Jay Dee's POV
Nandito na kami sa venue kung saan gaganapin yung 22nd birthday ni Lany. Sobrang excited niya at lahat ng dumadating, masaya niyang winewelcome.
Kalahati rin ng mga tao dito ay mga CEO ng iba't ibang kumpanya na naging kasundo nila Lany sa kumpanya.
"Oh, it's nice to meet you again, Mr. Song" Kinamayan ako ni Mr. Anderson. Naging kasundo ko rin kasi siya sa negosyo. Sa Pilipinas naman kami noon.
Nginitian ko siya. "It's nice to meet you too, Mr. Anderson." sabi ko pabalik at iilan din ang nakipagkamay sakin.
Mas lalong naging hyper si Lany ng mag uumpisa na yung celebration.
Humabol pa yung mga amerikano't amerikanang kaibigan ni Lany. Karamihan din sa mga kaibigan niya ay lalaki kaya medyo may katuwaan kami kahit pa iba yung trip nila sa trip namin nila Jay Mee.
Si Mom? Busy rin sa pakikipag usap sa iba pang CEO or mga kaibigan niya sa company.
Naglalakad ako pabalik ng upuan nang biglang may nagtakip ng mata ko. Pigil pa siyang tumatawa. Parang kilala ko na haha.
"Happy birthday, Lany." Bati ko at tinanggal ko yung kamay niya sa mata ko. Hinarap ko siya.
"Let's dance!" Aya niya. Natawa ako bigla.
"I don't dance, Lany. It is too embarrassing." I chuckled and so did she.
"Aw, c'mon. It is my birthday anyway. Please?" She pouted kaya wala na akong magawa. Pumayag na ako.
"Yay! Thank you Jay Dee!" And she hugged me.. Napangiti ako. Hindi ko pa nabibigay yung regalo ko sa kanya pero tuwang tuwa na siya. Ang dali niya maka-appreciate ng mga bagay mapaliit man o mapalaki.
May sinenyasan siya sa harap kaya napatingin ako dun. I saw Tita and Mom na nagchicheer haha.
"Let's give the floor to Ms. Lany Peters and Mr. Jay Dee Song! Let's give them around of applause!" Mom announced at lahat nagpalakpakan. Yung mga kaibigan naman ni Lany ay nagtilian rin hahaha. Syempre yung mga babae lang.
Hinila na ako ni Lany sa gitna. Marami pang natawa. Siguro dahil si Lany pa ang humila sakin instead of me hahaha.
"Go son!" Pagsupport ni Mom.
"What a great couple!!"
Maraming nanukso kaya mas lalo akong nahiya..
Nabigla ako nang hawakan ako ni Lany sa pisngi..
"Haha, Jay Dee! Stop blushing! It's alright. I'm here okay? Haha." Guess she's really having fun huh..
Nagsimula nang patugtugin yung 'A Thousand Years by Christina Perri'
Nilagay ko yung kaliwa kong kamay sa bewang ni Lany at yung isa inihawak ko sa kaliwang kamay niya.
Medyo nagulat pa siya kaya natawa ako at napailing.
"O-oh.. H-haha." Sinundan ko lang si Lany. Ayokong magkamali. Ayokong mapahiya ako sa kanya. I should make this dance special, lalo na't birthday niya at hiniling niya to.
Napatitig ako sa kanya.. Masaya nga talaga siya haha.
"Why did you ask me to dance with you? Wala ba dito yung someone mo?" Hindi ako nagseselos ah. I'm just curious kung sino yun.
"It's because I want to hahaha. And yup, he is here." Napangiti ako. Kakaiba kasi yung ngiti na pinakita niya.
"You are kind, beautiful and smart. Why do you keep on waiting?"

BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?
FanfictionPart 2 of IFILWMBF. Who is the one? Sino? Yung patuloy pa rin bang umaasa at umiibig? Naghihintay na mahalin ni Casey pabalik? Hindi napagod at hindi mapapagod mahalin si Casey? Yung tao bang lalaki talaga gusto pero nahulog kay Casey? Handang mag...