Louise's POV
Takbo lang talaga ako nang takbo.. Aish! Bwisit na babaitang yun!
Pinagod ko lang talaga yung sarili ko at tumakbo na pabalik..
Dahan dahan pa akong pumasok dahil baka tulog pa si Casey. Nilock ko yung gate pati yung main door at umakyat na..
Bago pa ako pumasok sa kwarto ko, naisip kong silipin si Casey..
Binuksan ko yung pintuan at nilapitan siya..
Tulog na tulog sigur--- Shet na malagket! N-nakataas na kasi yung sando niya..
Kilala ko si Casey at nasanay na ako na conservative magsuot to ng mga damit. Hindi lang siguro ako sanay sa nakikita ko ngayon.. I mean.. Ang tagal na naming magkasama.. Sa iisang bubong pa!
Ewan ko bakit ngayon.. Medyo naiilang ako.. Aist!
Lumabas na ako ng kwarto niya at pumasok na sa kwarto ko mismo. Binagsak ko yung sarili ko sa kama at dahan dahang nakatulog.. Sobrang pagod lang siguro..
At kanina lang, nanggugulo si bruha at ang hirap niyang iwasan! Well, ayokong iwasan siya pero naguguluhan talaga ako sa nangyayari sakin ngayon.. Feeling ko may hindi magandang nangyayari..
Tapos naalala ko na sinabi pala ni Casey na break na sila Ghian at Alyzza, pero yung itsura ni Casey yung nasa isip ko ngayon.. Siguro nadistract lang talaga ako..
Mga teh! Kahit maganda ako, lalaki pa rin ako! Natutukso!
Pero dahil nirerespeto ko si Casey, nagpipigil ako. Kaya ko 'no. At nasanay na ako..
Ewan ko lang talaga ngayon bwiset!!
Nang makarating kami kay Ghian marami na ring tae este tao haha.
Sinalubong naman ako nila Alile.. More like, dinumog HAHA.
''Bakleeeer! Bakit ang tagal niyo?" salubong na tanong ni Nadine.
"Nauna lang talaga kayo 'no." Umirap pa ako at binatukan naman ako ni Alile.
Sasalitaan ko sana si Alile dahil sa pambabatok niya hayp na yan. Kaso wala nauna na siyang magsalita-.-
"Bakit magka-holding hands ng kamay sila Casey at Charlon kanina?" Para namang detective to si Alile kung makatanong.
"Ay oo nga! Pansin ko rin, oh my gosh." Natawa ako sa reaksyon ni Arianne haha.
"Duh! Araw ng Holding Hands ngayon!" Seryoso kong sabi with matching gestures pa hahaha.
Napakunot naman yung mga noo nila. Yung mga airport nila sa mukha bwiset.
"Utot mo Louise! Ano nga?" Kinurot pa ako ni Pia sa tagiliran ko tsk!
"Bakit ba ang sama niyo sakin ha? Araw ba ng sakitan ngayon? Tsh. Yung nakita niyo kanina, si Casey nalang bahalang magpaliwanag sainyo, okay? Ayokong pangunahan siya.." Ayoko ring marinig na sila na nga talaga.. Ah basta! Di ko lang feel bakit ba? Masama? Hindi naman diba? Nagseselos lang ako dahil duh! Ilang taon na kaming magkasama niyan ni Casey at walang jinowa yan! Ngayon lang talaga! Inaagawan pa ako eh! Best friend ko yan eh!
"Hoy bakla! May tinatanong si Mion oh." Napatingin ako kay Mion nang nakataas yung kanan kong kilay. Nawala na naman tuloy yung presence ko dito haha.
"Sabi ko, tinatawag ka nila Ghian doon sa loob! Enebe?" Irita niyang tanong. Ay. Haha.
"Eto namang si Pia, may sinasabi kasi. Wala naman palang itatanong eh. Che! Maiwan ko na nga kayo." mataray kong sabi at tuluyan ko na sana silang iiwan nang may mapansin ako..

BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?
FanfictionPart 2 of IFILWMBF. Who is the one? Sino? Yung patuloy pa rin bang umaasa at umiibig? Naghihintay na mahalin ni Casey pabalik? Hindi napagod at hindi mapapagod mahalin si Casey? Yung tao bang lalaki talaga gusto pero nahulog kay Casey? Handang mag...