Kennedy
As I open my eyes, I don't see anything but only a dark sky. I heaved a sigh, I can't stand up because of the pain. Pinuruhan ata ako ng Eros na 'yon.
"A-azul?" I call her name. But I didn't get any response for her. Napaubo ako dahil sa usok na nalanghap ko. Really? Kailangan mag ganito?
"Gising kana pala"
Binalingan ko ng tingin si Eros. Nakangisi sya sa akin habang dinadalaan ang kanyang labi.
"Nasaan si Azul?" tanong ko hindi iniinda ang sakit sa ginawa nya.
"Ayun oh!" napatingin ako sa itinuro nya.
Nagpapasalamat ako dahil wala namang nangyari sa kanya, nakahiga lang sya at mahimbing na natutulog.
"Pagod kana ba?" tanong nito sa akin.
Hindi ko sya sinagot, bagkus ay tinignan ko lang si Azul. Kung panaginip niya ito, bakit hindi sya nagigising? Bakit?
"Gusto mo bang malaman kung bakit?" tanong muli ni Eros. "Nakapagtataka,ang tagal nyo ng magkasama pero ni isa walang sinabi sayo si Azul?"
Nag-igting ang panga ko at kumuyom ang aking kamay. Nag-aalab ang galit sa aking puso sa di malamang dahilan.
"Hayaan mo na sya ang magkwento sayo, solido at pulido. Walang labis at walang kulang, sinasabi ko sayo na sa pagkakataong ito. Mas doble ang sakit lalo na kapag nalaman mo kung bakit sya nandito sa mundong ito. Gusto mo bang malaman kung bakit?"
"B-bakit?"
"Hindi ako ang magsasabi, kundi sya!" nilingon ko si Azul. Tulog pa rin ito at walang malay.
"What happened to her?!"
Ngumisi ito ng nakakaloko. "Pagod, pinagod ko. Masarap pala talaga pag baguhan at bagong tubo.." aniya. "Sayang, hindi mo natikman"
"Hayop ka! A-anong ginawa mo sa kanya?!" nanggagalaiting tanong ko. Parang sasabog na ako sa galit kapag totoo ang hinala ko.
"Hindi ko alam na masyado palang malawak ang imahinasyon mo Kennedy, wag kang mag-alala. Wala akong ginawa sa kanya na mas ikagagalit mo" sabay tawa nya. "Magpalakas ka, hindi pa tayo tapos"
Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo, kahit na pagewang-gewang na ang paglalakad ko. Nilapitan ko si Azul at hinaplos-haplos ang pisngi nito, napangiti ako ng maramdamang tinutugon nya ito. Iminulat nya ang kanyang mga mata at naluluhang tinignan ako.
"K-kennedy" aniya. "A-anong pakiramdam mo?"
Tumango ako at ngumiti. "A-ayos lang ako, ikaw ba?"
"O-oo, ayos lang ako"
"Tapoa na ba kayong magkamustahan?" tanong ni Eros. Hawak na naman nito ang latigo at dinidilaan. "Sariwa ang dugo, masarap." aniya. "Ano, Kennedy? Kaya mo pa ba? Kung hindi na si Azul nalang. Ano sa tingin mo Azul?"
Walang emosyong mababakas sa mukha ni Azul, masyadong malalim ang kanyang mga tingin na kung uusisain pa baka hindi mo na makayanang tignan.
"Mini mini mi ni mo, si Azul o si Kennedy, alin dito?" nakangising sabi nito. 'Hindi ba sya napapagod kakangisi?'
"Aha! Ikaw AZUL!" natutuwang sabi nito. Tumapat kasi kay Azul ang latigong hawak ni Eros. "Pero,ayokong saktan ka" aniya at binalingan ako ng tingin. "Gusto mo ikaw nalang ulit., Kennedy?"
Napalunok naman ako, hindi ko alam kung makakaya ko pang tanggpin ang bawat paghampas at pagpalo nya sa akin. Mahahapdi pa ang sugat na natamo ko at paranghindi ko na yata kakayanin pa.
'But for Azul, wala akong hindi kakayanin'
"Tayong dalawa ang magtuos, Eros" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Azul. Kakaiba at nakakatakot kumpara sa bosea nya kanina. "Wag mo ng idamay si Kennedy" dagdag nya pa.
Ngumiti naman si Eros. "Hindi ko alam na darating sa puntong maglalaban tayong dalawa dahil lang sa kanya, Azul"
Ngumiti naman ng nakakaloko si Azul. "Hindi ko rin kasi inaasahang may taong magmamahal sa akin, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko"
"Masyado kang binulag ng pagmamahal, Azul"
Natawa si Azul. "Dahil wala ng mas masaya pa kundi ang magmahal, Eros. Ikaw ba? Narananasan mo na bang magmahal?"
Hindi ko alam kung anong i-rereact ko. Masyadong nakakaloko ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Parehas na nakakatakot ang kanilang itsura, unti-unting nagiging asul muli ang buhok ni Azul ag nagliliyab sa asul ang mata nito.
"At mas lalong hindi ko inaasahan na gagamitin mo ang dati mong anyo para kalabanin ako, Talaga Azul? Handa kang maging demonyo para lang maprotektahan ang lalaking 'yan?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Napangisi si Azul. "Kung ang anyong ito ang poprotekta sa kanya hanggang sa aking huling hininga, bakit hindi Eros? Kaya kong mamatay maprotektahan lang ang lalaking nagbigay kahulugan sa aking madilim na mundo"
Hindi ko alam pero may kung anong kilig akong naramdaman sa sinabi ni Azul. Imbes na matakot ako dahil sa sinasabi at magiging kalalabasan nito, ay nangingiti pa ako kaloob-looban ko.
'Damn you, Kennedy! Kabaklaan mo!'
Napatingin sa akin si Eros at nakangiti. "Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa ating dalawa, Azul"
"Wag kang magsalita ng tapos, Eros." ani Azul.
Humalakhak ito sa kanya. "Siguraduhin mo lang na tama ang ginawa mong pasya, dahil hindi mo alam na mas masasaktan sya kapag nalaman nya ang dahilan kung bakit ka naririto sa mundong ito Azul" anito.
"MANAHIMIK KANA!" sigaw ni Azul at bigla na lamang tumalsik sa kung saan si Eros.
Bigla na lang nya akong niyakap. "Kahit anong mangyari, wag kang aalis sa pagkakayakap ko. Hug me tight, yung tipong ayaw mo na akong makawala. Pwede mo bang gawin iyon Kennedy?" tanong niyo.
Napakalakas ng tibok ng puso ko. Tumango nalang ako at niyakap sya pabalik, hindi ko nakikita kung anong ginagawa nilang dalawa dahil nakatalikod ako at yakap yakap ni Azul.
"Wag mong aalisin ang pagkakayakap ko. Yakapin mo ako ng mahigpit na mahigpit"
Isang patak ng luha ang tumulo sa aking mata.
'Kahit gaano pa kasakit ang manatili sayo,hindi ako bibitaw sa pagkakayakap mo. Dahil yun na ang magiging katapusan ko'
YOU ARE READING
Kennedy's Dream (COMPLETED)
FantasyHe thought that it's real but it's just a dream. A dream who broke his heart unintenionally. -- I am going to edit this po. Thank you!