CHAPTER ONE
ALEX'S POINT OF VIEW:
"Bakit sobrang pogi mo, Alex?" Tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin at nag aayos.
Kakalipat lang kasi namin so move move muna ng gamit, ang init pero hindi ko naman mahubad yung tshirt ko kasi ayaw kong makita ng iba ang pinangangalagaan kong abs.
"ALEEEEEEXXX! ANAAAAAAK!" Sigaw ni Mama mula sa baba. Nasa taas kasi kwarto ko.
Hininaan ko ang music bago sumagot.
"BAKIT MA?!" Pasigaw ko ring sagot dahil baka hindi niya marinig, medyo bungol rin kasi si Mama minsan.
"Halika dito, bumaba ka!" Sagot nito ng pasigaw rin.
Kunot noo akong bumaba mula sa kwarto, nakasalubong ko pa yung kapatid kong paakyat rin ata ng kwarto niya.
"Bakit po, Ma? Tawag niyo ang pogi niyong anak?" Tanong ko sa nakatalikod na si Mama.
"Hay, nako! Tulungan mo akong iakyat to dun sa kwarto ni Kate. Nagtatampo ata yun kasi hindi mo daw siya pinapansin kanina sa sasakyan," paliwanag ni Mama.
Natawa naman ako. Si Kate yung makulit at weirdo kong kapatid. Sobramg tampuhin nun at halata naman dahil nagtatampo ito dahil lang sa hindi ko pagkausap sa kaniya. 12 years old na siya pero ang isip parang six.
"Ako na po, Ma, kayo na dito sa baba," sabi ko at kinuha ang kahon na dala niya.
May kalakihan pero hindi mabigat kaya dinagdagan ko pa ito ng isa pang kahon. Andami namang abubot ni Kate. Jusko. Pinagpapawisan na yung sexy kong katawan.
"Kate?" Tawag ko ng makarating ako sa tapat ng pinto niya.
Hindi ko mabuksan yung pinto dahil nga may dala akong dalawang malaking kahon.
"Kate, pakibukas yung pinto," sabi kong muli.
"IKAW NA MAGBUKAS! WALA KA BANG KAMAY?!" Inis na sigaw ni Kate mula sa loob.
Sabi ko nga, nagtatampo nga pala 'tong babaaeng to.
"May dala ako eh," sabi ko.
Maya maya pa ay bumukas na ang pinto sa wakas. Agad akong pumasok at inilapag yung kahon. Nakakangalay kaya.
"Babygirl?" Tawag ko kay Kate.
Gustong gusto niya kasing tinatawag ko siyang babygirl. Nakapout lang siya at lumapit sa akin. Nagulat ako ng hinampas niya ako sa dibdib.
"NAKAKAINIS KA KUYA! BAKIT DI MO KO PINAPANSIN KANINA?!" Naiirita niyang tanong kaya naman natawa ako.
Pinisil ko ang pisngi niyang malambot at saka sumagot.
"Ikaw talaga, eh syempre nag iisip ako kung anong pwede nating panoorin mamayang movie marathon natin sa kwarto ko," palusot ko sabay gulo ng buhok niya ng kaunti.
"Yaaah, manonood tayoooo?" Tanong niya habang tumatalon talon at niyuyugyog ang kamay ko.
"Oo, mamayang gabi, okay? Bati na tayo?" Tanong ko rin sa kanya.
Agad siyang tumango kaya naman napangiti ako. Ang ending ay tinulungan ko siya sa pag-aayos ng mga abubot niya hanggang sa pumasok si Mama at sinabing siya na ang tutulong.
"Ah, anak," pahabol ni Mama bago ko pa man mabuksan ang pinto.
"Yes, Ma?" Umikot ako at hinarap sila Mama at Kate.
"Patapos ka na bang mag ayos sa kwarto mo?" Tanong niya habang nagwawalis dahil puro kalat na ang paligid.
"Ah, opo, Ma. Tapos na, ididisplay ko nalang yung mga trophies ko," ngumiti ako.
