CHAPTER 8

129 7 1
                                    

"Kuyaaa pakilagay nalang po jan. Thank you!" Sabi ko sa may hawak ng mga papeles. Nandito kami sa labas kung saan sinisimulan na ang paggawa ng building ng Ate ni Charlon.

Sa mga nakalipas na linggo, mas nakilala ko si Charlon. Hahaha, makulit pala talaga siya.

Sana nga raw hindi lang labas ang dapat kong asikasuhin, gusto daw niya pati loob ng building. Eh sabi ko di ako masyadong gamay sa pagdesign at paggamit ng materials sa loob ng isang building o iba pa.. Hanggang labas lang ang powers ko. Hahaha.

"Hahaha, ang gwapo gwapo mo talaga, Charlon." Sabi ko sa kanya. Masyado kasing nakakusot yung mukha niya dahil sa sikat ng araw.

Nakita kong hinagod niya ang buhok niya at tsaka nagtakip ng mukha.. Hala siya??

"Stop it.. It's embarrassing.. Baka mamaya.. Kumalat yung kagwapuhan ko.. Fudge.. Kinikilig ako, Architect Castillo.." Pumapadyak pa ang loko! Hahaha.

"Ang cute mooo! Para kang babae. Haahaha." Napatigil naman siya at lumapit sakin.

"Dati.. Sabi mo para akong bata.. Ngayon babae.. Baka naman sabihan mo na ako ng bakla ah.!~ We're at the same age!" Nakanguso niyang sabi. Pinisil ko naman yung pisngi niya.

"Cheer up, kiddo! You don't look like a gay... hahaha--" nagulat ako nang may bumawi nang mga kamay ko mula sa pisngi ni Charlon..

"Who's this, Casey??" Napanganga ako sa ginawa ni Jay Dee at syempre bigla nalang siyang sumusulpot!

"Hi! I'm Charlon and you are??.." Ngiting sabi ni Charlon at tinakpan ang mukha niya mula sa sikat ng araw. Hanggang sa napakunot yung noo niya.. "Wait.. I know you.. You're.. Je.. Jaybee? Jaycee? Oh yeah! Jay Dee! Hahaha. I met you at the bar with Christian!"

"Ikaw pala yun? Bakit ka nandito? And.. Do you guys know each other??" Tanong ni Jay Dee.. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko.. Ano na, Jay dee? Hahaha.

"Client lang naman siya ni Casey, Jay Dee.. Looks like he's going to steal her from you.. " napalingon ako sa pagmumukhang Jay Mee.. Loko to! May balak pa atang gumawa ng gulo si g'go!

"And you're Jay Mee, right??" Seryosong sabi ni Charlon at nagpamulsa na..

"And so what? Mas gwapo pa rin ako sayo noh." Hay jusko..

"I don't care.." Kibit balikat na sabi ni Charlon..

"Client mo siya? Pero bakit ang informal niyong kumilos at magsalita sa isa't isa??" Bumitaw na si Jay Dee sa kamay ko at napahawak naman ako sa kabila kong kamay.. Namamawis amps!

"I told her to be comfortable with me.. Ayoko ng masyadong formal. Hahaha, it's kinda boring. Hindi lang yun, same lang naman kami ng age so why not, right?" Naglean pa si Charlon sakin at ngumisi tsaka kumindat.

Natawa nalang ako at nailing.

Dahil doon, napansin kong nanggigil na si Jay Dee ..

"Jay Dee.. Jay Mee.. Bakit pala kayo napadaan dito??" Pag iiba ko.. Nako! Ayoko magkaron ng away sa trabaho ko noh! Hinding hindi ko sila mapapatawad!

"Sumama lang ako kay Jay Dee.. Besides... Best friend kita kaya nandito ako." Tumaas ang kilay ko kay Jay Mee.

"Eh si Alile?" Tanong ko.

"Ehem! Yung mahal kong asawa at mahal rin ako? Yung hindi nagpapaYAKAP sa iba jan? Yung hindi nanghiHIPO! Ayun.. Nagpapahinga.." Hinampas ko yung braso niya. Si Charlon naman umalis na dahil tinawag siya ng isang worker.

"Manahimi--"

"I just wanted to see you and have a lunch with you." Sabi ni Jay Dee at kumiss sa noo ko.. Napanguso naman ako..

I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon