Kennedy
"Kennedy, are you okay?" nagbalik naman ako sa ulirat ng marinig ang tinig na iyon ni Azul. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Kaagad akong umiling at ngumiti, ayokong makitang ganyan sya at nahihirapan. 'Di baleng ako nalang, wag lang sya'
Napabuntong-hininga ako at ipinilig ang aking ulo. Parang kailan lang nung napadpad ako dito tapos meron namang nagpapabalik sa mundo ko. Parang sasabog na ang utak ko sa nangyayari sa akin.
"Ayos ka lang ba talaga? You don't look fine." aniya at sinipat ang aking noo. Napatigil sya ng makaramdam kami ng pagyanig. Nung una'y mahina pa pero habang tumatagal mas lumalakas!
"Tang-ina! A-anong nangyayare!?" kinakabahang tanong ko. Nakita ko namang napailing si Azul at kita ko ang takot sa kanyang mga mata.
"N-no! N-no! I-it w-wont h-happen again!" sigaw nito at naiiling. Hindi rin nakatas sa aking mga mata ang luha nya. Dammit! What the hell is going on!?
Napatakip ako sa aking tainga ng makarinig ng isang impit na hiyaw. Napasakit nito sa tenga at pakiramdam ko mabibingi na ako!
"KENNEDY!" napatingin ako kay Azul. Ganon na lamang ang gulat ko ng biglang mag-iba ang kulay ng mata niya. Literal na naging Asul ang mata nito at naluluha ang mga mata. Nanginginig sya siguro'y dala ng takot.
Kaagad ko syang dinaluan at hinila papalayo doon. Nang bigla namang mas lumakas ang pagyanig at mas lumakas ang hiyaw na iyon na hindi ko alam kung saan nagmumula. Isa-isang nawawala ang mga puno at naglalaglagan ang mga bituin. 'Tang-ina, wag nyo muna akong patayin ngayon! Di pa ako nakakapag-asawa!"
"N-natatakot ako." napabaling ako kay Azul. Nandito kami sa isang malaking bato at nagtatago. "N-naulit n-na naman." aniya at naiiling. Pinunasan nya ang kanyang luha na walang tigil sa pagtulo. "B-binabangungot ako."
Napanganga naman ako. "B-binabangungot ka? Paano?" naguguluhang tanong ko. Nakatanggap naman ako ng isang malakas na kotong. "Para san naman yon!?"
"Gaga, malamang tao din ako at syempre binabangungot din." aniya at sumilip. Nawala na ang hiyaw pati ang pagyanig, hindi ako makapaniwalang nangyare sa amin ito! "H-halika na, w-wala na---"
Napatigil sya ng biglang dumagundong ang malakas na tili. Mas dumoble ang pagyanig ng lupa! Napatayo ako at biglang hinila papalayo doon si Azul.
"San tayo pupunta nito!? Shit!" napasigaw ako ng muntik na kaming mabagsakan ng mga BULALAKAW!
"KENNEDY!" napalingon naman ako kay Azul. Laking gulat ko ng biglang umangat ang tubig at heto sinusundan kami ngayon!
'Tang-ina, kamatayan ko na ata!'
"Kennedy! Sakaaaay!" napamulat ako ng aking mata at kaagad na sumalubong sa akin si Azul na nakasay ngayon sa ulap. Sumakay ako kaagad at napakapit sa bewang nya. Naramdaman ko namang natigilan sya pero kalauna'y binalewala nya ito.
"San tayo pupunta? Diba binabangungot ka kamo? Bakit hindi ka dumilat para mawala ito?" tanong ko. Napailing sya at malungkot na ngumiti sa akin.
"Kung sana ganon lang kadaling magmulat ng mata sa gaya ko? Ginawa ko na. Kaso hindi eh, mahirap lalo na sa sitwasyon ko." aniya.
"Wait, what? Ano ba pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ko.
