AN:
SINIPAG AKO MASYADO SO, YEAH. HAHAHA. LABYU OL.
--
Therese's Point of View
Natigil ako at rinig ko rin ang tibok ng puso ko. Nanatili akong hindi makagalaw at dinigest ang sinabi ni Alex.
"Then, gusto kita."
"Then, gusto kita."
"Then, gusto kita."
"Then, gusto kita."
"Then, gusto kita."
*toot! toot! toot!*
Nabitawan ko ang cellphone ko. G-gusto niya ako.
--
"OH MY GHAAAAADDDD!!!"
Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na tinignan ang oras. Mag aalas kwatro na kasi ako natulog. 9am ng umaga.
Bumaba ako ng kama ng walang ayos ayos, baka may kung anong nangyari kay Mama.
Nagulat ako ng makita ko sa Salas sina Mama at Alex, nag uusap. Agad silang napalingon sa akin.
Nagtama ang tingin namin ni Alex, my heart skips a beat as he smiles to me. Kumapit ako sa hagdan, this feels like de ja vu.
"A-alex..."
Mas lalo pa niyang nilapadan ang pag ngiti at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nanlaki ang mga mata ko at naalalang bagong gising palang pala ako.
--
Alex's Point of View
"Mama, manliligaw po ako."
Kamuntikan ng mahulog si Mama mula sa sofa habang katabi si Kate, maging si Kate ay nagulat rin.
Buo na ang loob ko dahil para bang sinampal ako ng mga words ni Therese kagabi. Alam kong sobrang mabilis pero anong magagawa ko? Eh sa tinamaan ako sa kaniya eh.
And she's right, sisimulan ko na ang first move dahil baka maagaw pa siya ng iba which is ayoko. For the first time in my 18 years of excistence ay manliligaw ako.
"K-kay Ate Therese, kuya?" Gulat na tanong ni Kate.
Ngumiti ako at tumango. Kasunod nun ay ang tili ni Kate.
"AAAAAAAHHH! OH MY GAASSSHH!"
Natawa ako nang hampasin siya ng mahina ni Mama. Bumaling sila sa akin at ngumiti.
"Goodluck, Anak!"
Napangiti nalang ako.
--
Narito ako sa may bilihan ng mga bulaklak. Nang makabili ay dumiretso naman ako sa nakita kong mga chocolates stall or something. Bumili ako ng mga yon at napangiti.
"Therese, prepare to be mine."
Naglakad na ako papunta sa bahay nila Therese at naghanda ng sasabihin. Actually, kinakabahan talaga ako pero buo na talaga yung loob ko. Liligawan ko siya sa ayaw at sa gusto niya.
Kumatok ako sa gate nila Tita. Ilang segundo akong naghintay bago lumabas si Tita.
"Ahm, Madame, gusto ko po sanang--"
"Pumasok ka muna, iho. Si Alex ka hindi ba?" Kaswal nyang tanong habang pinapapasok ako sa loob.
Sinenyasan niya ako na umupo kaya naman agad akong umupo sa malapit na sala.
"Madame, hindi na po ako magpapaligoy ligoy, gusto ko po si Therese at gusto ko po siyang ligawan."
Naghintay ako ng ilang minutong reply niya, sobrang kabang kaba ako pero nagulat ako ng biglang tumili si Tita.

BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Short StoryCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.