12. Azul

24 7 1
                                    

Dedicated To:
Normie Soriano :)

Kennedy

Hindi nya ako kilala. Iyon ang sinasabi ng tinig nya pero hindi ng puso nya.

"Bakit naririto ka sa mundo ko? Sino ka?!" nanlilisik na matang tingin nya sa akin. Malalim at nakakatakot ang kanyang boses, parang hindi siya ang Azul na nakilala ko.

"A-azul"

Nanikip ang aking dibdib dahil bigla niya akong sinakal! Nag-aalab sa galit ang kanyang mga mata. Bakit? Bakit sya nagkaganito? Bakit naging iba sya?

"Wala kang karapatang bigkasin ang pangalan ko!" anas niya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin, imbes na mas maramdaman ko ang takot ngayon dahil mamaya lang ay maari na akong mamatay. Mas nararamdaman ko ang sakit at kalungkutan dahil alam ko kung bakit siya nagkakaganito.

'Dahil sa akin'

Bakit ganito ang galit sa mga mata nya? Bakit nagkaroon ng ibang kulay ang dating itim niyang mga mata? Bakit nagkaroon ng poot? Bakit sumidhi ang kanyang damdamin? Saan nagmula?

"May lakas ka pa ng loob para tignan ako? Gusto mo na bang mamatay?!"

Napangiti ako. "Katapusan ko na ba talaga?" nanghihinang tanong ko. "Papatayin mo na ba talaga ako?"

Hindi sya kumibo pero naroon pa din ang mahigpit na pagkakasakal nya. Tipong ayaw ka nyang makahinga kaya kahit anong butas tinatakpan nya.

Nalulungkot ako, kasi naging ganito sya dahil lang sa napasok ko ang mundo nya. Nasasatan ako, kasi hindi ko man lang nasabi kung gaano ako kaswerte na nakilala ko sya.

Hindi ko man lang nasabi kung gaano ko sya kamahal.

"AAAAAAAAH!" napalingon ako sa kanya. Maluwag na ang pagkakasakal nya sa akin, nakapikit sya at nakahawak sa kanyang ulo.

"A-azul? A-anong nangyayari sayo?"

Hindi niya ako nilingon. Papaling-paling ang kanyang ulo, mas dumudoble ang enerhiya ngayon dito. Unti-unting naglalalaglagan ang mga bituin. Umiihip ang napakalakas na hangin, nagsisibagsakan ang mga bulalakaw. Nag-uuntugan ang mga planeta!

"Azul!" sigaw ko. Pero napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng pagkakasigaw nya. Tumalsik ako sa lakas non, napahawak ako sa aking ulo dahil may kung anong tumutulo doon.

Nang imulat ko ang aking mata, hindi na ako nagulat ng makita ang dugo doon. Napaangat ako ng tingin. At heto si Azul, kagaya ng kanyang ngalan mas naging asul sya. Buong bahagi ng katawan niya ay asul.

Nilingon ko ang kapaligiran. Apoy, at dagat ang nakikita ko.

Wala na ang dati niyang mundo.

Nasira na ng tuluyan.

Hindi ko napigilang maiyak, duwag ako at walang lakas. Duwag ako dahil ni hindi ko man lang napigilan sya, hindi ko man lang nagawan ng paraan upang hindi masira ang mundo nya.

Napaubo ako dahil sa biglaan niyang pagsipa sa aking tiyan. Wala akong lakas upang labanan sya, at hindi ko rin magagawang saktan sya dahil mahal ko sya.

"Hindi mo man lang ba ako lalabanan?" natatawang ani nya. "Ganyan kaba kaduwag? Ganyan ba kaduwag ang nilalang na katulad mo? Masyado kang mahina, hindi kana dapat mabuhay pa!"

'Masyado akong mahina dahil wala akong enerhiya para labanan ka. Ngunit kahit meron akong lakas na labanan ka, hindi ko naman magagawang saktan ka dahil parang sinaktan ko na din ang sarili ko'

Tinanggap ko ang malakas niyang sampal na para na atang namanhid ang buong katawan ko. Tinanggap ko ang sunod-sunod na pagkakauntog ko kung saan. Hawak niya ako ngayon sa kwelyo ng aking damit. Muli kong tinitigan ang kanyang mukha.

Wala na ang dating maamo,napalitan na ng mabangis na mukha.

Wala na ang masaya niyang mga mata, napalitan ng galit at poot.

Wala na ang ngiti sa kanyang labi, napalitan ng sakit at pighati.

Wala na ang dating sya.

Dahil ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay isang babaeng binuhay sa galit at kasakiman.

Galit na nagbibigay daan sa kanya upang pumatay.

'Hindi na sya si Azul' ayan ang sinasabi ng isip ko. Pero kada titignan ko ang mga mata nya, parang may nagsasabi sa aking nariyan lang sya at ikinulong. Humihingi ng tulong upang makawala.

Napadaing akong muli ng maramdaman ang kamao niya sa aking tiyan. Kababaeng tao! Ang sakit manuntok!

"Argh!"

Napangisi sya. "Kaya mo pa ba?" nanghahamong tanong nya at bigla akong binitawan.

Nakita kong nahati ang dagat, at dito iniluwa ang lalaking nagpapahirap sa aming dalawa ni Azul. Nakangisi ito at parang isang demonyo na nakamit ang kanyang misyon.

"Kamusta ka?" pagbati niya. Hinagkan nya si Azul sa pisngi na syang nagpagalit sa akin. Pero mas ikinagalit ko ng bigla niyang sakalin si Azul at ihagis ito! Tang-inq?!

"Masaya bang makitang muli ang babaeng iniibig mo? O masakit bang malamang hindi ka niya nakikilala?" tanong niya. Nasa harapan ko siya ngayon, puro itim ang nakapaligid sa kanya. 'Satanas!'

Nakangisi sya at marahanf hinaplos ang aking pisngi. "Handa kana bang makitang nahihirapan ang taong mahal mo? Handa ka na bang makitang naglulupasay sya at nauubusan ng hininga? Handa ka na bang makitang nahihirapan sya?!"

Nag-igting ang panga ko at naikuyom ko ang aking kamao. "Hayop ka!"

Natawa naman sya. "Wag kang mag-alala, masisiyahan ka namang makita sya. Ayaw mo nun? Bibigyan kita ng isang palabas at libre pa. Ang magiging presyo nga lang, ay ang buhay niya."

"Wag sya! Ako nalang, ako nalang ang pahirapan mo!" nagmamakaawang pakisabi ko.

"Wag kang mag-alala, pagkatapos niyang magdusa. Ikaw naman, hindi ba nakakatuwa iyon? Yung pakiramdam na wala kang magawa para tulungan ang babaeng mahal mo? Ikaw nanunuod, sya nagdudusa. Napakamakasarili mo naman". aniya.

"Tang-ina mo! Tigilan mo na sya!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig dahil bigla nalang naroon sya sa kinaroroonan ni Azul at walang awang sinampal ito.

Nakangising nakatingin sya sa akin. Bakas ang kasiyahan sa kanyang mga mata, natutuwa sya sa nakikita at ginagawa nya.

At ako?

Hindi ako natutuwa! Wala akong magawa para makawala dito! Kingina!

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now