Ghian's POV
"Kuyaaa, nagkakalat ka lang sa kwarto ko eh." Sita sakin ng nakababata kong kapatid.
Nandito ako ngayon kela Mama, dito na muna ako tumutuloy simula nung makipag-inuman ako kela Jay Mee. Wala namang problema pagdating sa negosyo ko.. Naghihintay lang talaga ako sa ngayon..
Balita ko pa, may outing daw.. malapit na kasi birthday ni Case.. this week na.
Sasama naman ako, syempre.. sana lang, maging okay ako kahit papaano. I don't want to ruin their mood lalo na araw ni Case yon. Sa totoo lang, nahihiya pa rin ako kay Case hanggang ngayon.
"Sorry na, Laiii.. wala akong magawa eh.." Nakatanggap naman ako ng palo mula sa kapatid ko.
Aray ko po.
"Then, work, gosh! Hindi yung nandito ka lang sa kwarto ko, nagkalalat. Look at your charger, nakakalat. Tapos yung headphones mo rin. Yung earphones mo nakasabit pa sa picture frame ko! Kuya namaaaan.. And look at those comic books.. like gooosh, may kwarto ka, right? Juskoooo." Sermon niya at the same time, pagmamaktol niya. Natawa ako at bumangon.
Ang hirap din talaga kapag babae kapatid mo, no? Grabe sa sobrang linis. Joke, makalat lang talaga ako hahahaha.
"Lalai naman eh.. bukas din, uuwi na rin ako oh. Just let me stay here kahit ngayon lang.. Please? Hindi mo ba ako na-miss?" Lambing ko. Napabuntong-hininga naman siya.
"Tigilan mo ko, Kuya ah.. porket, pfft, umamin ka lang kay Ate Casey eh.. ikaw ah. Lagot ka talaga kay Ate Lyzzaaa.. lagooot." Pananakot niya. Sabi na nga ba aasarin lang ako nito. "Joke laaaang hehe... Pero nakakahiya nga yung ginawa mo hahaha!" Pinitik ko naman siya sa noo, "Aw.. Kuya!"
"Alam niyo? Kasalanan niyo ni Mama yan eh. Kayo kaya yung nag-push sakin na ayain si Case. Alam niyo namang--"
"Wala talaga sa wisyo yung utak mo, Kuya? Duuuh, of course, matagal na naming alam yan. Kami pa ba?" Kibit-balikat na pang-aasar niya.
"Ayon. Sige pagtulungan niyo kong mag-ina . Hiyang-hiya na nga ko sa bestfriend ko eh.. ay alam ko na. Kayo ang isusumbong ko don."
"Ahahaha, ewan sayo, Kuya.. pero teka nga, doon ka na sa kwarto mo. Bakit ba kasi ayaw mo don?" Napaisip ako kunwari..
"Ano kasi.. ayokong magkalat don.." One.. two.. three!
Tumayo na kaagad ako at dinampot yung phone ko tsaka ako kumaripas palabas ng kwarto niya. Ayokong mamatay sa kwarto ng kapatid ko.
"Kuyaaaa!! Nakakainis ka! Bumalik ka nga ritooo!" Umiling ako at mas binilisan pa ang pagtakbo pababa hahaha.
Mahahampas na naman ako ng walis tambo, no waaay. My handsome face couldn't take it.
"Oh, anak. Narinig ko na naman yung sigaw ng kapatid mo. Ano na naman ba ang nangyayari, huh?" Salubong sakin ni Mama.
"Ah, may ipis sa kwarto ni Lalai, Ma." Napakamot ako sa ulo ko.
"What? Hindi naman siya matatakutin sa mga ganong bagay ah? Malamang nyan.. inasar mo na naman yung kapatid mo, ano?" Ang galing talaga ng nanay ko. Nginitian ko na lang siya hehe. "Ewan ko na talaga sayo, Leister."
"Hehe, sorry na, Ma."
"Kuya! Sakin ka dapat nagsosorry eh! Anyways.. lalabas kaaa?" Sigaw niya mula sa taas pero agad din lumambing yung tono ng boses niya..
Ahhh, pustahan may kailangan to sakin.
"Hm.. busy ako, Jhian Laiza.. bye!" Umiwas agad ako ng tingin at naghanap ng matatakasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/120762447-288-k174183.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?
FanfictionPart 2 of IFILWMBF. Who is the one? Sino? Yung patuloy pa rin bang umaasa at umiibig? Naghihintay na mahalin ni Casey pabalik? Hindi napagod at hindi mapapagod mahalin si Casey? Yung tao bang lalaki talaga gusto pero nahulog kay Casey? Handang mag...