Napailing sya. "Maaga pa para dito. Kumapit ka ng maayos at mahigpit, bibilis ang takbo natin."
At hindi naman sya nagsinungaling dahil talagang mabilis ang takbo namin! Mas humigpit ang hawak ko sa kanyang bewang. Makalipas ang ilang oras ay nakarating din kami sa aming paroroonan.
"Nasan tayo?"tanong ko ng makababa. Inalalayan ko din syang bumaba at inayoa ko ang gulo niyang buhok.
"Nandito tayo kung saan makikita mo ang panaginip ng bawat tao" aniya. "Kelangan kong makita ang panaginip ko at daplisan ng dugo ito upang mawala ang bangungot na ito." seryosong saad nya.
"Susugatan mo ang sarili mo para mawala ang bangungot mo? King-ina, saang mundo ba ako napadpad at puro hindi kapani-paniwala ang nagaganap sa akin!?"
Napailing sya. "Wala na tayong oras Kennedy. Kung gusto mong maging maayos ang pananatili natin dito, kailangan mo akong tulungan!" aniya. "Gumuhit ka ng kahit anong patalim, bilis!" sigaw nya. Nataranta naman ako at gumuhit ng matalim na kutsilyo. Napapikit sya at biglang nagmulat laking gulat ko na lang ng tumabad sa akin ang kutsilyong ginuhit ko.
"Halika na!" aya nya at hinila ako. Panay ang lipat nya sa mga panaginip na nakikita nya dito sa isang bukana ng tubig. Namamangha ako sa mga nakikita kong panaginip. May masaya,malungkot, nakakatakot at iba pa.
"Sa wakas!" aniya sisilipin ko sana iyon ng bigla nya akong pigilan. "Hindi mo maaring makita ang kalagayan ko doon, paumanhin." napatango na lang ako at tinalikuran ko sya.
Pero may napansin ako doon, isang babaeng nakahiga at mahimbing na natutulog sa isang silid. Pero yung kwartong pang ospital? Ewan! Gulong-gulo ang utak ko ngayon.
Ilang oras na pero hindi pa rin sya tapos sa ginagawa nya. Naiinip na ako baka kasi abutan kami ng bangungot nya! Nakakatakot pa man din!
"Azul, hindi kapa tapos?" tanong ko. Pero wala akong nakuhang sagot. "Azul?" tawag ko ulit but this time wala pa ding sumagot. Kaya nagpasya akong lingunin sya.
'Asul' asul na asul ang mata nya habang nakatingin sa aking direksyon. Walang emosyon ang kanyang mukha at nanunubig ang mata nya. 'Pwede pala yon?'
"Azul? Tapos kana ba?" tanong ko ulit at nilapitan sya. Pero hindi pa rin sya kumikibo, nakatingin lang sya sa akin. Kaya naman hinawakan ko sya at ganon na lamang ang gulat ko ng maramdamang napakalamig ng katawan nya!
"Azul!? Azuul!" sigaw ko at niyugyog sya. Pero wala pa ring kurap ang mga mata nya. 'No! It can't be!' Naiiling na sabi ko.
Bigla ko na namang narinig ang hiyaw at yumanig na naman ang lupa. Ibig sabihin ay papalapit na ito sa amin! Inakay ko si Azul at napabuntong-hininga. Ninenerbyos ako at kinakabahan. Nalintikan na!
Sumipol ako upang tawagin ang ulap. Hindi naman ako nabigo at kaagad naman itong nagtungo sa amin. Ipinahiga ko si Azul bago ako sumakay.
"Dalhin mo kami kahit saan, makatakas lang kami dito!" utos ko. Walang seremonyang humarurot ang ulap na tila ba isang sasakyan.
'Fck! I'm now hating a live nightmare!'
YOU ARE READING
Kennedy's Dream (COMPLETED)
FantasyHe thought that it's real but it's just a dream. A dream who broke his heart unintenionally. -- I am going to edit this po. Thank you!