19. Go Back To Your World, Kennedy

33 6 0
                                    

Kennedy

"What do you mean by that?" tanong ko.

Nakangiti sya sa akin pero lumuluha sya. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdamn ko ngayon, para akong sinaksakan ng kung ano sa aking katawan pero tumatagos ito sa puso ko.

Kita ko ang maitim na usok na unti-unting lumalapit kay Azul. Waka na ang mundo nya, wala na.

"Hindi ako nararapat sayo, at hindi ka nararapat sa akin"

"A-ano bang pinagsasabi mo?"

"You were my first love, my first and until this day you will be my last. I will never forget our memoriea together. Yung saya, kilig, inis at pagmamahal. Hinding hindi ko makakalimutan iyon, Kennedy"

"A-azul"

"Mahal kita. Mahal na mahal, at hindi ako magsasawang ulit-ulitin at sabihin iyan sayo Kennedy, dahil mahal kita"

"A-azul, p-please"

"Hindi ka pwedeng manatili sa mundo ko. Iba ang kapalaran ko, sa kapalaran mo"

"T-tama na" sabi ko.

Kaagad nya akong niyakap at ginantihan ko din sya nito. Hindi ko na mapigilan ang umiyak, dahil sobra na ang sakiy na nararamdaman ko.

Bakit sa lahat ng sasaktan ng tadhana

Bakit ako?

Bakit sya?

Bakit kaming dalawa?

Hindi ba namin deserve ang sumaya? Kahit pangmatagalan na?

"A-azul Jeomi Suarez, ayokong iwan ka"

Narinig ko ang paghikbi niya. "P-pero hindi ka nabibilang dito. Hindi ka pwede rito" aniya.

"A-azul, nagmamamakaawa ako"

Umiling sya. "Diba ang sabi ko sayo noon, t-tulungan kitang makabalik sa mundo mo? Eto na ang panahong iyon. Paumanhin dahil pinatagal ko pa ang iyong pananatali sa aking tabi"

"A-azul please, do-ont do this t-to me"

Humikbi sya. "I-im doing this for you," she said. "Because, I love you."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Masyado na akong kinain ng sakit at namamanhid na ata ito. Niyakap ko lang sya ng mahigpit na mahigpit, pinagmasdan ko ang itim na usok na unti-unti ng kumakalat at papalapit sa kanya.

Pumasok sa akin ang mga masasayang ala-ala na kasama ko si Azul. Ang mga oras na magkasama kami na para bang wala ng bukas ang kasiyahang natatamasa namin ay unti-unting napalitan ng sakit, pait, kalungkutan at pagdurusa.

Tama nga sila, hindi maganda kapag masyadong masaya ang pangyayari na nagaganap sayo dahil lahat ng saya may kapalit na lungkot.

"Mahal kita Azul, lahat gagawin ko para sayo" sabi ko. "Kahit na hilingin mo ang pag-alis ko ay gagawin ko para sayo"

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Unti-unti ng kumakalat ang asul na ito sa kanyang katawan. Hindi pa din sya tumitigil sa pag-iyak at paghikbi.

"W-wag mo sanang iisipin na kasalanan mo ang lahat ng nangyaring ito. Dahil kagustuhan ko din ang labagin ang utos, nilabag ko ito dahil minahal kita"

"A-azul"

Papalapit na ng papalapit ang itim na usok na ito at doon ko napansin na ang lahat ng nadadaanan nito ay nawawala na parang bula at nagiging itim na parang isang uling.

Nilingon ko si Azul, nakangiti sya sa akin gamit ang pinakamatamis niyang ngiti. Kung susuriin mo syang mabuti akala mo wala syang pinagdaraanan pero hindi dahil malala ang trahedya na nangyari sa kanya.

May kinuha sya sa kanyang tabi at kaagad na nagliwanag iyon.

"Nauubos na ang oras Kennedy. Kailangan mo ng lumisan"

Parang isang bomba iyon na sumabog sa aking dibdib.

Hanggang dito nalang ba talaga?

Wala na ba talagang pag-asa?

Hanggang dito nalang ba ang kwento naming dalawa?

Umiyak ako sa harapan nya. "H-hindi pa nga nag-uumpisa ang magandang istorya nating dalawa, natapos na kaagad?"

Ngumiti naman sya. "Lahat ng bagay may hangganan, at isa na don ang pagtatagpo nating dalawa. Ikaw at ako ay hanggang dito nalang, Kennedy"

Napapikit ako at binalewala ang mga luhang walang tigil sa pagtulo.

"Wala na ba talagang pag-asa?" tanong ko.

Umiling sya. "Mahal kita... pero hindi ko hahayaang masaktan ka sa akin ng sobra"

"Mahal kita, at handa kong tiisin ang lahat ng sakit, basta ikaw ang aking kasama."

"Kennedy, masyadong madamot ang tadhana para pagsamahin tayong dalawa. Tanggapin nalang natin ang nakatakda,

"Na ikaw at ako ay hindi para sa isa't-isa"

Hindi ko alam kung bakit may pagkakataong masyadong malupit ang tadhana. Kung bakit alam naman nyang hindi para sa isa't-isa ay pinagtatagpo pa niya. Kung bakit hinahayaan niyang mahulog ito at sa huli, hindi naman pala sila ang magkakatuluyan.

Kung bakit kaming dalawa ang kailangan magdusa sa sakit na hindi naman namin hiniling pareho.

Bakit kailangan naming masaktan ng sobra?
Ang gusto lang naman namin ay magmahal masama ba iyon?

"Masama ba ang mahalin ka?" tanong ko.

Umiling sya. "Hindi. Masama lang dahil hindi ka sa akin nakatakda" aniya.

"Azul, yakapin mo ako kahit sa huling sandali".

Hindi sya kumibo bagkus ang kanyang kilos ang nagsalita para sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit. At ganoon din ako sa kanya.

Pwede bang ihinto muna ang oras? Gusto ko pang makasama ang babaeng mahal ko. Gusto ko pang ipagsigawan sa kanya na mahal na mahal ko sya. Higit pa sa lahat.

Kumalas sya at pinakatitigan ako. Hinaplos nya ang aking pisngi at nginitian ako.

"Lahat ng tungkol sayo, kabisado ko."

'At kabisado din kita marinig ko lang ang salitang Asul'

Nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa labi. Naipikit ko ang aking mga mata at siniili sya ng halik, habang hinahalikan ko sya ay hindi ko mapigilang umiyak. Hinapit ko sya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit.

Habang nakapikit ay walang ibang nakikita ang aking mata kundi sya. Sya at sya lang.

Kaagad syang humiwalay sa akin at marahan akong hinagkan sa tungking ng aking ilong.

"Go back to your world, Kennedy" at itinulak nya ako sa liwanag na ito.

"AZUUUUL!" sigaw ko pero ngumiti lang sya sa akin at kaagad din syang nabalot ng itim na usok.

'Magkikita tayong muli. At ipaglalaban na kita kahit ipagbawal man ng tadhana'

A/N

Kenzul is over. Enjoy reading thunders!

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now