Kennedy
"Wag na sya, ako nalang!" sigaw ko pero para lang akong nakikipagusap sa hangin. Dahil hindi nya man lang ako tinatapunan ng tingin.
Ilang ulit niyang sinuntok, hinampas, hinagis si Azul. At wala man lang akong magawa para pigilan sya. 'Hanggang dito nalang ba ako?'
"Anong pakiramdam Kennedy? Anong pakiramdam ng nakakulong ka at walang magawa kundi ang tignan at panuoring naghihirap ang taong mahal mo?" namumuo ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko na makilala si Azul dahil sa dami ng sugat na natamo nya. Puro dugo, dugo ang nakikita ko at punit punit ng damit nya.
"Anong pakiramdam ng walang lakas para matulungan ang babaeng mahal na mahal mo? Anong pakiramdam ng pagkaitan ng karapatan para ipagtanggol sya? Mahirap ba? Masakit ba?" nakangising sabi nya.
Narinig ko ang daing ni Azul ng suntukin syang muli nito. Tang-ina! Bakit ba ang hina ko?!
"Sinabi ko naman na sayo noon Azul, mahirap kapag kinalaban mo ako pero ginawa mo pa rin. Ano bang meron sya na hindi ko naibigay sayo para ganon na lang sayo ang talikuran ako?" nanginginig na sa galit ang kamao ko. Sa oras lang na makaalis ako dito, hindi ako magsasayang ng oras para pataamain ang kamao ko sa kanya!
"Ano bang meron ang nilalang na ito para mahalin mo sya ng sobra pa sa binigay ko?" bakas ang pagdaramdam sa tono ng pananalita nito.
Napaiwas ako ng tingin ng muli nya itong saktan, tama na. Hindi ko na kaya 'to! Kailangan ko ng makatakas. Pilit kong kinakalag ang kung ano mang nakatali sa akin, pero masyadong mahigpit ang pagkakatali nito.
"Mukhang naiinip kana ata dyan, gusto mo bang ikaw naman?" aniya. "Pero hindi ako ang lalaban para sayo, kundi ang babaeng mahal mo" nakangising sabi nito.
"Bakit sya ang gusto mong lumaban sa akin? Duwag kaba at ayaw mong makaramdam ng sakit galing sa akin?" nanghahamong sabi ko.
Napangisi naman sya. "Hangal! Mas masarap sa pakiramdam na sya ang nananakit sayo, yung tipong hindi ka makalaban kasi ayaw mo syang saktan. Yung hahayaan mo na lang na patayin ka nya kesa labanan sya." napapikit ako ng mariin.
"Sinabi ko naman sayo, hindi kita bibigyan ng kahit anong butas para makalusot sa lahat ng sakit. Gusto kong pahirapan ka pati ang puso mo, gusto kong patayin ka sa sakit. Gaya ng pagpatay mo sa mundo nya!"
"Hindi sya ang sumira ng mundo ko!" napapitlag ako ng marinig ang tinig na iyon ni Azul. Nakaluhod sya at naghahabol ng hininga. "I-ikaw! Ikaw ang sumira ng mundong ito dahil sa kasakiman mo!" Tumama sa pisngi nya ang palad nito.
"Wala kang utang na loob! Lapastangan!" sigaw nito sa kanya. Nanlilisik ang mata at galit na galit ang tindig. "Kinalimutan mo ang lahat dahil lang sa tulad nya! Tinalikuran mo ang pangako mo dahil sa lintik na pagmamahal na iyan!"
Nilingon sya ni Azul at bahagyang pinunasan ang kanyang pisngi. 'Umiiyak sya, umiiyak ang babaeng mahal ko at naiinis ako sa katotohanang wala akong magawa!'
"Umiiyak kana? Pagod kana ba? Nagsisimula palang tayo Azul, wala pa tayo sa kalagitnaan ng laro, susuko kana?" tanong nito. "Hindi pa ako nasisiyahan, masyado pang nakakabagot ang ating simula"
"TUMIGIL KANA!" sigaw ko na ikinalingon nila. Napakagat ako sa aking ibabang labi ng makita kung ano ang ayos ngayon ni Azul. May dugo ang kanyang noo, putok ang kanyang labi at may itim sa ilalim ng kanyang mata.
Ginapang nya ang pagitan naming dalawa. Naiyak ako ng maramdaman ang kanyang mga kamay na humahaplos sa aking binti. Halos hindi na nya maidilat ang kanyang mga mata.
"K-kenn-ned-dy-yy" usal niya at hinaplos ang aking pisngi. "M-mah-hal k-kit--aaaaah!" napadaing syang muli ng hablutin ng satanas na ito ang buhok nya.
"Hindi ka bubuhayin ng pagmamahal mo para sa kanya!" madiin nitong sabi. "Sa mundo mo, walang pagmamahal ang nabubuhay. Hindi nabubuhay ang pagmamahal, dahil isa iyong lason na pumapatay sa mga tao!" dagdag nito at mas diniinan ang pagkakahawak sa buhok nito.
Nilingon nya ako at nginitian. "Gusto mo ng makawala hindi ba? Pagbibigyan kita ngayon!" at bigla nalang natanggal ang mga nakapulupot sa akin.
"Pero hindi ibig sabihin, pakakawalan kita sa sakit na ibibigay ko sayo!"
Nilingon ko si Azul, lalapitan ko sya ng bigla akong sakalin nito. Si Azul, nagwawala sya, nababalutan ng itim na usok ang paligid nya. Sumisigaw sya at humihiling ng tulong. Pero heto ako, nakatingin lang sa kanya at pinapanuod ang bawat galaw nya.
"Ang sakit hindi ba? Ang sakit makitang naghihirap sya at ikaw walang magawa. Ang sakit marinig na humihingi sya ng tulong pero hindi mo sya matulungan". parang binibiyak ang puso ko sa sinasabi nya dahil totoo iyon. Wala akong magawa, nakabilanggo ako sa mga kamay nya habang sya ay abala sa pagpapahirap kay Azul.
"T-tama n-na" pakiusap ko. "T-tama na, w-wag na sya. A-ako nalang" dagdag ko.
"Wag kang mag-aalala, hindi naman ako ang mananakit sayo kundi sya".
Biglang tumayo si Azul. Iba na ang postura ngayon.
"Ngayon, hayaan mong iparamdam nya sayo ang kanyang galit. Hayaan mong pahirapan ka ng babaeng mahal mo."
Napaluhod ako at nag-angat ng tingin dahil nasa harapan ko na sya.
'Sorry I can't do anything to stop this, sorry cause I'm letting you to hurt me even though you don't want it'
Im really sorry.
YOU ARE READING
Kennedy's Dream (COMPLETED)
FantasyHe thought that it's real but it's just a dream. A dream who broke his heart unintenionally. -- I am going to edit this po. Thank you!