CHAPTER 43

62 2 3
                                    

Mabilis lang natapos yung unang araw namin kela Lola at grabe.. sobrang saya hahaha, lalo na nung roadtrip.. Sa coffee project pa kami tumambay. Ngayon, pangalawang gabi na namin at takte hindi ako makatulog.

Bumaba na muna ako at dumeretso ng kusina. Nauuhaw ako.

"Just go home, Lany."

I titled my head out of curiosity. May gising pa pala? Sinundan ko kung saan nanggagaling yung boses na yun..

Ah, si Jay Dee..

"What?"

"Yeah." Na-curious ako bigla kaya mananatili muna ako rito.

"You just realized? Ex nga ni Charlon si Casey. Naka-usap pa nga natin sila before ng magkasama sa call, right?" Nabanggit yung pangalan ko? Wait.. sinong kausap niya?

"Well, Tito-Mom and Tito-Dad invited us kaya sumama kami... What? Because of Casey? Umuwi ka na, lasing ka na oh." Nabanggit na naman ako ah.

"Lany, I gotta sleep... you too. And also stop coming to my place whenever you get drunk. Delikado na." Ahhhhh, si Lany.. pero, teka.. nagpupunta si Lany sa bahay ni Jay Dee kapag nalalasing siya? At anong delikado?

"No.. I care for you, okay? It's not that I don't. Intindihin mo yun, Lany... Isa pa, umayos ka na. Ikakasal ka na this week." Nasa bahay siya ngayon ni Jay Dee.. What the heck? Paano pa kaya kapag nandon si Jay Dee?

"Huh?? You'll wait for me? Bukas pa ko makakauwi. Busy din ako sa mga susunod na araw. Just focus--" Lumayo na ako kaagad doon.. Ayako nang marinig yon.. bakit ako nasasaktan?

Napangiwi ako at nagmadali sa pag-akyat.. sa sobrang pagmamadali ko, nadapa pa ko.. talk about my luck, guys.

"Shuta.." Chineck ko yung paa ko, medyo namula.. pero bahala na. Malamang narinig ako ni Jay Dee, hindi na dapat ako maabutan non.

Tumayo na ko at nagsimula nang umakyat ulit. Buti na lang, hindi ganon kasakit tong paa ko.

"Casey? Are you alright?" Sh't.. ang swerte talagaaa.

Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na kaagad.. tsaka ako pumunta sa kwarto ni Lola at dumiretso ng banyo.

Hinihingal akong tumapat sa salamin.. laking gulat ko pa nang makita ko yung sarili ko sa salamin.

Why am I crying? Hooooly cow, bakit kasiii? Bakit kasi.. ugh! Lany is pissing me off. She's hurting me.. ang bigat sa dibdib.

Ngayon lang naalala ni Lany na naging boyfriend ko si Charlon? It took her long, huh. Well, hindi naman na big deal yun.

But.. akala ko ba.. ako lang? Akala ko ba wala lang yung kay Lany? Nakakainis ka, Jay Dee! Sa simpleng halik, magbabago na kaagad yung feelings mo.

"Casey?" Wait.. nandito siya sa kwarto ni Lola? Sh't, sana hindi niya ko mahanap.

Bahala siya sa buhay niya..

"You alright?" Tanong mo sa pagong. Umirap pa ako.

Hindi naman na siya nagtanong ulit.. mukhang umalis na siya.

Lumabas na ko ng banyo at tumabi na lang ulit kay Lola.

Nakakainis. Akala ko okay na ang lahat.
 

Jay Mee's POV
 
 
Last day na namin dito kela Lola Andy. At gusto ko lang naman mag-enjoy pero.. hindi ko maiwasang mag-alala sa dalawang to.

Kahapon pa sila ganyan. Akala ko nga nag-aasaran lang sila pero ngayon.. may problema pala talaga.

Napansin ko kasing iwas si Casey kay Jay Dee. Yung kapatid ko naman, ayon, napaka-manhid. Teka nga, babatukan ko lang.

I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon