Louise's POV
Nandito ako sa bahay ni Kaye.. Nandito rin sila Tita at Tito syempre haha.
"Kamusta yung party ni Ghian? Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kahapon." Napailing ako.
"Sakitin ka talagang bayot ka." Napairap ako at binigyan siya ng gamot. Ang taas kanina ng lagnat ni bakla, buti nalang at medyo bumaba ngayon.
"Ang hot ko kasi kaya ganon." Natawa siya at naubo, ayan.
"Inubo ka tuloy sa kahanginan mo. Tsaka don't tell me, ikaw si Arianne habagat? Mas na nga, grabe pa yung babaitang yun." Natatawa kong sabi tas inabutan siya ng tubig.
"Baka mahawa ka, Louise." Napairap ako ulet.
"So? Tsh."
Nagkwentuhan kami ni Kaye.
"Balita ko, break na sila Ghian at Alyzza ah. Bakit daw?" Medyo paos na sabi ni Kaye.
"Hindi rin namin alam kung bakit nakipag-break tong si Alyzza." Sagot ko at sumubo ng chips.
Nasa kwarto kami ni Kaye. Pinayagan naman ako nila Tita dahil may tiwala naman daw sila sakin.
"Hays, sana okay lang si Ghian. Siguro irespeto nalang muna natin yung naging desisyon ni Alyzza."
"Yun nga rin ang sinabi namin kagabi."
"Eh kamusta sila ni Casey at Ghian? Nag-inuman daw ah." Nasamid ako.. Pati ba naman yun, kumalat..
"Oo. Mga baliw nga eh. Mamaya may mangyari sa kanila dyan. Jusko. Iba pa naman pag si Casey ang nalalasing. Napaka-clingy. Nanunukso at kung ano ano pang kalokohan ang pumapasok sa isip non." Naiirita kong sabi.
Maya maya narinig kong tumawa si Kaye. Anong nakakatawa don?
"Hahaha!" Pero bigla rin siya naubo haha, yan kase. Hinimas ko yung likod niya at tumawa ulit siya. "Iritang irita ka bakla ah. Diba ikaw yung nagsundo kay Casey non? Natukso ka no? Nakooo. Tsaka grabi ka naman don sa dalawa. Alam naman ni Ghian yung limits niya towards Casey. Kaya okay lang yun." Mas lalo akong nainis. Hindi kaya okay yun.
"Tss. Hindi okay yun. Lalo na't sila na pala ni Charlon that time." Banas na sabi ko at uminom ng milktea.
"Bakit ba parang banas na banas ka? May nangyari ba? O meron ka lang ngayon?" Naubo ako..
"Ano naman ngayon kung banas ako? Tsaka anong meron ka dyan, lalaki ako no." Irita kong sabi at tumingin sa pinapanood namin.
Nagulat ako nang hampasin niya yung braso ko. Enebe?!
"Bakit ba yon?!" Gulat na naiirita kong tanong. Bigla bigla nalang manghahampas eh. Parang walang sakit tong babaeng to.
"Lalaki ka na, Louise! Hahaha, samantalang dati, pag sinabi naming meron ka sasab--" Pinutol ko siya dahil malabong mangyari yung sinasabi niya.
"Tumigil ka. Eto pa rin ako. Yuck, lalaki. Babae ako. Talaga naman kasing wala akong--"
"Yun nga! Pag sinasabi nga naming may regla ka sasabihin mo pang 'Oo! Pangalawang araw ko na' ganern!" Pumalakpak pa siya.
"Tigilan mo ko, Kaye."
"Oh bakit iritang irita ka? Aminin mo nga bakla.. May nagugustuhan ka ng babae no? Sige na, umamin ka na. Masakit man para sakin pero okay lang. Hahaha." Tiningnan ko siya ng 'naguguluhan' look. Like, girl? Anyare?
"May sakit ka nga Kaye. Kung ano ano nang pinagsasabi mo." Iiling iling kong sabi at siya naman ang umirap.
"Naguguluhan ka pa no? Sige na bakla, aminin mo na."
![](https://img.wattpad.com/cover/120762447-288-k174183.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?
FanfictionPart 2 of IFILWMBF. Who is the one? Sino? Yung patuloy pa rin bang umaasa at umiibig? Naghihintay na mahalin ni Casey pabalik? Hindi napagod at hindi mapapagod mahalin si Casey? Yung tao bang lalaki talaga gusto pero nahulog kay Casey? Handang mag...