Load-Chapter 13

116 9 0
                                    

Therese's Point of View

Mag aalas syete na nang makauwi kami ni Alex mula sa beach. Pagod pero worth it naman.

"Mom, I'm home," anunsyo ko. Agad namang lumabas si Mama mula sa kusina. Mukhang nagluluto siya para sa hapunan kasi nakasuot siya ng apron.

"Oh, anak, enjoy ba?" Tanong ni Mama bago bumalik sa kusina.

Umupo muna ako sa couch bago sumagot,"Opo, Ma, pumunta kaming beach."

Hindi kasi alam nila Mama na pupunta kaming beach, ang alam nila, roadtrip lang talaga ang ginawa namin.

"Oh? Saang beach naman, Anak?" Tanong muli ni Mama. Nakakarinig ako ng mga kubyertos so malamang naghahain na si Mama.

"White Castle po," sagot ko habang tumutungo ng kusina.

Nakita ko si Mama na napahinto sa paglalagay ng tubig sa baso.

"Okay ka lang po, Mama?" Tanong ko agad habang nilalapitan siya.

"Ahh, oo naman, may naalala lang ako," pilit na ngumiti si Mama kahit na yung mata niya, nagtutubig na.

"Sino naman po?" Sabi ko bago umupo sa usual kong upuan.

Umupo rin si Mama sa harap ko, saktong pagkaupo niya ay tumulo ang mga luha niya.

"Dun kasi kami pumunta ng Papa mo bago niya tayo iwan," sambit ni Mama sabay punas ng luha.

Tama, bago ang araw na iyon ay isang buong araw wala sila Mama at Papa, naalala kong nakipag date pa ako nun sa gago kong ex na si Jake. Alam niyo na, sinusulit lang yung time.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Tumulong muli ang luha ni Mama.

"Wag niyo pong iyakan yung lalaking nanakit at nang-iwan sa inyo. Hindi po niya deserve ang luha mo, Mama," wala sa sarili kong bangit.

Kamuntikan ko ng masampal ang sarili ko. Ako nga, iniiyakan si Papa eh. Papa's girl kasi ako noon, pero mula ng iwan niya kami ni Mama, naiinis na ako sa kanya. Naiinis lang naman, hindi nagagalit.

Ngumiti si Mama bago pinunasan muli ang luha niya. Nagsimula siyang magsandok ng kanin at nagsimula ng kumain ng tahimik.

--

Matapos ang nakakalokang dinner ay ako na ang naghugas ng pinggan. Matapos nun ay dumeretso na ako ng akyat sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at humarap sa laptop ko. Naisipan ko kasing gumawa ng panibagong kuwento. Marami na ang nagbabasa sa kuwentong ginawa ko. Pinalitan ko na rin ang title nun, imbes na "With You Forever" ay ginawa kong "A not so perfect love story".

Nag-isip ako ng magandang title.

Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay nakaisip na ako. Nagsimula na akong magtipa.

--

Alex's Point of View

"The number you have dialed is busy for a moment. Please try your call later. The number---"

Tinignan kong muli ang cellphone ko. Busy ba si Therese? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan.

"Siguro nga busy," sambit ko sa sarili ko.

Pumunta nalang akong Wattpad, yes, nagwa-Wattpad ako pero hindi palagi. Time killer ko lang ito, kumbaga. Nabasa ko na lahat ng nasa library ko kaya nagsimula akong mag-browse kung ano ang pwedeng basahin.

--

Nagbabasa ako ng biglang lumabas sa screen ko ang pangalan ni Therese. Inabot ko agad ang earphones ko at saka ko ito sinagot.

"Andami mong miss calls, anong problema?" bungad niya sa kabilang linya.

"Wow, hello rin, Future Girlfriend."

"Sorry, hindi ko nasasagot. Nagsusulat kasi ako sa study table tapos etong cellphone ko nasa kama, naka silent."

"Nagsusulat ka?"

"Uhh, yeah. May natapos na akong story."

"Really? Pero nagbabasa ka rin?"

"Yup."

"Try reading, A not so perfect love story, maganda."

"WHAT?!"

Napapikit ako nang bigla siyang sumigaw. Naka earphones ako kaya ansakit sa tenga.

"Aray, easy, naka earphones ako, wag ka sumigaw. Gusto mo bang mabingi ang Future Boyfriend mo?"

"Binabasa mo yun?"

"Yah, what's the matter?"

"Sakin yun, kupal ka."

Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Sa kanya yun?

"Wow, ang galing mo palang mag-sulat, Future Girlfriend."

"Uhh...Thanks?"

"Asan limang piso ko?"

"Che! Sige na, nagsusulat pa ako. Kala ko naman may importante kang sasabihin."

"Meron naman talaga eh."

"Oh, ano nga yon?"

"I love you."

In-end ko na ang tawag at ngumiti. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasasabi mo yung nararamdaman mo sa isang tao.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng akdang gawa ng mahal ko.

--

Therese's Point of View

"I love you."

*tooot tooot toooot*

Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Napangiti ako at pinakiramdaman ang puso ko. Nagiging abnormal nanaman ito. Sheet na malagket. Inlove na ba talaga ako kay Alex?

Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop. Kanina kasi ay sumasakit likod ko sa upuan sa study table ko kaya naisipan kong dito nalang ituloy ang pagsusulat sa Kama. Doon ko lang nakita na ang dami na palang missed calls ni Alex sa akin. (783)

Nagpatuloy na ako sa naistobro kong pagsusulat.

--

Mama ni Therese's Point of View

"Mama, ako na po ang maghuhugas," pagpiprisinta ni Therese nang matapos kaming kumain. Ngumiti ako at tumango.

Umakyat na ako sa Kwarto ko at naupo sa kama. Maswerte ako sa anak ko. Ni hindi ko nga maisip kung papaano niya nakayanan ang dati kong pagbubuhos ng galit sa kaniya. 3 years ago, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin.

Pero naalala ko, kaninang wala sila ay may tumawag sa akin na isang unknown number.

Flashback

Nagpupunas ako ng bintana nang biglang mag ring ang telepono kong nasa bulsa ko. Tinignan ko at isa itong unknown number. Kunot noo ko itong sinagot habang nilalapag ang pamunas ko.

"Hello? Sino to?" Bungad ko sa may telepono.

"Hello."

Halos huminto ang mundo ko mapagtanto kung sino ito.

"Lee?" Wala sa sarili kong sambit.

End of Flashback

Gustong bumalik sa amin ni Lee dahil pinerahan lang pala siya nung asawa niya na ngayon ay hiniwalayan niya na daw. Hindi ako makapaniwala.

"Papayag ba ako?" Sambit ko na lamang sa sarili ko.

--

Author's Note:

Lame? Sorry naman. Alaws sa mood eh. Huhu. Till next update. Paikli ng paikili updates ko noh? Sorry na nga eh. :<

Vote. Comment. Share.

Facebook: Cassandra Joy Mapanao

--

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon