Kennedy
I never wish for something, for someone and for anyone. Pero nung makita at makilala ko sya, parang gusto ko nalang na humiling pa at hilingin na sana bigyan kami ng pagkakataong makasama ang isa't-isa.
Rinig ko pa rin ang alingawngaw na hindi ko malaman kung saan nagmumula. Ang pagbabatuhan nila ng pwersa sa bawat isa, ang nagliliyab na galit ay mas nakakapagpadagdag pa sa tensyon dito.
Apoy laban sa Dagat.
Sino nga ba ang mananaig? Sino ang mananalo? Sino ang uuwing luhaan?
"Kennedy"
Iniangat ko ang aking ulo at sinalubong ang titig nya. Nasa loob kami ngayon ng isang shiled na gawa sa tubig, nag-aalab ang mata ni Azul. Para siyang reyna ng karagata,na handang ipaglaban ang kanyang nasasakupan kahit maging kapalit nito ay kamatayan.
"Azul" iniangat ko ang aking kamay at marahang idinampi ito sa kanyang pisngi. Napapikit sya at marahang kinagat ng kanyang labi. "Kaya mo pa ba?" tanong ko. 'Dahil kung hindi na, handa akong lumaban maisalba ka lang sa giyerang ito'
Tumango sya ay iminulat ang kanyang mga mata. Nginitian niya ako ng matamis.
"Kaya ko pa.. Kaya ko pang labanan, kaya ko pang lumaban. Basta ikaw palagi ang dahilan."
Napapikit ako. Bakit ako? Bakit ako ang lagi mong dahilan? Bakit hindi para sayo? Bakit hindi para sa kapakanan mo.
Umiling ako. "Hindi Azul, ako. Ako naman ngayon" may diin kong sabi. "Ako naman ang pahintulutan mong lumaban sa pagkakataong ito. Hindi pwedeng palaging ikaw."
"Hindi. Hindi mo sya lalabanan Kennedy, kaming dalawa ang magtutuos at hindi kayo"
Bigla naman kaming napapikit ng biglaang umatake si Eros. Kung kanina, anyong satanas sya. Ngayon, anyong demonyong ahas na talaga. Nakakabingi ang matinis niyang pagtawa, ang kanyang mga halakhak na animo'y kulog sa sobrang lakas. Ang kanyang ngisi na nagpapatindig ng aking balahibo.
"Hanggang dyan nalang ba ang kaya mo, Azul?" nanghahamong tanong nito. "Hanggang dyan mo na lang ba kayang ipaglaban ang taong mahal mo?" hindi ito kumibo pero makikita mong sa pamamagitan ng kanyang mata, doon mo malalaman ang sagot. "Kahiya-hiya! Pareho lang kayong mahina!" sigaw nito at umamba na naman ng pag-atake.
"Ikaw Kennedy? Hindi ba nakakahiyang si Azul ang pomoprotekta sayo na imbes na ikaw ang pomrotekta sa kanya?" nakangising anito. "Sabagay, wala ka naman kasing abilidad na kagaya namin. Isa kalang normal na tao na isang pasanin ng mahal kong si Azul"
Naikuyom ko ang aking kamay at napapikit ako sa galit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko wala akong kwenta! Pakiramdam ko palamunin ako! Pakiramdam ko ang hina ko, dahil hindi ko man lang magawang protektahan ang mahal ko.
Nilingon ko si Azul. Patuloy pa rin ang pakikipaglaban nya kay Eros, sa bawat pag-atake makikita mo ang determinasyon nyang manalo--maipanalo ang laban ito. Sa pagitan ng galit at pag-ibig.
Galit ng isang nilalang na hindi ko alam san nag-umpisa.
Pag-ibig ng isang nilalang na handang ipaglaban sa abot ng kanyang makakaya.
Ako.
Na parang isang manunuod, hindi magawang lumaban dahil wala akong kapangyarihan na gaya ng kanila.
"Kennedy!" napalingon ako kay Azul at sa isang atake na papalapit sa akin. Kaagad akong yumuko upang iwasan ang atakeng ginawa ni Eros.
Napaluhod ako dahil sa lakas ng impact noon.
"Ayos ka lang ba?" humahangos na tanong ni Azul. Kaagad akong tumango upang sabihin na ayos lamang ako.
"EROOOOOOOS!" napatakip ako sa aking tainga dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni Azul. Para akong nilipad sa kawalan dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya.
Narinig ko ang halakhak ni Eros. "Pasensya na, biglang kumawala eh!" natatawang sabi nito.
"Itigil na natin ang laro!" nanlilisik na matang sabi ni Azul. "Tama na ang paglalaro, Eros!" sigaw nyang muli dahilan upang mapatakip ako ng aking mga tenga.
Ngunit kaagad ko din itong natanggal ng makita ang pag-angat ng dagat sa kanyang likuran. Umaangat ito ng umaangat hanggang sa makarating ito sa pinakatuktok at biglang humampas kay Eros.
Hindi kaagad nakaiwas si Eros kaya saktong tumama ito sa kanya. Kung ako iyon,patay na ako pero kung si Eros? Malamang galos lang iyon!
Nagliliyab parin sa galit si Azul. Hindi nya pa ito tinatantanan kaya dagli kong niyapos ang bewang nya at niyakap ng mahigpit.
"Stop, stop Azul" I whispered. "Pakalmahin mo ang sarili mo." pagmamakaawa ko.
Unti-unting kumalma sya. Nawala ang galit na meron siya, Hinarap nya ako at niyakap ng mahigpit, rinig ko ang pag-iyak nya.
"Hush, stop crying Azul. Nasasaktan ako" sabi ko pero hindi sya tumitigil.
Napaangat ako ng tingin ng makita si Eros, at handa na namang umatake. This time,hindi ako makakapayag na hindi ko poprotektahan si Azul.
"M-mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Hindi inaalis ang pagkakayakap. "Azul"
"B-bakit mo naitanong?"
"Just d-damn answer me, say you love me"
"M-mahal k-kita--"
"MAMATAY KANA AZUL!" sigaw ni Eros, kaagad kong itinalikod si Azul at hinarap ang pag-atake ni Eros.
At tanging huling narinig ko lang ay ang pag-iyak ni Azul at ang salitang binitiwan nya.
"Mahal kita, K-kennedy!"
Dedicated To:
Aica Andes! Sorry di ako makapagmention.A/N
Bitin ba? Malapit ng matapos guyses, konting pikit nalang. Sa mga nagtatanong po yes may page na ako just search Little Timi's Thunders and also I have my own official gc. Sa marami pa pong tanong just message me on may facebook acc. Thank you!I love you, Thunders!
YOU ARE READING
Kennedy's Dream (COMPLETED)
FantasyHe thought that it's real but it's just a dream. A dream who broke his heart unintenionally. -- I am going to edit this po. Thank you!