2. Her World

68 9 16
                                    

Kennedy

Napasigaw ako sa sobrang takot na.nararamdaman ko. Takte naman oh! Kalalaki kong tao para akong babae kung umasta.

Napalingon naman ako kay Azul ng marinig ang paghagikgik nya. Painosenteng nilingon nya ako at tinaasan ng kilay. "What?"

Napailing naman ako. Grabe, kakaibang babae to. Akala mo anghel, me sa demonyo pala. 'Joke!'

Hindi ako tumitingin sa ibaba,pakiramdam ko malalaglag ako anomang oras. Hindi naman sa takot ako sa heights pero,TAKOT talaga ako.

"Kalalaking tao takot sa ganto? Grrr. You're unbelievable. Pano pa kaya kung puno na ang sakyan natin? Makakaya mo kaya?" tanong nya habang aliw na aliw pagmasdan ang mga nangniningningan na bituin.

"Paano ka nakabuo ng ganito?" tanong ko. "Ah, I mean gantong mundo. It's unbelievable." namamanghang tanong ko. Nakita ko naman syang ngumiti. Yung ngiting alam mong masaya sa meron sya? Yung kuntento sa nakuha nya at yung ngiting hinahangaan ang gawa nya.

"Dahil pangarap ko ito. Pangarap kong makabuo ng gantong mundo, yung free akong gawin lahat ng gusto ko. Malaya, walang hadlang. Malayo sa mapanghusgang tao,malayo sa gulo. I just want to have a perfect but quiet life". aniya. "Pero sana, hindi ko nalang pinangarap ang lahat ng 'to". natigilan ako sa sinabi nya.

"Baket? Hindi kaba masaya na nakuha mo 'to? It was amazing and perfect!"

Ngumiti naman sya. "Sa una lang".

"H-huh? What do you mean?"

Napailing naman sya. "Wala, bilisan na natin. Maguumaga na,kailangan ng bumalik nito sa pinaglugaran nya". aniya at hinaplos ang ulap kaya naman napabilis ang takbo namin.

"Salamat ng marami!" paalam nya dito bago kami lisanin ng ulap. Nandito kamin ngayon sa isang lugar kung saan puro halaman ang makikita mo. Hindi lang basta halaman,naglalakihang halaman!

"Magandang araw,Azul!" napatigil ako ng magsalita sa harapan ko ang isang pulang rosas! Kingina, wala ako sa alamat kaya bakit may ganito?

"Magandang araw din sayo." bati nya. Hinila nya ako papalayo doon at kinausap. "Sya lang ang bukod tanging bulaklak na nagsasalita. Sya lang kasi ang pinahintulutan kong magsalita". natutuwang sabi nya.

'Parang mababaliw ata ako dito ah?'

Naglakad-lakad kami. Namamangha ako sa tuwing nakikita kung gaano kalinis at kaganda ang lugar na ito. Para kang nasa paraiso, isang magandang paraiso.

"Ang lugar na ito ay ang Azul's Comfort Room." aniya. "Oops, walang banyo dito kung yun ang nasa isip mo. Dito kasi ako naglalabas ng hinanakit at problema ko sa buhay. Though, wala naman akong problema sa mundo ko." nilingon nya ako. "Sorry ang gulo ko haha." napatitig ako sa kanya ng bahagya syang tumawa.

'Damn you Kennedy, she just smile! What's wrong with you?'

"Halika upo ka dito." pinagpagan nya yung uupuan ko, katabi ko sya. Kaagad naman akong lumapit at naupo. Tinignan ko sya at nakatingin sya sa iba. Tinitignan nya ang kabuoan nito, hindi masakit ang pagtama ng sikat ng araw sa amin kaya kaagad ko itong tinignan.

Nagulat ako ng makitang hanggang ngayon, papasikay pa lamang ito! Nilingon ko sya at nakita ko syang nakangiti.

"I told you,this is my world. I control everything, everything I want." aniya at nakatingin na din sa araw. "Hindi ko ginawang pasikatin ng tuluyan ang araw. Mas gusto ko yung papasikat palang sya, nakakapagrelax kasi ako. Nakakapag-isip ng tama at nagiging masaya na din. At the end of the day, mapapalitan din yan ng sunset. Ganon ang routine nito. Katulad pa din sa nakagisnan mo, pero iba nga lang."

So, she mean na hindi sumisikat ng todo ang araw? Wow that's cool. Amazing imagination!

"Sa mundong ito, ako lang ang naririto. Walang iba,tanging mga sariling gawa ko lang ang nakakausap ko. Baliw man ang kalalabasan pero it never change the fact na sumaya ako dito." she said while licking her lips. "I enjoyed staying here and for some reason I don't want to leave here,to leave my world. But I am confuse kasi I dont know why you're here. Hays."

Napatigil naman ako don. 'Bakit di na lang nya sabihin na ayaw nya akong kasama? Masakit kaya sa puso yung ginagawa nya!"

"But honestly, I enjoy being with you. I enjoy your company even though oras lang tayo nagkakilala. Can you do me a favor?" tanong nito.

"What is it?'

Nginitian sya nito at tinignan. Mata sa mata. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa, dammit man! Make a way!

"Can you stay here for a couple of weeks or month? I want you to join me here. And I want you to see my whole wolrd." halata ang lungkot sa boses nito. "Matagal na kasi akong nag-iisa, gusto ko naman ng may kasama.. kahit, pansamantala."

'Matagal na syang mag-isa? Why? Bakit hindi sya gumawa ng taong makakasama dito para may makasama sya?'

"Hindi ako Diyos para gumawa ng isang tao Kennedy. Im just a human and this? This is only my dream. A dream that I created." she said. "Kung ganon lang kadali edi sana gumawa na ako ng makakasama ko." malungkot nyang turan.

'Mind reader ba ang isang to?' Pero at the same time, medyo nanikip ang dibdib ko sa nalaman kong iyon. Matagal na syang nandito pero wala syang kasama. 'How can she survived here? Kung ako sya malamang nadedo na ako!' Napailing sya sa nasabing iyon.

Mahirap ang mag-isa, nakakaloka at nakakabaliw. But at the same time, ito yung magbibigay sayo ng way para makapag-isipisip ng mabuti. 'In a good way'

"Promise, I will help you to get out here. But please, stay here with me for a while. Gusto ko kasing may kasama naman akong libutin ang mundo ko, can you do that for me?"

Hanggang ngayon, hindi pa rin mag sink in sa aking nasa panaginip nya ako. May ganon bang pangyayare? Sa libro ko lang kasi nababasa iyon and honestly speaking wala pang nakapagpatunay na totoo iyon. 'God! Dammit!'

"Hey, are you listening?" napabaling naman sya dito. Naniningkit ang mata nito pero bakas dun ang lungkot. 'I want to take away that pain. 'If staying here with you will take away that pain. I'll stay.'

Napatango ako. "Yeah." sagot ko. "I'll stay here beside you." at nginitian ko sya.

Dedicated To
Shaniah Marie
Belated happy birthday bby! Iloveyouuu!

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now