"Okay good. Ayusin mo yung tindahan muna. Isasabit mo nalang yun dahil inayos ko na. Ayusin mo ah! May premyo yun," sabay kindat ni Mama.
Nagsaludo naman ako, "Aye aye, Kapteyyn!" Biro ko sabay tawa.
Tumalikod na ako para umalis pero bago pumunta sa tindahan ay umakyat muna ako ng kwarto para kunin yung cellphone ko. Music is life kasi.
Matapos kunin ang cellphone ko ay bumaba na ako at dumiretso sa tindahan. Nagsimula na akong magpatugtog habang medyo sumasayaw sayaw pa.
"So don't go look at me with that look in your eye,
You really ain't going away without a fight"
"Yoy can't be reasoned with I'm done being polaaaytt!" Sumabay ako sa kanya habang nagsasabit ng mga naglalakihang tsitsirya.
(Song: FRIENDS)
--
Nakaupo ako ngayon sa tapat ng tindahan dahil baka may bumili. Matapos ang isang oras ay natapos ko na ang pag aayos. Habang nag sscroll up and down sa Facebook ay may biglang nagsalita.
"Pa-load po," mahinhing sabi ng isang babae, halata naman sa boses e.
Umangat ang tingin ko at tila ba nahinto ang mundo ko. Nakatambad sa harap ko ang isang babaeng maputi, mahaba ang buhok, teka, hindi diya white lady, isang napakagandang dalaga.
"Kuya?" Nahihiya na may halong ilang na sabing muli ng dalaga habang hawak ang cellphone niya.
"A-ah. A-ano yon?" Medyo namula ako habang nakayuko.
Nakakahiya.
"Pa-load po. Eto po yung number. 30 pesos lang po," she smiled a little bago tumalikod.
"T-teka!" Pahabol ko na hindi pa rin makaget over sa ganda ng dalaga.
"Po?" Tanong ng dalaga na halata mong nagmamadali.
"Uh...number mo ba itong pinapaload-an mo?" Nahihiyang tanong ko.
"Opo, bakit?"
"W-wala."
"Sige po," saka tumalikod muli ang babae.
"Pakshet, tinamaan yata ako!" Sabi na lamang ko sa aking sarili.
Natataranta kong kinuha ang phone na pangload at sinend ang load sa kanya.
Palihim kong itinago ang papel at saka pumasok sa salas ng marinig ko si Mama at Kate na tinatawag ako.
"Kakain na," anunsyo ni Mama kaya tumakbo ako sa kusina dahil gutom na ako.
Gabi na.
Matapos ang ilang minutong kainan ay napagpasyahan kong ako na ang maghugas.
"Kuya, akala ko manonood tayo?" Tanong ni Kate at sinundot ako sa tagiliran.
"Oo, baby. Mauna ka na sa taas, mamili ka na ng papanoorin sa Cd case ko. Susunod ako," sabi ko habang nagsasabon ng ilang pinagkainan.
"Okay Kuya! Dalian mo ah?" Huling sabi niya bago tuluyang umakyat ng tumatalon talon pa.
Natawa naman ako at ipinagpatuloy na lang ang paghuhugas ng pinggan.
--
Busy sa panonood ang katabi kong si Kate ng The boss baby habang ako naman ay busy sa kakaisip sa babae kanina.
Inilabas ko ang papel at saka inadd yun sa contacts ko. Nagdalawang isip pa ako kung itetext ko ba siya. Ang ganda niya talaga, pramis. Para siyang anghel na bumaba sa lupa at nagkatawang tao.
"Kate?" Tawag ko kay Kate dahil nakaubob na ito mula sa pagkakadapa.
Sinilip ko siya at nakatulog na pala ang babaeng makulit. Inayos ko ang higa niya bago pinatay ang CD.
Hays.
--
Author's Note:
Ang hangin ng point of view noh? Sorry naman. Basta luv ko lahat ng babasa neto.
Vote. Comment. Share.
Facebook: Cassandra Joy Mapanao

BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Cerita PendekCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.