CHAPTER 7

126 4 1
                                    

<Naalala mo yung anniversary nila Alyssa at Ghian? And yung nakayakap ni Alile? Ayun! Para kasi sakin hipo na un! Ako lang ang may karapatan kay Pusa noh!>

Napailing nalang ako sa kabaliwan neto kay Alile.. Pinag isipan pa ng masama si Charlon. Baliw talaga..

<Miski nga siya naiinis, pero wala daw siyang karapatan dahil siya naman daw ang natumba dun kay Charlon. Nagsorry naman na daw siya kay Charlon at si Charlon din daw nagsorry.. Pero hindi pa rin ako kuntento noh! Ang liit ng mundo. Shet!>

Natawa nalang ako.. Akala ko naman may ugali din tong si Charlon. Wahahahah.

Pero oo nga.. Ang liit ng mundo.. Ang tagal na nun at paanong nandun si Charlon? Ibig bang sabihin dati pa sila magtropa ni Mago? Pero hindi eh.. Hindi ko nakikitang kasama siya nila Mago.

Nang makarating kami sa mansion ni Charlon gaya kanina, pinagbuksan pa rin niya ako ng pintuan at inalalayang bumaba.

Pumasok kami sa manion nila at binati naman siya ng mga katulong. Well, hindi naman mawawala to.

"Where's Ate Cha, Nanay?"

"Nasa taas iho.. Kanina ka pa hinihintay.."

"Ah, okay.. Salamat po.. Tara, Casey?"

Sinundan ko lang siya paakyat sa pangalawang palapag at huminto naman kami sa isang pintuan..

Narinig naming may umuungol sa sakit..

"Ikaw nalang magbigay kay Ate Cha huh? I think kilala ka naman na niya.." Inabot naman niya sakin yung tatlong packs ng napkin.

"W-why me??" Taka kong tanong.

"Babae ka, Casey.. It'll be awkward for me if ako pa ang magbibigay sa Ate ko. Hahahaha." Sabi niya at binuksan yung pintuan ng Ate niya..

Isinara niya ito ng makapasok ako.

"Anong gagawin ko??" Bulong ko sa sarili..

"I-is that.... Ouch.. You, Char--lon??" Rinig kong boses galing sa banyo dito sa kwarto ng Ate niya..

Lumapit ako sa banyo niya at kumatok..

"Uhm.. A-Ate Cha.. Eto pala yung napkin niyo.. Nautusan lang ako ni Ch-Charlon.." Kinakabahan kong sabi..

Napatahimik naman siya at dahan dahang binuksan yung pintuan..

"I-ikaw ba yung, aaaaawwww..."

"Ate magpalit ka na muna ng pad.. Tsaka may dysmenorrhea po kayo, Ate Cha.." Napatingin naman siya sakin at halatang hindi niya alam mo yun.. How come na hindi niya alam yun?

"D-dys-- what??" Irita niyang sabi at dahan dahang kinuha yung isang pack ng napkin sakin habang nakahawak sa puson niya..

"Magpalit ka nalang muna Ate Cha.. Ilalagay ko nalang to sa kama niyo." Sabi ko at isinara na yung pintuan..

Gaya ng sabi ko, nilagay ko yung dalawang packs ng napkin sa kama niya at ako naman naupo sa couch sa loob ng kwarto niya..

Tumawag ako kay Charlon at sinabihang ipagtimpla si Ate Cha ng green tea.. At dinala naman kaagad dito.

Maya maya pa'y lumabas na si Ate Cha at agad na naupo sa kama niya..

Kinuha ko naman yung table stand na may green tea at dahan dahang inilagay yun sa tapat ni Ate Cha..

"Ate Cha.. Makakatulong yan para mawala yung sakit.. Kaya inumin mo yan ha?" Sabi ko at tsaka aakmang aalis na sana nang magsalita siya..

"Ngayon ko lang naranasan ang gantong sakit kaya.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. I even told Charlon to buy me some medicine for this shi-- sorry.." Natawa nalang ako. Hahaha. Ate na rin yung tawag ko dahil nasabi ni Charlon na 26 na daw yung Ate niya at kasing edad ko lang naman daw si Charlon hahaha.

I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon