng lakas ko at kahit igalaw ang aking kamay ay hindi ko maigalaw.


"Your my baby, my shelter, my everything, my boo—"


Sandali akong natigilan, kanino nagmumula ang magandang tinig na iyon? Napakasarap sa pakiramdam ang marinig ang kanyang boses. Para kang hinihele dahil sa boses nya.



"Nagustuhan mo ba?" rinig kong tanong nito. "I'm glad to know that, so san naman tayo?" boses ulit ng babae iyon.



'Sinong kausap nya?' tanong ko sa aking sarili. Kinikilabutan ako kahit na lalaki ako natatakot din naman ako. Kahit na naghihina ang aking buong katawan ay pinilit kong gumalaw, at tumayo ng marahan. Napaluhod ako dahil sa ginawa kong iyon pero pinilit ko ulit.



Wala akong makapitan kaya buong lakas kong pinatigas ang aking katawan.


"SINO KA!?" napatalon ako ng biglang tumambad sa akin ang isang babae. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makakilos. "SINO KA!? BAKIT KA NANDITO!?" tanong nitong muli. "PAANO KA NAKAPASOK DITO?!"


Hindi pa rin ako makagalaw at masyadong mabilis ang pangyayare. Para akong dinaanan ng isang tren at nasagasaan kaya di na makagalaw.



"N-nasan ako?" tanong ko ng magbalik sa ulirat. "S-sino ka? A-anong ginagawa ko rito?" tanong ko ulit at inilibot ang aking paningin.


"Nandito ka sa mundo ko." aniya at seryosong tinignan ako. "Pano ka nakapasok dito?"

"Wait, what? Mundo mo? Are you making a joke miss?" natatawang tanong ko. Sinong baliw ba naman ang magsasabi mundo nya ito, like were living in the same world. How can she say that this is her world?


"I'm not making a joke here, Mister. This is my world. My own world." May diin sa bawat salitang binibitawan nya, "At ikaw, sampid ka sa mundo ko. Kaya tatanungin kita, paano ka napadpad rito?"


Napailing naman ako. "Look, hindi ko din alam Miss. Nagising na lang ako na nandito na ako sa sinasabi mong mundo mo. Bakit may portal ba papunta dito at baka yun ang dahilan kaya napadpad ako dito ng hindi sinasadya." pahayag ko.

Iniiwas nya ang kanyang tingin at ibinaling ito sa iba. Sinundan ko iyon ng tingin at gayon na lamang ang gulat ko ng makita ang napakalaking buwan sa harap nya. Tang-ina, gutom ba ako o kulang sa tulog? Paanong napadpad ang buwan dito!?



"See? This is my world. Kaya kong pagalawin ang lahat dito kung nanaisin ko," aniya at bumaling sa akin. "Hindi ko alam kung anong magiging papel mo sa buhay ko pero sinisigurado kong hindi iyon maganda. Hindi."


Sinalubong ko ang tingin nya. Hindi ko mabasa ang mata nya para syang nagtatago sa madilim na parte. At kung susubukan mo pang sisirin, hindi kana makakaahon.


Nagulat ako ng tapikin nya ang buwan at mas ikinagulat kong bigla itong lumipad pataas. Tang-ina, ano bang klaseng elemento ang babaeng ito? Pinagmasdan ko ang mukha nya kanina. Maamo kung titignan sya, mapungay ang kanyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong. Mapula ang kanyang labi na para bang normal na pula iyon.


"Gagawa ako ng paraan para makatakas ka rito. Pero bago ang lahat, maari ko bang malaman ang ngalan mo?"


Tumango naman ako. "I'm Kennedy Sczhent Song. Kennedy for short." sabi ko.


"Ikinagagalak kong makilala ka Kennedy. I'm Azul Jeomi Huarez, Azul for short." at nginitan nya ako. Fck! She's beautiful when she smile! Dammit!


"Nice to meet you too, Azul."



"Do you want to join me?" pag-aaya nya.


"Where?"


Ngumiti syang muli. "Ililibot muna kita sa mundo ko bago kita tulungang makaalis dito." aniya.


"Nasan ba kasi ako?"


"Sa panaginip ko." tipid nyang sabi. Natigilan naman ako, panaginip? Panaginip nya? May sayad ba sa utak to? Mababaliw ata ako rito! "Mahirap ipaliwanag pero maiintindihan mo din yon. Halika na." aya nya iniabot nya ang kanyang kamay kaya kinuha ko iyon.


Malambot ang mga kamay nya at masarap hawakan. Tinignan ko sya at laking gulat ko ng tumambad sa amin ang isang ULAP!



"Sasakay tayo dyan!?" Hindi  makapaniwalang tanong ko. Tumango naman sya at naunang sumakay.

"Halika na, ipapasyal kita."

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now