CHAPTER 34

105 3 1
                                    

Casey's POV

Ughh.. ang sakit ng ulo ko.

Well, malamang uminom na naman ako..

"Hoy babae, gising ka na ba?" Napatingin ako sa baklang nagsalita.. bakla pa ba to?

Naalala ko na napa-amin siya sakin nung gabing nalasing din ako.. nang dahil sa sinabi niya bigla akong nabalik sa katinuan eh, jusko.

Pero ngayon, he's acting like nothing has even happened that night.

Tanungin ko kaya?.. Hm, sige sige.

"Bakla.. este, Louise..." Irita niya kong tinignan. Hahaha, bakla pa rin talaga kung kumilos.

"Totoo--" ano ba yan, sino ba tong tumatawag?

I checked the caller's name.. oh, si Arianne pala.

"Napatawag u?"

<San u?>

"Bahay, kakagising ko lang haha"

<Uminom ka na naman no? tsh, lasinggera.>

"Hoy, grabe to. Hindi naman.."

<Whatever. Wala kang pasok today?>

"Ay, di ko sure. Wait lang.." Lumipat yung tingin ko kay Louise para tanungin siya. "Bakla, anong araw ngayon?"

"Saturday. Magdadalawang linggo ka nang umiinom, Casey." Masungit niyang sabi.. tsh, aga-aga eh.

Inirapan ko na lang siya at chineck yung schedule ko ngayon araw.

Oh..

"Ian (Yan), may kakausapin lang naman akong new client then ayon wala na kong gagawin."

<Ganon ba? Kitain mo kami sa starbucks malapit sa company niyo, gagala us.>

"Himala, sasama ka sa gala. Wala kang training?"

<Wala haha. Ano? 3 pm? G?> 3 pm? Anong oras na ba?

Hala ka! Tanghali na?!

"Shet, oo, sige, bahala na. Tetext ko na lang kayo, bye!" Binaba ko na yung call at bumangon.

"Bakla, ba't di mo ko ginising? Late na ko sa kliyente ko fuuudge!"

"Aba, kasalanan ko ba kung late ka ng gising? Kung hindi ka lang kasi naglasing last night, baka maaga ka pa nagising ngayon. Babush na nga, kumain ka muna bago umalis ah."

"Eh? Dun na, okay lang ako." Nginitian ko siya at tsaka pumasok sa banyo.

Aish, siraulo ka Casey.

***

Papunta na ko sa kliyente ko, sana lang hindi siya magalit..

To: Mr. Idk,

-I'm on my way now, Sir. I apologize for being tardy.

'Idk' talaga. Hindi ko pa alam yung pangalan niya eh.. Bigla na lang siyang nagtext sakin at sinabing siya raw yung bago kong client.

Nakarating na ko sa meeting place namin.. hindi ko pala alam yung itsura niya..

To: Mr. Idk,

-Sir, what are you wearing po?

Naghanap pa rin ako, baka sakaling kumaway yun eh.

Oh, I got a message from him.

Titignan ko na sana yung message ni Mr. Idk, nang makita ko si Charlon.. huh? Anong ginagawa ng hubbyko dito?

I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon