5. Nightmare:Part 2

34 7 16
                                    

MNIT POV:
Guyseus! Sorry for all the typos and errors. I'll try to edit this story okay? Hahahaha! Konting tiis nalang malapit na! Enjoy!

Kennedy

"Azul." nilingon naman nya ako. Nakahiga kami ngayon sa damuhan, masayang nilalanghap ang sariwang hangin.

"Mmm?"

Napaiwas ako ng tingin. Paano ba naman pinaglalaruan nya ang kung ano mang nasa kalangitan. Pinagbubundol nya yung mga bituin at kung ano man 'yon. At nag eenjoy sya.

"Wala"

Nanatiling nakatingin sya sa akin, unti-unti na talagang nagiging asul ang kanyang mga mata. Gusto kong tanungin kung bakit ganon pero, alam kong di rin nya ako masasagot.

"Kennedy, may favor ako" aniya. Tumango na lang ako.

"Kanta ka ulit, tas pikit ka ha?"

"Kakanta na naman ako?" nakasimangot na  sabi ko. Nagulat ako ng kurutin nya ang pisngi ko.

"Stop that! Nagiging cute ka sa paningin ko!"

Mas lalo akong napasimangot, ako cute? What the fudge!

"I told you to stop, just sing for me please?"
I sighed, what can I do? Kontrolado na ata ako ng babaeng ito.

"Okay, what song Ms. Azul?"

Natawa naman sya. "Always be my baby, Mister"

Napailing naman ako at bahagyang natawa na din ako dahil pakiramdam ko nagbabago na ako dahil sa kanya.

"We were as one babe

For a moment in time

And its seemed everlasting

That you should always be mine

Now you wanna be free

So I'm letting you fly

'Cause I know in my heart babe

Our love will never die~"

Bahagya akong iminulat ang aking mata at sumalubong sa akin ang napakalaking alon ng karagatan, nanlalaki ang mata kong napatingin sa itaas at nakita ko doon si Azul. Nagliliyab ang mata nitong parang karagatan, nilingon nya ako. Walang mababakas na emosyon ang makikita don.

"Just close your eyes! Just do what I said!" kinilabutan ako sa boses nya. Tila nag-iba iyon.

Kahit na nangunguna na ang kaba sa aking dibdib ay ipinilit ko pa ring ibuka ang aking bibig,

"Y-you'll alwas be a part of me

And I'm yours indefinitely

Girl dont you know you can't escape me

Ohh darling 'cause you always be my baby

A-and we linger on

Time can't erase a feeling this strong

No way you never gonna shake me

Ohh darling cause you always be my baby~"

Iminulat ko ang aking mga mata. At wala akong nakitang basa ni Azul don ni isa, nagulantang ako ng may isang ulap sa aking harapan at pa-hugis mata ang ayos nito. Katulad ng mata ni Azul, asul na asul din ang mata nito. Nakakapangilabot sa di malamang dahilan.

"Azul?" tawag ko dito pero walang sumagot. "Where are you? Azul Jeomi Suarez" pero wala pa ding sumasagot.

Nilingon ko ang ulap na hugis mata, napatayo ako dahil lumuluha ito ngayon sa aking harapan! LUMULUHA ANG ULAP SA AKING HARAPAN!

"What the fck?" anas ko. 'Where the hell is she!?'

"Wag mo muna akong hanapin." napapitlag ako ng marinig ang tinig na iyon. Nagpalingon-lingon ako sa kung saan pero hindi ko matagpuan kung saan nagmula iyon. "Just, don't look for me Kennedy. I'll be back soon"

"A-azul? Where are you!?" I asked.

Nilingon kong muli ang ulap unti-unting nawawala ito. Pero hindi nawala sa aking paningin ang asul na matang iyon.

"K-kennedy." she whispered. "You're part of me indefinitely. Boy, don't you know you can't escape me, Kennedy you'll always be my baby" at doon nawala ang ulap.

What was that?

"Azul? Parte na naman ba 'to ng pantitrip mo? Hindi nakakatuwa. Lumabas kana kung san ka man nanggagaling" naiinis na sabi ko. Pero tumagal na ng ilang minuto, segundo at oras. Walang Azul na lumabas.

Ewan, pero naiiyak ako! Tang-ina kalalaki kong tao nagiging iyakin ako!

Naglakad-lakad ako. Napatigil ako ng makitang ang lahat ng nilalakaran ko ay nagkakaroon ng asul na diko malaman san nanggaling.

"Azul" ani ko. Hindi ko alam kung san ibabaling ang ulo ko, naiiyak ako at the same time nananakit ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na iniwan ako ni Azul. Damn that girl!

Nagtangis ang panga ko at kumukuyom ang aking mga kamay. Gusto kong manuntok! Hindi ko naman alam sinong masusuntok ko, wala namang ibang tao bukod dito kundi ako!

Bahagya akong natigilan ng marinig muli ang tinig na iyon.

"Sinabihan na kita noon. Bumalik kana sa mundo mo, pero matigas ang ulo mo. Hindi mo alam ang ginawa mo, ginulo mo sya. Ginulo mo ang mundo nya." aniya

"Go back to your world, Kennedy." napaluhod ako dahil pakiramdam ko naubos ang lahat ng lakas ko.

Pero bigla din iyong nagbalik ng marinig ang tinig nya.

"I'll be back soon, just wait for me. Kennedy, wait for me."

Hindi ko alam kung san to patungo pero iintayin kita Azul. Kung nasan ka man, hihintayin kita. Pero sana, may baon kang magandang rason kung bakit iniwan mo nalang akong bigla.

'Kase, kahit napakaraming dahilan para iwanan kita noon nanatili ako. Pero ikaw, ni isang dahilan, wala kang sinabi pero iniwan mo ako'

Nagdaramadam ako sa ginawa nya pero nandito yung katiting na pagmamahal na umaawat sa akin para magalit sa kanya. Nandito yung porsyentong intindihin ko sya kahit ang hirap niyang intindihin.

Oo, sampid ako sa mundo nya. Pero binigyan nya ako ng karapatan para malaman kung ano at sino sya. Binigyan nya ako ng karapatan pakielaman ang mundo nya.

At naiinis ako sa kadahilanang aalis sya ng walang paalam.

At isa pa yung kung sino man ang bumulong sa akin na iyon. Naiinis ako sa kanya! Bakit nya ba pilit akong ipinababalik sa mundo ko? Ano bang meron dito at ayaw nya akong magstay?

Nailing nalang muli ako ng marinig ang tinig nya. Nangako ako kay Azul, mananatili ako sa tabi nya hanggat hindi pa sya ang nagpapaalis sa akin. Mananatili ako. Pero kung dumating ang oras na sya na mismo ang humiling na umalis ako.

Kahit mahirap gagawin ko, kung yun ang nais nya aalis ako. Pero wag syang lilingon sa gawi ko dahil sa oras na ginawa nya iyon, hindi ko alam ang magagawa ko.

Dedicated To:
Babeeeeh Joannah Mari! Advance Happy Birthday!

#nasansiAzul?

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now