3. Who's That?

44 8 14
                                    

Kennedy

"Nothing last forver, so wag kang magsabi na may forver!" aniya at hinawakan ang dahon na ngayo'y naging 'asul'

Napailing naman ako at isinuklay ang aking kamay sa aking buhok. Nakita ko namang napatingin sya sa akin at kaagad din syang nag-iwas ng tingin. Hindi din nakaiwas sa aking mata ang pamumula ng kanyang pisngi. 'She's blushing? Cute!'

"Bitter ka ba o sadyang hindi ka pa nakakaramdam kung paano magmahal?" tanong ko. Nandito kami sa isang lugar kung saan makakapagrelax ka ng todo. May malawak na dagat at tahimik dito.

Nilingon naman nya ako at kumunot ang noo nya. "Duh, hindi ako bitter noh. Sadyang ganon lang naman talaga ang nangyayare noh". dipensa nya. "Ikaw ba? Narananasan mo ng magmahal?"

Napatingin ako sa kanya. "Ano bang klaseng tanong yan? Lahat naman tayo nakakaranas ng pagmamahal." at natawa ako. Napaaray naman ako dahil sa biglaang pagkurot nya. "Ang sadista mo!" asik ko.

"Wow!" napaamang sya. "Ngayon lang kita nakurot, sadista agad? Hambalusin kita ng dos por dos dyan eh!"

Natawa naman ako. "Osige, sabihin mong hindi ka sadista sa lagay nayan".

"Pero seryoso nga, nakaranas kana ba ng ganon? Yung pagmamahal sa isang tao ng higit pa sa buhay mo?" iniiwas ko ang tingin sa kanya at itinuon ito sa papalubog na araw. Ang bilis naman ata ng oras?

Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng bahagya. "Siguro. Siguro, masasabi kong naranasan ko ng umibig sa isang tao ng higit pa sa buhay ko." sabi ko habang inaalala yung panahon na iyon.

"Anong pakiramdam?" tanong nya.

Ngumiti naman ako. "Masaya, nakakabaliw at malungkot. Halo-halong emosyon." natatawang sabi ko. Binalingan ko naman sya ng tingin at ginulo ang buhok nya at pinisil ang pisngi nya. "Siopao na hindi pa nararanasang magmahal!". asar ko. Napasimangot naman sya at pinalo ang kamay ko.

"Kainis ka! Seryosong nakikinig yung tao tapos eepal ka ng ganyan!" natawa naman ako sa iniasta nya. 'Childish!'

Hindi muna kami nagkibuan. Tinanaw muna namin ang magandang tanawin, parang tinatangay papalayo ang lahat ng nararamdaman ko. Nilingon ko sya at katulad ko, pinapanuod din nya ito.

Maganda si Azul. Tanga ako kung sasabihin kong hindi, malamlam ang mga mata at perpekto ang kanyang ilong at labi. Mas maganda sya kapag ngumingiti, para kang tatangayin ng hangin papalayo kapag ngingitian ka nya. 'Damn! Bakit ko ba sya tinitignan!?' pagalit kong sita sa aking sarili.

"Alam mo bang kasalanan ang tumitig?" aniya at sinalubong ang tingin ko. Konti lang ang distansya ng aming mga mukha, naduduling ako sa gantong sitwasyon namin kaya naman napaiwas ako ng tingin.

'Hindi ko kayang salubungin ang titig mo. Nakakalunod'

Napatayo ako ng makaramdam ako ng isang malamig na bagay sa aking batok. Hindi rin ako makahinga ng maayos dahil parang pinipiga ang puso ko. Anong nangyayare!?

"Kennedy? Anong nangyayare sayo?" tanong ni Azul na kagaya ko nakatayo na din.

"H-hindi a-ako m-makahinga". sabi ko. Nanlaki naman ang mata nya at natatarantang hinawakan ako. Napapikit ako at napabuga, hindi talaga ako makahinga!

"O-oh m-my!". ipinilit kong imulat ang aking mata upang tignan ang kalagayan ni Azul. And there I saw a man standing beside her. "L-let go of h-him, p-please. I-i b-beg." garalgal ang boses ni Azul at napaluhod sa lalaki.

'What the hell?'

"Hindi sya nararapat sa mundo mo Azul. Kaya kung ninanais mo pa syang mabuhay at kung nais mong mabuhay, paalisin mo na sya at pabalikin sa mundo nya." malamig at malalim ang boses nito. Nang matapos itong magsalita ay walang pasabing iniwan kami doon.

Napaubo ako at nanginginig ang tuhod ko. Dinaluan naman ako kaagad ni Azul, namumula ang mga mata nya at nanginginig ang labi nya. "A-ayos ka lang ba?" tanong nya. Tumango naman ako.

"Who's that?" tanong ko. Napailing naman sya at bigla akong niyakap. Nanlaki ang mata ko, hindi makakilos at makakibo.

"Hindi mo sya kailangang kilalanin dahil mapapahamak ka lang". dagli syang tumayo at iniabot ang kanyang kamay. Kinuha ko iyon bilang suporta. "Halika na, umalis na tayo dito." at bigla nalamang dumilim.

NAGISING ako sa isang tinig na marahan kong naririnig sa kung saan. Napansin kong madilim na din.

"I wanna make you smile, whenever you're sad.

Carry you around when your athritis is bad

Oh all I wanna do is grow old with you~"

Tumayo ako at marahang lumabas sa kubong ito. Hinanap ko ang pinaggalingan ng boses at doon nakita ko si Azul na marahang hinahaplos ang buwan at mga bituin na ngayo'y nasa harapan nya. Hindi ko talaga mawari na nangyayare to sa akin. Nakakakilabot.

"Gising kana pala." aniya at nilingon ako. "Halika dito." aya niya, napasunod naman ako at wala sa sariling nilapitan sya. "May masakit ba sayo?" tanong nya habang hinahaplos pa rin ang buwan. Umiling naman ako at medyo umusod sa kanya, kinikilabutan ako sa buwan. Masyadong malaki at nakakasilaw ang liwanag.

"H-hindi ka natatakot sa kanya?" tanong ko sabay turo sa buwan.

Umiling naman sya at natawa. "Nah! Bakit ako matatakot? Ako ang gumawa sa kanila so, why scared?"

Napahawak naman ako sa baba ko at kinalma ang aking sarili. 'Abnormal na babae!'

"Hindi ako abnormal, dyosa lang!" aniya kaya nanlalaking matang nilingon ko sya. "What?" natatawang sabi nya.

Masisiraan na yata ako ng bait sa kalokohan ni Azul! Kaya tumayo na ako at naglakad papalayo doon?

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Sa lugar kung saan wala ka!" sigaw ko pabalik.

"Baliw! Mundo ko 'to kaya lahat ng lugar alam ko." asik nya. Damn! Nakalimutan ko.

Pero bago ako tuluyang makaalis, nakaramdam ako ng panlalamig. Meron na namang bagay ang tumama sa batok ko. Napigil ko ang paghinga ko at napapikit ang aking mga mata. Nang marinig ang mga salitang iyon, nakakapangilabot at nakakalaglag puso. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko, daig nya pa ang death threat sa sobrang lamig at nakakatakot nyang boses. Daig nya pa ang yelo sa lamig. Kung sino man iyon, nakakapanigurado akong may masama syang balak.

Parang isang sirang plaka ang boses nya at nagpaulit-ulit sa akin ang sinabi nya.

"Go back to your world, Kennedy"

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now