20. The Future

30 6 0
                                    

Kennedy

Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang puting kisame. Napalingon ako sa gawing kanan ko may dextose doon na syang nakakonekta sa aking kanang kamay ngayon. May kung ano din ang nakatakip sa aking labi na hanggang ilong.

Iginalaw ko ang aking kamay at alam kong nasa hospital ako ngayon. Pero bat ganon? Bakit sa pagkakaalala ko nasa isang mundo ako? Mundo ni Azul?

"Coz? Kennedy?" nilingon ko ang nagsalita na iyon, and there I saw my cousin who's now looking at me na hindi makapaniwalang nakita ako. "G-gising kana! Saglit, tatawag lang ako ng Doctor!" aniya.

Nakunot ang aking noo kung bakit may galos ang mukha nya. Nakipagbugbugan ba kami ni Niño at naospital ako ng bigla?

Pero hindi maalis sa isip ko yung babaeng nasa panaginip ko. 'Sino sya?'

"Mr. Song, may masakit ba sainyo?" tanong ng Doctor sa akin. Umiling naman ako, medyo pagod lang ang katawan ko pero wala namang masakit sa akin. Humarap ito kay Niño na kasalukuyang naiiyak ngayon sa harapan ko. 'Really? Hindi pa naman ako patay para iyakan!'

"Mr. Canatba, okay naman ang vital signs nya. I'll be back here later para i-examine sya but for now, I want to congratulate you dahil bibihira na lang ang taong nakakaligtas sa coma. Mauna na muna ako" paalam nito.

"Salamat, Doc Villarama." tumango na lamang ito at umalis na

Kaagad akong nilapitan ni Niño at umiyak sa harapan ko ngayon. "Kingama mo bro! Pitong buwan kang tulog ni hindi mo man lang naisip na gumising sa loob noon ngayon lang!" reklamo nito.

Hindi ko pinansin ang pagdadrama nya, bagkus mas nakakuha ng atensyon ko ay ang pitong buwan na tulog ako. Really?

"Sabi ng Doctor sa amin, alisin na namin ang makina dahil iyon na lamang ang bumubuhay sa iyo. Pero hindi namin ginawa dahil alam naming babalik kapa, gigising kapa." itinuro ko ang nakatakip sa aking mukha at kaagad naman nya itong tinanggal.

"T-tubig" sabi ko. Kaagad syang tumayo at pinainom ako. "S-salamat, bakit ba ako naospital? At bakit may mga galos pa 'yang mukha mo? Napaaway ba tayo?" tanong ko.

Umiling sya at napaawang ang kanyang labi. Tila hindi makapaniwala sa nalaman sa akin.

"H-hindi mo maalala?"

"Hindi."

Bumuntong-hininga ito at napalunok. "Na aksidente tayo, nabangga ang sinaksayan nating sasakyan sa isang kotse. Kakagaling lang natin noon sa birthday party mo, nakatulog ka kasi kaya tayo nabunggo at naaksidente..."

Tinignan ko lang sya. "At ikaw ang may pinakamalalang kondisyon sa atin. Isinugod ka namin sa hospital pero sabi sa amin noon dead on arrival kana. P-pero kaagad din iyong binawi dahil kaagad na tumibok ulit ang puso mo. Nasa stage ka ng coma noon, at ang makina na lang ang bumubuhayvsayo that time. And hindi ko inaasahan na gigising kana in unexpected time" aniya.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya ngayon. Sa loob ng ilang buwan? Ganito pala ang nangyari sa akin.

"May masakit paba sayo? Tawagin ko na ba si Doc? Just tell me."

"No. I-im fine..."

Tumango naman sya at tumayo. "I'll just go outside, bibili lang ako ng makakain mo.."

Hindi ko sya kinibo. Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari sa akin. Lalo na doon sa babaeng nasa panaginip ko. Bakit pakiramdam ko totoo iyon? Bakit pakiramdam ko nasa mundong iyon talaga ako? Bakit ganto yung nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan?

'A-azul Jeomi Suarez'

TATLONG ARAW na ako sa hospital at kating-kati na akong lumabas dahil gusto ko ng mahanap ang babaeng nasa panaginip ko. Nasa labas ngayon si Niño at tinatawagan sila Mama upang sabihin ang kalagayan ko.

Napapaisip pa rin talaga ako kung bakit nandon ako sa klaseng mundo?

Buwan na malaki?

Ulap na nasasakyan?

Araw na hindi sumisikat?

Tubig.

Sino si Eros? Bakit kapag naiisip ko sya kumukulo ang dugo ko? Bakit pag naalala ko yung pinaggagawa nya don sa panaginip ko naiirita ako?!

Especially kay Azul, that girl. Who is she? Why did she appear on my dream. May purpose ba?

Sabi kasi nila kapag may isang taong nag- appear sa panaginip mo it means they want to see you. But why?

Bigla namang bumukas ang pinto at iniuwa nito si Niño. Nakita ko ang pamumula ng mukha nya at pamamaga ng mata?

"Hey, what happened to you?" I asked.

"Y-yung pasyente kasi sa kabilang kwarto.."

Napakunot naman ang aking noo. "What about him/ her?"

"Patay na."

Kaagad akong napatayo at sa di malamang dahilan. Kinuha ko ang dextrose at walang pasabing nilisan ang kwartong iyon. Bakit ganto yung nararamdaman ko? Bakit kinakabahan ako? Bakit nasasaktan ako?

"Kennedy!" rinig kong tawag ni Niño, pero hindi ko sya pinansin. Kaagad akonh pumasok sa kwartong ito at tumambad sa akin ang isang babaeng walang buhay na nakahiga sa kama.

Nakita ko rin ang kanyang ama't-ina na walang tigil sa pag-iyak.

Unti-unti akong lumapit sa kama. At tila, tinusok ako ng isang daang kutsilyo sa puso, dahil ang babaeng nakahiga ngayon sa kamang ito ay ang babaeng nasa panaginip ko rin at ang babaeng mahal ko.

"I-ikaw, i-ikaw ba si Kennedy?" napalingon ako sa ginang na nasa aking harapan ngayon.

"Do you know her?" Niño asked. "Do you know whos this girl coz?" tanong nya ulit  but I didn't answer.

"H-halika dito." Tawag sa akin ng ginang. May iniabot sya sa aking frame at isang envelope, "Ibinigay sa akin yan ng aking anak noong gising pa s-sya. Lagi ka daw nyang napapaginipan, kaya't sabi nya. K-kung sakaling makita kita, ibigay ko ito sayo. Sampung buwan syang coma, at ngayon.. N-ngayon lang sya tuluyang bumigay" aniya.

Napaluhod ako dahil sa pangangatog ng aking binti. Dagli akong inalalayan ni Niño, I can't believed it! Bakit? Ang sabi ko sa kanya magkikita kami pero bakit patay na sya?

Kaagad akong lumapit sa kanya at inalalayan ako ni Niño. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil syang sya ito, pumayat lang sya pero sya pa din ito.

Mula sa mata, ilong at labi...

Kinagat ko ng mariin ang aking labi upang mapigilan ang paghikbi. Masakit sobra pa sa sobra, parang yung lakas ko sa loon ng tatlong araw nawala ngayon nung makita ko sya.

"A-azul." ani ko. "Bakit moko iniwan? Why?"

"Excuse me sir, pero kailangan na po naming dalhin sa morgue ang pasyente." itinabi naman ako ni Niño, hindi ko mapigilang maiyak habang pinagmamasdan ang wala ng buhay na si Azul ang mahal ko.

"Mahal ka nya hijo, sobra." napalingon ako sa nanay ni Azul. "I-inialay nya ang buhay nya para lang sa kapakanan mo kaya kung maari wag mo itong sayangin... Masaya kong makita ang lalaking minahal ng anak ko hanggang sa kanyang huling hininga" Aniya at nilisan na ang silid.

Ako at si Niño nalang ang naiwan,

Alam kong naguguluhan sya pero hindi ko kayang magpaliwanag sa kanya. Masyadong malalim ang bawat sugat na natamo ko, malalim ang pagkakabaon ng bawat punyal sa aking puso.

Masakit, mahirap pero kailangang tanggapin na ang babaeng mahal ko ay wala na.

Ang babaeng una at huling kong mamahalin ay wala na.

Ang babaeng mag asul na mata at may pinakamagandang ngiti sa lahat.

Ay tuluyan na akong nilisan..

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now